CHAPTER 59-MANG KANOR'S HOUSE

246 4 0
                                    

Mang Kanor’s Day 4- Last Day due to urgent meeting.

Hindi namin namalayan ng babe ko na hindi nap ala kami nagising matapos naming umidlip. Nagising na lang kami nang marinig namin na tumunog ang cellphone ng babe ko.

“Sagutin mo na babe” sabi ko dahil pansin kong wla siyang balak na sagutin ito.
“Ayoko! Baka istorbo lang ‘yan. Mas okay ‘tong pwesto ko ngayon” hinampas ko naman siya dahil sa rason niya.
“Bahala ka kay Jun ako tatabi ‘pag hindi mo sinagot ‘yan!” at tama nga ako agad-agad siyang tumayo para sagutin ang tawag.
Nilakasan naman niya ang speaker ng cellphone niya dahil ang daddy ko daw ang tumatawag. Talagang sobrang lakas niya sa daddy ko.
“Hello son!” son na talaga?
“Yes dad?” kayo nalang kaya ang mag-ama?
“Kumusta ng bakasyon n’yo ng anak ko?” nagtanong ka pa dad.
“Okay naman po. And guest what? Kami na ulit!” narinig ko namang tumawa ng malakas ang daddy at mommy ko. So pati si mommy nakisama?
“Buti naman son! Para naman mabigyan n’yo na kami ng apo. Gusto ko na kasing may aalagaan kaming baby sa bahay. Mag anak lang kayo nang mag-anak kahit dalawampu saka n’yo ibigay sa amin ng mommy mo. Kaya namin silang alagaan!”
This time ako na ang sumagot dahil malakas ang tawa ng babe ko sa sinabi ng dad ko.

“Dad, anong tingin mo sa akin baboy? Sa ganda kong ‘to tapos mag-aanak ako ng dalawampu?” natawa din ang parents ko bago nagsalita si daddy ko.
“Gising ka pala anak! Okay lang ‘yong dalawampu anak kayang kaya nating suportahan lahay ng ‘yon” talagang pinipilit nila ang dalawampu.
“Dad naman! Ayoko ngang malosyang!”
“Hayaan mo babe kahit malosyang ka ay hinding hindi kita iiwan” suminit pa ‘tong lalaking to.

“Ikaw kaya ang mag-anak para maranasan mo!”
“Kung pwede lang sana babe. Ang kaso hindi pwede dahil sa macho ako eh!” mayabang talaga.
“Anong konek ng pagiging macho sa pagbubuntis aber?”
“Siyempre ang machong katulad ko ay dapat  lang magkalat ng lahi sa tulong ng isang magandang tulad mo!”
“Ano ako kasangkapan?”
Hinalikan naman siya ako sa pisngi bago nagsalita “Hindi ka magiging kasangkapan dahil isang Raven Josh Villafuerte ang mapapangasawa mo!” kinilig naman ako sa sinabi niya.
“Ang sweet pa rin ng mga babies ko!” natawa naman ako dahil nandito pa pala ang parents ko at nakikinig sa amin ng babe ko.
“Isa ka pa mommy! Dapat hinanapan mo muna ako ako ng ibang lalaki para naman hindi ako matali sa lalaking payatot na to” biro ko pero naramdaman kong hinawakan ako ng babe ko saka binigyan ng malaim na halik.
“Wala ka na dapat hanapin pa dahil ako lang ay sapat na!”
“Hahahahahahaha…….. Ganyan nga son! Dapat bantayan moa ng baby ko para hindi ka na maunahan ng iba!” saad ng daddy ko.
“Don’t worry dad! Hindi-hindi ako papaya na may makahawak sa kanyang iba maliban sa akin!”
“Ang unfair naman yata non. Ako bawal tapos ikaw pwede?” hirit ko kaya nagtawanan na naman ang tatlo.
“Wag kang mag-alala dahil mahawakan man nila ako. Sa bandang huli ay sa’yong-sa’yo ang buong katawan ko!” baliw!
“Dapat ganun din ako!” hirit ko ulit kaya dumilim ang mata niya.

