Greatest gift ever
Naging mabilis ang araw at ngayon na ang birthday ni Raven. Noong gabi ng Valentines naman ay hindi ko na nga namalayang nakatulog na ako sa balikat ni Raven. Ginising naman niya ako at saka dinala sa likod ng bahay nila at doon ko nakitang naghanda siya ng simpleng mga pagkain para daw maenjoy namin ang Valentines.
Kinilig ulit ako sa ginawa niya. Todo ang kwento niya tungkol sa buhay niya at kung ano-ano ang mga ayaw at gusto niya kaya nagtawanan kaming dalawa. Habang ako ay ganun din.
Alas tres na ng umaga bago kami nagpasyang matulog kaya napuyat kami ng todo. Tumawag naman ang mommy ko at sinabing masaya daw siya para sa akin kaya nagpasalamat ako sa kanya. Maging ang parents ni Raven ay tumawag sa akin at inaasar ako sa kung ano ang level na namin ni Raven. Sinabi ko namang nanliligaw siya at tumili naman sila pati na ang papa niya. Sa maikling panahon ay itinuring ko na silang parang mga tunay ko talagang magulang mga magulang.
"Ang hirap pumili ng regalo ko sa kanya" reklamo ko sa talo kong mga kaibigan dahil nandito kami sa mall para bilhan si Raven ng regalo namin sa kanya.
Tinapik naman ni Wen gang balikat ko "Alam mo girl ang mahalaga ay naroon ka mamaya sa celebration n'ya para kumpleto ang gabi niya. Hindi mahalaga kung ano ang regalo mo sa kanya kasi kahit na mamahalin pa 'yang regalo mo sa kanya kung wala ka naman doon ay useless din!" paliwanag sa akin ni Weng kaya tumango nalang ako.
Sa huli ay napagdesisyunan kong bilhan nalang siya ng kapareha ng damit na binili ko or kung tawagin ay couple shirt. Ipinabalot ko ito at nagpasya ng umuwing mag-isa dahil ang tatlo ay may kani-kaniyang mga lakad. S
inabi naman nilang sa bahay nalang ni Raven kami magkita-kita kaya pumayag nalang din ako. Sa bahay namin kasi ako tumutuloy ngayon dahil andoon na si manang at sinabihan din ao ni mommy na sa bahay muna para sa naman may kasama si manang. Pumayag naman ako dahil namiss ko na ang bahay. Naintindihan naman ako ni Raven kaya inihatid ako sa bahay.
"Oh nandiyan kana pala Charity" bungad ni manang sa akin ng pagpasok ko sa bahay at umupo sa sofa "halika na kumain kana dahil naghanda ako ng kare-kare" tumango naman ako at saka sumunod sa kusina dahil ramdam ko na rin ang gutom ko.
"Nay birthday po ni Raven mamaya kaya maghanda po kayo dahil susunduin tayo ng driver nila mamayang 7pm" paalala ko kay manang dahil gusto din ni Raven na nandoon si manang mamaya para makisalo sa handaan nila.
"Naku nakakahiya naman anak baka sosyal 'yong mga tao doon. Hindi pa naman ako sanay sa mga ganyan!" saad ni manang kaya nilapitan ko siya.
"Magtatampo si Raven Nay 'pag 'di ka pumunta. Hindi naman importante kung paano ka po makikitungo sa mga tao doon dahil ang mahalaga ay naroon po kayo dahil importante po kayo sa kanya" paliwanag ko kay manang kaya tumango siya.
Kasabay ko si manang na kumain at nagkwentuhan din kami. Kinumusta ko naman ang lagay ng mga naka nita at sinabi niyang okay na daw sila kaya nasiyahan naman ako.
Naging mabilis ng oras at 'di namin namalayang alas sais nap ala at dumating na ang sundo namin ni manang. Sumakay naman kami sa sakayan na si mang Kanor ang driver matapos naming isarado ang buong bahay.
Pagkarating namin sa bahay nina Raven ay marami ng tao at nagkakasiyahan na sila. Nakita ko namang magkakasama na ang mga kaibigan ko kaya nagpaalam ako saglit kay manang para lapitan sila.
"Hello girls" bungad ko sa kanila kaya natigilan sila at napatingin sa akin "Anong klase ng mukha niyan?" tanong ko dahil natulala sila sa akin.
"Oh My God ang ganda mo talaga Charity. I'm sure matutuwa si Raven dahil sa ayos mo ngayon!" saad ni Sandy na agad namang sinang-ayunan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romans__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...