Bonding Day 1- Cara
Noong medyo maggabi na ay lumabas kaming apat at nakita naming seryosong nag-uusap ang dalawa habang kami ay nagtitinginan lang kung lalapit ng aba kami sa kanila o hindi. Sa bandang huli ay napagpasyahan naming lapitan nalang sila.
"Hi. Seryoso tayo ah!" sabi ni Mel sa dalawa na nginisihan lamang siya ng dalawa.
"Gutom na na kayo? Nasa loob 'yong mga pagkaing dala ni Nay kanina. Ipinaluto ko na kanina sa kusinera namin" tanong sa amin ni Raven.
"Mamaya na sabay sabay nalang tayo. Kumain naman kasi kami kani kanina lang" sagot ni Weng
"Ganoon ba?" sabi ni Raven sabay tingin sa akin kaya tumingi nalang ako sa ibang lugar kung saan maganda ang paligid. Hindi na rin nagka-imikan natapos ang pag-uusap na 'yon.
"Can we talk?" rinig kong sabi ng kilala kong boses kaya tinignan ko lang siya at tumango. Hinawakan naman niya ang kamay ko at nakarating kami sa isang payapang lugar. Naiwan naman namin ang mga kaibigan namin doon kabilang na si Christian na nakita kong may pasa sa gilid ng kanyang labi. Hinayaan ko namang dalhin ako dito ni Raven dahil mamaya ay si Christian naman ang lalapitan ko para gamutin ang sugat niya. Pagkarating namin ay wala pa rin kaming imikan.
"Sorry" sabi niya sa akin habang nakatingin ng seryoso.
"About what?"
"Nagalit ako sa'yo kanina at nasigawan kita"
"Okay lang 'yon! Kasalanan ko naman eh!"
"No! Wala pa rin akong karapatang sigawan ka" giit niya "Hindi ko lang talaga maiwasang mainis kasi noong inalis mo ang damit mo ay ang daming nakatinging kalalakihan sa'yo at ayaw kong gawin nila 'yon especially sa'yo"
"Hindi ko rin naman talagang mangyayari 'yon kaya 'di ko naisip pa'" sabi ko ayaw ko kasing sisihin niya nag mga kaibigan ko dahil 'pag sinabi ko 'yon ay baka awayin niya sila.
"Basta ba ipangako mong hindi mo na gagawin 'yon okay?"
"Promise" sagot ko naman sa kaniya kaya nagtinginan kami sabay tawa ng malakas.
"Is it true na sumasali ka talag ng beauty contest? I mean hindi naman talaga nakapagtataka kung bakit, ang ganda mo at ang puti mo pa! Marami siguro ang nagkakagusto sa'yo" seryoso niyang sabi.
"Yes! Fashion ko talaga ang pagsali sa BeaCon ever since elementary palang ako at tungkol namn sa pakikipag-relasyon marami ngang nanliligaw sa akin pero never pa akong nagpa-unlak na ligawan ako para sa akin kasi ibibigay ko lang 'yong matamis kong oo sa lalaking mahal ko at sa palagay ko'y mahal din talaga ako" seryoso ko ring tungon sa tanong niya.
"You mean never ka pang nagka-boyfriend?"
"Yeah. NBSB ako!" sabi ko sabay tawa.
"Eh paano kong ligawan kita papayag ka?" tanong niya kaya nagulat ako at 'di nakasagot agad. Sasagot na sana ako pero napansin kong merong isang batang nadapa kaya agad ko itong pinutahan at tinulungan.
"Okay ka lang Neng? Bakit ka tumatakbo?" nag-aalalang tanong ko sa bata.
"Kasi po hinihintay ko si tito ko kanina doon pero may nakita kong daga kaya po tumakbo ako" umiiyak niyang sabi sa 'kin kaya tumango nalng ako at niyakap siya.
"Tama na! Halika hanapin natin si tito mo!" pag-aanyaya ko sa kaniya na agad naman niyang ikinasaya. Habang naglalakad kami ay napansin kong nakasunod pala sa amin si Raven. Hindi ko nga alam kong paano ko siya kakausapain dahil sa sinabi niya kanina. Hindi ko kasi alam kong totoo ba 'yong sinasabi niya kanina or binibiro lang niya ako. Kasi kong ako inaamin kong may nararamdaman na ako sa kaniya. Ayaw ko lang talagang bigyan lahat ng kahulugan ang mga ginagaw niya dahil ayaw kong masaktan sa bandang huli.
