CHAPTER 60-NEW INVESTOR

251 4 0
                                    

New Investor

“Matulog ka muna babe habang nagmamaneho ako!” kakatulog lang namain kaya.

“Kagigising lang natin tapos patutulugin mo ulit ako? Baka hindi na ako makatulog niyan mamaya!”
“Ayaw mo non? Matagal tagal tayong mag-uusap mamaya!”
“Hoy! Anong matagal tagal ka diyan! Uuwi ka mamaya pagkatapos ng meeting natin! Baka nakakalimutan mo, hindi tayo mag-asawa para palagi tayong magkasama!” nakita kong sumimangot siya sa sinabi ko.

“Bakit? Doon din naman ang takbo natin ah? Ayaw mo non masasanay ka ng kasama ako palagi sa kwarto para ‘pag dumating ‘yong time na kasal na tayo ay sanay ka nang makasama ang gwapo at macho mong mister!” ang sarap kiligin dahil sa mga sinabi niya.

“Oy kinikilig siya!” sabi ko nga bully din siya.

“Hindi ah! Mas gusto kong kasama si Jun sa kwarto!” mag-asaran tayo. Tignan natin kung sino ang mananalo.
“Pssh! Don’t mention the name of that crazy boy kung hindi papauwiin ko na agad sa probinsya nila ‘yon para ‘di mo na makita!” pikon!

“Subukan mo at hindi ka makakalapit sa akin. Ang gwapo kaya niya!” sabi ko habang kinikilig.

At dahil sa sinabi ko ay muntik na akong matuntog dahil ang bilis niyang inapakan ang preno ng sasakyan na naging dahilan nang mabilis na paghinto ng sasakyan namin.

“Anong bang problema mo?” kunwari galit ako. Pero kahit alam ko na ang rason malamang kailangan magmaang maagan ako.

“Anong sabi mo?” tanong niya
“Ano bang klaseng tanong ‘yan?”
“Paki-ulit ang huling sinabi mo!” ramdam ko nang galit na talaga siya.
“Ano bang problema mo?”
“What?”
“Sabi mo paki-ulit ang huling sinabi ko kaya ang sabi ko ano bang problema mo!”
“Wag mo akong inisin babe kung ayaw mong maging mukhang aso ang lalaki mo!”
“Anong pinagsasabi mong lalaki ko diyan!”
“Sino ba sa palagay mo ang tinutukoy ko?”
“Wala”
Dahil sa sinabi ko mas lalo kong naramdaman ang galit niya. Maya-maya ay may tinawagan siya na ikinagulat ko.

“Hello! Please call my secretary. I need to talk to her. She should not accept this Jun…….”
Mabilis kong kinuha ang cp niya saka hinalikan siya sa pisngi.
“Ito naman nagbibiro lang ako!” wika ko pero nakasimangot pa rin siya “Ikaw lang naman ang babe ko eh!”
“Patatawarin lang kita ‘pag sinabi mo ang huli mong sinabi bago ko itigil ang sasakyan natin!” makulit talaga siya kahit kailan.

“Fine! Ang sabi ko ‘pag pinaalis mo siya sa kompanya ay hindi kana makakalapit sa akin at ang gwapo niya…..”
At dahil ulit doon ay hinampas niya ang manibela ng sasakyan.
“Fuck..Nang dahil sa lalaking ‘yon hindi na ako makakalapit sa’yo!” ako naman ay pinatigil siya sa ginagawa niyang paghampas sa manibela ng sasakyan.

“Ito naman si babe. Joke lang ‘yon. Alam mo namang ikaw lang ang nagmamay-ari sa akin!” saad ko sabay tingin niya sa akin na naluluha na. I guess sobra na ang mga pinagsasabi ko.

Hinalikan ko naman siya sa magkabilang pisngi saka binigyan ng halik sa labi. Samantalang siya ay agad aking niyakap.

“Wag mo na ulit sasabihin ‘yon babe please! Hindi ko na kayang mawala ka pa sa tabi ko!” ramdam kong talagang umiiyak na siya.

“Promise babe hinding-hindi ko na uulitin ang sinabi ko. Nagbibiro lang naman ako. Akala ko kasi ramdam mong nagbibiro lang ako!”

“Hindi mo maiiwasang makaramdam ako ng takot babe dahil tatlong taon kang nawala sa akin. At hindi ko na kakayanin pa kung may oras pang darating na mawawala ka ulit sa akin. Mabuti pang mamatay na lang ako ‘pag ikaw ang nawala sa akin.”
“Wag mong sabihin ‘yan okay? Mahal na mahal kita at wala nang makakapaghiwalay pa sa atin!”

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon