Last wishNagising ang diwa ko nang marinig kong may nagsasagutan sa paligid ko.
"Yan baa ng gusto mo Kenneth ha? Yan ba? Sinaktan mo ang dalawa mong anak para lang sa negosyo mo!"
"I'm sorry Claire! Please patawarin mo ako sa nagawa ko! Kung alam ko lang na siya si Charity ang anak natin hindi ko na ginawa ang nagawa ko!"
"My God Kenneth anong pumasok sa isip mo't hindi mo naalalang De Guzman ako at Charity ang pangalan ng anak mo!"
"Sorry Claire please forgive me!"
"Hindi ko alam Kenneth kung ano ang magagawa ko 'pag may nangyaring masama sa mga anak ko!"
"Kaya kong ayusin sa lahat basta patawarin mo lang ako!"
"Sa palagay mo maayos mo pa lahat? Mahal na mahal nng anak mo ang lalaking 'yon tapos ikaw lang pala ang sisira sa kanila! Ikaw na sarili niyang ama!"
"I really don't know na siya ang panganay natin Claire please!"
"How about Shanen? Ba't mo nagawa sa anak ko 'yon?"
"Alam ko mali ang rason ko pero dahil sa business...."
"Business? Hanggang ngayon ba business pa rin? Iniwan ka namin ng anak mo dahil sa business na 'yan! Sana pinayagan mo nalang ako noon na dalhin ang dalawa kong anak para hindi mo na sila sinaktan ng ganito!"
"Alam ko..... please .please. please. Forgive me!"
Iminulat ko nang tuluyan ang mata ko kaya napansin kong umiiyak ang kasamang babae ni Raven kanina sa stage kung saan inannounce ang pakaka-engage nila.
Napansin ko ring nakaluhod at iyak nang si Mr. Illustre sa harap ng mommy ko.
"Ate?" sabay yakap ng babaeng kasama ko sa akin kaya nagtataka ako sa nangyayari.
"Anak!" patakbo namang pumunta sa akin si mommy ko kasunod si Mr.Illustre saka yumakap din.
"Anak I'm sorry for the things I've done!" rinig kong sambit ni Mr. Ilustre kaya nagtataka talaga ako sa anumang nangyayari sa paligid ko.
Noong kumalas sila sa yakap ay tumingin agad ako kay mommy ko at nagtanong.
"My what's the meaning of this?"
"Anak I'm sorry...."
At dahil uminit na ang ulo ko dahil sa kanina pa ako puno sa sorry ng paligid ko ay sumigaw na ako.
"Ano ba talaga ang nangyayari my? Sino sila?"
"Anak...." Sabay lapit sa akin ni mommy pero pinigilan ko siya.
"Answer mr first my! Who are they?"
Sasagot na sana si mommy ko nang inuhan na siya ni Mr. Illustre.
"I'm your father and she is your younger sister!" aniya kaya hindi agad ako nakapagsalita. Of all time matagal ko na palang kilala ang daddy ko at nakakausap ko pa. Pero dahil sa gusto ko pa ng extrang oras.
"Leave" sambit ko nalang.
"But Cha...."umiiyak na sambit ng mommy ko.
"Leave us alone please. I just only want my sister to be with me"
"Please Cha...."this time si Mr. Illustre ang nagsalita.
"Please mom and dad leave us alone!" singhal ko nalang sa kanila dahil gusto ko lang talagang mapag-isa kami ng kapatid ko.
Nang makalabas na sila ay agad kong niyakap ang kapatid ko.
"Stop crying na please. Naiiyak din ako 'pag nakikita kitang umiiyak" saad ko sa kapatid ko.
"I'm sorry ate. Hindi ko alam na boyfriend mo siya so please forgive me!" wika niya kaya naiyak ulit ako sa nangyari kanina.
"Okay lang! Kaya kong magbigay kong mahal mo siya" saad ko kahit alam kong masasaktan ako.
"No ate! May mahal akong iba at 'yon yong nakabangga mo kanina!" aniya kaya humarap ako sa kanya.
"What do you mean?"
"Pinilit ako ni daddy na ma-engage sa kanya. Ang akala ko ay magbabakasyon lang kami dito pero nagulat ako nang marinig kong engagement party pala namin ni Raven 'yon. He loves you ate nakikita ko 'yon sa mga mata niya!" wika ng kapatid ko kaya umiling kang ako.
"Yes he loves me pero 'di tulad nong sayo sis!" giit ko
"No ate he loves you!" giit din niya.
"I don't wanna talk about it first sis. For now, ang gusto ko ikwento mo kung ano talaga kayo ni Raven."
Tumango naman siya at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi saka nagkwento.
"We were fourth year that time nang makilala namin ang isa't isa. Naging close kami sa puntong ayaw naming bitawan ang isa't isa. Siya lagi ang sumusundo sa akin dahil busy si dad sa business niya. Lagi rin kaming kumakain sa labas. Minsan 'pag wala si dad ay sa bahay siya natutulog. Ang akala ng lahat ay kami pero ang totoo kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Noong dumating sa buhay ko si Kenjie nagbago ang lahat dahil mas nagustuhan ko ang presensiya ni Kenjie. Nakipag-away sa kanya si Raven. Dumating 'yong oras na nagtapat sa akin ng pag-ibig si Raven pero binasted ko siya dahil mahal ko na si Kenjie. Umiyak siya sa akin noon at lumuhod pero hindi ko talaga siya mahal kaya nirequest ko kay dad na sa Canada nalang ako mag-aral. Pumayag naman si dad pero kapalit ng pagiging fiancée ni Raven. Pumayag ko dahil alam kong pwede pang magbago ang lahat dahil sumunod sa akin si Kenjie. Mayaman sin si Kenjie pero di sing yaman ni Raven kaya ayaw sa kanya ni dad. Last week lang sinabihan ako ni dad na magbakasyon sa Pilipinas pero di ko alam na ganito pala ang dadatnan ko"
Matapos niyang i-kwento lahat ay napagtanto kong baka rebound lang ako ni Raven dahil halos magkamukha kami ng kapatid ko.
Maya-maya ay lumabas ang kapatid ko dahil kakausapin niya muna si Kenjie na galit din daw kanya. Ang sumunod naman na pumasok ay ang daddy ko na kanina ko lang nakilala.
"Cha... my daughter!" saad niya sabay yakap sa akin at rinig kong humihikbi siya. Humarap naman siya sa akin at diretsong tumingin sa akin.
"Mr. I mean dad tell me the truth please. Kaya mo ba kami pinapunta sa Cebu para i-plano lahat to?" seryoso kong tanong sa kanya para masagot na namin ni Patrick ang matagal na naming tanong.
Tumango naman siya kaya naluha ulit ako. Hinawakan naman niya ang kamay ko saka tumulo din ang luha niya.
"Anak I'm very sorry. Kung alam ko lang hindi ko na ginawa lahat ng kagaguhang ginawa ko."
"Ang tagal kong nangulila sa'yo daddy tapos ito pa ang madadatnan ko? I love you dad but I really don't know what to feel now!" saad ko dahil hindi ko talaga alam kong ano ang mararamdaman ko.
"I know anak so please let me handle everything. I can cancel the engagement with Chairman Villafuerte para ikaw ang ipalit sa kapatid mo dahil alam kong mahal na mahal n'yo ang isa't isa."
Umiling ako kaya nagulat si dad "No dad! Don't do that please! Kung gusto mo talagang bumawi sa akin gawin mo ang isang wish ko ngayon!" sambit ko kaya tumango ang daddy ko saka niyakap ulit ako.
"Anything for you my daughter! I love you!" bulong niya
"I love you too dad!" sagot ko sa kanya dahil kahit na may ginawa siyang mali ay daddy ko pa rin siya at mahal na mahal ko siya.
Nang bumukas naman ang pinto muli at iniluwa nito si mommy na umiiyak pa rin hanggang ngayon.
"Charity" tawag niya sabay yakap din sa akin "Im sorry nong sinabi kong iniwan tayo ng daddy mo at nag-iisa lang kitang anak. Ang totoo niyan ay nakipaghiwalay ako sa daddy mo dahil nawawalan siya ng oras sa atin. Mahal na mahal ka niya at ilang beses siyang nagmakaawa na bumalik ako sa kanya pero matigas ang puso ko at di na siya tinanggap ulit" saad ni mommy
"Mommy ang tagal kong nangulila sa daddy kasi naiingit ako sa iba na may daddy 'pag may important event!" sambit ko kaya niyakap ulit ako ni mommy.
"Wag ka nang mag-alala anak dahil buo na tayo ngayon. At di na namin hahayaan ng daddy mo na magkahiwalay pa tayong lahat!" bulong niya sa akin.
"Thank you mom and dad!" saad ko sabay yakap sa kanilang dalawa. Nakita ko namang bumukas ang pinto at dali-daling yumakap din sa amin si Shanen ang kapatid ko.
Nang kumawala kami sa yakap ay nagtinginan kami saka nagtawanan. Isa-isa naman kaming hinalikan ng both parents namin. Pero may naalala ako kay tinawag ko ang atensyon ng mommy ko.
"My, kelan 'yong sa modeling agency? I want to take it" sambit ko na ikinagulat ni mommy ko.
"Pera anak paano si Ra...."
"My, wala na kami. At kung talagang mahal niya ako ay palalayain niya ako kasi sa ngayon gusto ko munang i-focus ang sarili ko sa pangarap ko. Kung talagang mahal niya ako mag-aantay siya. At kung talagang mahal niya ako susuportahan niya ang gusto ko. Mahal na mahal ko siya pero pwede bang maging selfish? Na ako naman ngayon at walang iniisip na kahit sino man!"
Biglang may pumasok na nurse na nakatakip ang mukha. Inayos niya ang dapat niyang ayusin sa akin.
"But Cha paano ang k?"
"My just like what I told you pwede bang ako naman sa ngayon?"
Pansin ko namang napayuko si mommy ko pati na ang kapatid at daddy ko.
"Look! I'm not blamming anyone because of what happened, I'm doing this for my self so, please don't be guilty!" paliwanag ko kaya nayakap yakap ulit kaming apat.
Nang matapos kaming mag-usap ay lumabas na rin ang nurse pero ramdam kong parang kilala ko siya.
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romance__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...