"Ano bang itsura ng tito mo Cara?" tanong ko sa kaniya dahil inalam ko ang kanyang pangalan kanina.
"Matangkad po at maputi tsaka naka blue na damit" paglalarawan niya. Tuloy tuloy lang kami sa paghahanap sa tito niya dito sa resort pero talagang wala kaming mahanap. Noong pagod na kami ay nagpasya kaming umupo nalang at maya maya ay hahanapin ulit namin ang tito niya. Tumabi din sa akin si Raven at noong tinignan ko siya ay umiwas siya ng tingin. Todo pa rin ang kuwentuhan namin ni Cara nang sumigaw siya.
"Tito Kenneth! Tito Kenneth!" sigaw niya at lundag nang lundag. Nakita ko namang lumapit ang isang lalaki na medyo may edad na.
"Saan ka ba nagsususuot kang bata ka? Kanina pa ako naglililibot sa boung resort para lang mahanap ka!" nag-aalalang tanong ng tito niya sa kanya. Napansin ko namang todo ang pawis ng tito niya na mahahalata mo talagang pagod sa kakalibot.
"Kasi po nakakita ako ng daga kanina doon sa pinag-iwanan ninyo sa akin kaya natakot ako" sagot naman niya.
"Ikaw talagang bata ka! Hindi 'yon daga! Nilalaro lang kanina noong bata 'yon at ginagamitan niya ng remote control" pagpapaliwanag naman ng tito niya.
"Ganon po ba? Sorry tito! I love you!" sabay yakap niya sa tito niya. Sa isip ko sabi ko "Sana one day maranasan ko ang magkaroon ng isang amang mayayakap". "Siya nga pala tito si ate Charity po" pakilala niya sa akin "Siya po ang kasama ko sa paghahanap sa inyo" nakangiti niyang sabi sa tito niya.
"Ganon ba? Salamat Charity sa pagsama sa pamangkin ko" pasasalamat niya sa akin.
"Okay lang po 'yon. Nakita ko po kasi siyang nadapa kanina at umiiyak kaya tinulungan ko po. Buti nalang hindi siya nagkaroon ng sugat" paliwanag ko naman.
"Ang kulit kasi ng batang to eh. Salamat ulit. Kenneth Illustre nga pala" pagpapakilala niya sa akin.
"Charity De Guzman" sabi ko naman pero napansin kong lumunok siya noong sinabi ko 'yong pangalan ko.
"Ahem. Helo! Good Evening Mr. Illustre!" gulat kong sabat ng katabi ko.
"Oh ikaw pala Raven! Musta na iho? Girlfriend mo ba?" tanong niya kay Raven.
"Okay lang Mr. Illustre. At kaibigan ko siya" giit niya sabay kindat kay Mr. illustre na agad namang ikinatuwa ni Mr. Illustre. Hindi ko alam kong anong ibig sabihin ng kindat na 'yon. 'Di kalaunan ay umalis na rin ang magtito at sinabing sana magkita ulit kami. Habang pabalik kami sa mga kaibigan namin ay wala kaming imikan ni Raven. Nakarating kami sa kanila ay masayang silang nagsisigawan pero napansin kong may bahid pa rin ng sugat si Christian sa labi kaya nilapitan ko siya at niyaya sa kwarto namin. Pumayag naman siya.
"Dapat kasi hindi kana nakipag-away kanina! Ayan tuloy ang nangyari sa'yo" sabi ko kaniya habang ginagamot ang kanyang sugat.
"Okay lang 'yan! Ayaw ko lang talagang binabastos ka nila!" giit naman niya.
"Sorry at nang dahil sa akin ay nasugatan ka pa"
"Wala kang kasalanan! 'Yong mga gunggong lang na mga 'yon ang dapat sisihin" wika niya habang nakatitig sa akin ng diretso kaya umiwas nalang ako ng tingin. Nang matapos ko namang gamutin ang kaniyang sugat ay lumabas na kami. Masaya ako at tumatawa na siya ngayon habang nakikipag-kwentuhan siya akin. Noong medyo malalim naman na ang gabi ay nagpasya na kaming matulog na dahil medyo naka-inom na ang tatlo. Kami naman ni Raven ay 'di pa talaga nagkaka-usap matapos noong sinabi niya kanina. Ayaw ko naman nang isipin na 'yon kaya tumabi na rin ako sa kanila at natulog nalang.
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romance__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...