“No! Sa akin ka lang dapat at wala nang pwedeng humawak sa’yo!”
“Kainis ka naman eh. Dapat makahawak din ako ng ibang macho maliban sa’yo!”

At dahil sa sinabi ko ay ginawaran na naman niya ako ng malalim na halik.
“By the way bakit ka nga pala tumawag dad? Ang aga mong mang-istorbo!” wika ko.

“May urgent meeting kasi tayo today na kailangan ninyong puntahang dalawa. Noong una ayaw ko sana kayong istorbohin dahil ang plano ay one week kayo diyan pero may dumating na malaking investor sa kompanya natin. At gusto niyang kayong dalawa mismo ang humarap.” Namiss ko tuloy si Patrick dahil ‘pag ganito siya ang kasama ko.
“Anong oras baa ng meeting dad?” tanong ng babe ko.
“Mamayang 9pm. So, I think aabot kayo sa oras kung aalis kayo diyan ng mga 8am!”
Nagtinginan naman kami ng babe ko saka tumango.
“Sige dad. Makakarating kami.” Sabi ng babe ko “Iidlip lang kami saglit dahil 3am palang ng umaga!”
“Sige. Ingat kayo at gaya nang sinabi ko dapat magkaroon na ako ng apo.” Hihirit pa sana ako kaya lang pinatay na ng dad ko ang tawag.
“Tara tulog muna tayo babe!” yaya sa akin ng babe ko kaya humiga ulit kami saka ipinikit ang mata.
“Mamimiss namin kayo mga anak!” mangiyak-ngiyak na wika ni Aling Rosa. Nabigla daw kasi sila sa biglaang pag-alis namin. Maging si Jun ay nabigla din. Buti nalang ay naihanda na niya ang mga gamit niya papuntang Maynila.

“Huwag po kayong mag-alala Nay babalik po kami dito ‘pag may oras po. Alam n’yo naman po sobra kaming busy. Buti nalang nagawan ng paraan ng dad ko na makapasyal kami dito sa inyo. Dahil din doon ay nakilala namin si Jun para mabigyan namin siya ng trabaho.”

Niyakap naman kami ni Aling Rosa.
“Basta siguraduhin n’yong babalik kayo ah!” wika niya kaya tumango ako.
“Promise nay!”
Ang babe ko naman ay may inabot kay Aling Rosa.
“Ano ‘to anak?”
“Pambili n’yo po nay ng mga gagamitin n’yo sa bahay n’yo!”
“Bakit ka pa nagbigay eh ang dami na nong mga pagkain na ipinadal n’yo dito bago kayo pumunta dito!”
“Tanggapin n’yo na po ‘yan nay. Sige kayo ‘pag hindi n’yo tinanggap ‘yan ay hindi na kami babalik dito” baliw talaga to. Tinakot pa talaga si Aling Rosa.
“Ikaw talaga puro ka biro. O sige mauna na kayo kung talagang may mahalaga pa kayong kailangang puntahan mamayang gabi. Baka maabutan kayo ng gabi sa daan, delikado pa naman ang daan ‘pag gabi”

Nakasunod naman si Jun sa amin. Pagkarating namin kung nasaan ang sasakyan namin ay agad kaming pumasok sa loob. Si Jun naman ay umupo sa likod.
“Okay ka lang ba diyan Jun?” tanong ko.
“Opo ma’am. Don’t worry about me po!”
Nang tinignan ko naman ang babe ko ay bakas sa kanya ang inis.
“Bakit ka ganyang makatingin?”
“I said don’t talk to him!”
Sa halip na hampasin ko siya ang hinawakan ko nalang ang kamay niya na nagbigay sa kanya ng ngiti sa labi. Napakaseloso talaga niya.
Inabot kami ng pitong oras sa biyahe bago kami nakarating sa bahay namin ng mga parents ko. Si Jun naman ay pinatuloy namin at nagpasya ang parents ko na patulugin muna siya sa guest room namin.
“Sige ma’am at sir aakyat na muna ako sa kwarto!” paalam ni Jun kaya tumango ako.

Nagpasya kami ng babe ko na magpahinga muna sa kwarto ko. Pumayag naman ang both parents ko na magkasama kami sa iisang kwarto para daw sa future ng mga Illustre.
“Nakakapagod ang bumiyahe babe!” hirit ng babe ko kaya niyakap ko nalang siya para kahit na papaano ay mabawasaa ang pagod niya. Knowing him kasi lambing lang ang hanap niya ‘pag ganito ang mga sinasabi niya.
Maya-maya ay nagkwentuhan kami.
“Babe paano kaya kung natuloy ‘yong kasal natin dati? May mga anak na kaya tayo?” tanong ko dahil iniimagine ko ang sarili kong kasal na sa kanya.
“Oo naman. Baka nga nakasampu na tayong anak” hinampa ko naman siya kahit alam kong biro lang niya ang sinasabi niya.
“Puro ka talaga biro!”

“Eh ang sarap mo kasing asarin” wika niya “Sa tuwing hinahampas mo kasi ako nadarama kong talagang mahal mo ako!”

“Naalala mo pa’yong kahihiyang ginawa ko dati sa mall?”

“Oo naman. Dahil doon mas lalo kong naramdamang mahal mo rin ako noon.”

“Nakakainis kasi ang mga babaeng linta na mga ‘yon. Akala mo ang gaganda eh ang papanget naman” natawa siya sa sinabi ko.

“Alam mo bang sa loob ng tatlong taong wala ka sa tabi ko ay namiss ko ang hampas mo?” kung alam mo lang pati ako.

“Ako rin naman. Namiss ko ‘yong pagiging seloso mo. At sa tuwing binibiro kita na hahanap ako ng macho ay nag-aalis ka agad ng damit mo para ipakita ang sabi mong macho mong katawan!”

“Sus ang sabihin mo gusto mo lang talagang makita akong nakahubad palagi para magkaroon ka ng inspirasyon!” isang hampas na naman ang iginawad ko sa kanya.

“Baliw! Kung alam mo lang kung gaano karami ang nakilala kong macho sa Canada baka magselos ka lang dahil talagang ang gaganda ng katawan nila” sa trabaho ko kasi ay hindi maiwasang may makasama akong mga lalaking modelo din. Maging si Christian ay maganda ang kanyang pangangatawan.

“Talaga?” sabi niya sabay umibabaw siya sa akin. “Kung ganon mas lalo akong magwowork-out para ako na ang may pinakamagandang katawan na makikilala mo sa buong buhay mo”
“Kaya mo ba?” gusto ko lang siyang asarin.
“Oo naman.”

“Gawin mo dahil ako ay isa sa pinakasikat na modelo sa buong mundo. Baka ‘pag nakilala ka ng iba ang sabihin hindi tayo bagay!” dumilim na naman ang mukha niya sabay gawad sa akin ng malalim na halik.

“Sisiguraduhin kong ‘pag nakita ako ng iba ay susuportahan nila tayo dahil tayo ang ChaVen love team mula noon hanggang ngayon!” aniya.

Naalala ko tuloy ang love team na binuo nng mga kaibigan namin noon.
Humiga naman siya ulit sa tabi ko saka namin ipinikit ang mata namin dahil sa sobrang pagod namin. Lalo na siya dahil siya ang nagmaneho ng buong pitong oras. Gusto ko siyang sundan pero ayaw niya dahil siya daw ang lalaki. Pinipilit ko sana pero tinignan niya lang ako ng masama kaya hindi ko na pinilit ang gusto ko baka magabihan pa kami sa daan ‘pag nagkataon.

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon