Sleep over
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko at pagkakakita ko ay 8:30 na pala ng umaga kaya mabilis akong kumilos at dumiretso sa banyo. Maaga kaming nakauwi sa bahat mga 5 am palang. Napagdesisyunan kasi naming umuwi ng maaga dahil sa pagod at gusto ng iba na makapagpahinga sa kanilang bahay. Habang pauwi ay 'di pa rin namin napag-uusapan 'yong nangyari kagabi. Maging si Christian ay walang imik at malalim ang iniisip. Nakarating ako sa bahay ng maayos. Tinulungan ako ni Raven na iakyat ang mga gamit ko sa kwarto ko pagkatapos ay umuwi na dahil sa pagod din daw siya. Napagkasunduan naman naming kahit na 10am nalang kami magkita-kita mamaya dahil gusto ko pang umidlip kahit kaunti at pumayag naman sila. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako para maghanda ng almusal ko dahil nagpaalam si manang na uuwi daw muna siya ngayon dahil maysakit daw ang asawa niya at pinayagan ko naman. Hindi ako takot na mag-isa sa bahay dahil noon pa man ay sanay na akong mag-isa. Habang naghahanda ako ay tumunog ang cp ko dahil may nagtext.
Raven
Papunta na ako. Sunduin nalang kita sa bahay n'yo at dadalhin nalang kita sa lugar kung saan kita tuturuan.
Me
Sige! Pero tayo Raven hindi lang ikaw!
Matapos ang ilang minute ay tumunog ulit ang cp ko.
Raven
Bakit hindi pa ba nasabi ni Christian sa 'yo na hindi siya makakasama ngayon hanggang bukas dahil may business trip siyang aatenand kasama ng kanyang parents?
Me
What! Di ko alam!!
Talaga kasing wala akong nareceive na text mula sa kanya. Maayos naman kaming nag-usap kanina bago siya nagpaalam sa akin dahil nga may sarili siyang sasakyan. Siguro maging siya ay apektado sa mga sinabi ni Raven kagabi dahil may feelings din daw siya sa akin. Kung titignan mo kasi ay mas close na kami ni Raven ngayon compare sa kanya na noon ko pa nakasama. Sa pagmumuni muni ko ay tumunog ulit ang cp ko.
Raven
Don't worry! You'll be with me! You're safe! Hahahaha
Baliw talaga 'to.
Me
Wala naman akong sinasabing hindi ako safe sa'yo!
Raven
Joke lang!
Me
J
'Yon ang reply ko dahil napansin kong dumating na ang kanyang sasakyan. Pagkapasok niya ay napansin kong ang dami niyang gamit na dala. Ibinaba niya ang mga ito at dumiretso sa akin saka ako niyakap.
"I miss you" bulong niya.
"Miss? Ilang oras lang tayo nagkahiwalay miss agad?" sabi ko habang nakayakap pa rin siya sa akin.
"I can't help it'' matamis ang ngiti niya saka siya umupo sa sofa.
Nilapitan ko naman siya "Bakit ang dami mong dalang gamit? Saan ka lilipat?" tanong ko sabay irap.
Humalakhak naman siya "Dito sa bahay n'yo! I texted Nay and she told me na mag-isa kalang ngayong araw kaya naisipan kong dito nalang matulog sa inyo para safe ka! Baka kasi hindi ako makatulog 'pag naiisip kong mag-isa ka lang dito" pangangatwiran niya.
Tinaasan ko naman siya ng kilay "At sino naman ang nagsabi sa'yong pwede ka dito matulog?"
Ngumisi siya "Si Mommy mo! Nakausap ko siya kanina at pinayagan niya ako!"
Nagulat naman ako sa sinabi niya! Si mommy naka-usap niya? "Paano mo naka-usap si mommy? I mean bihira nga lang 'yon tumawag o mag-chat tapos ikaw naka-usap mo agad?
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romance__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...