CHAPTER 63-PALAWAN'S PHOTOSHOOT

231 5 0
                                    

Palawan’s Photoshoot Day 2

“Focus on the camera models!”

“Charity look at Raven. Imagine that he is your husband!”

“Good”

“Raven hold the hand of Charity. And see her as your beautiful wife.”

“Perfect. This is your best shoot ever!”
Pagkatapos ng tatlong oras na photoshoot namin ay sa wakas natapos na rin kami.

“Easy naman ang photoshoot na ‘yon babe!”

Narito na kami sa kwarto ko para magbihis dahil gusto ng babe kong pumasyal sa plaza. Pumayag naman ako dahil bukas ay uuwi na kami sa Manila.

Tinapos na namin ang dapat naming tapusin ngayong araw dahil may mahalaga kaming kailangang puntahang business gathering bukas.

Matapos naming magbihis ay agad kaming pumunta sa plaza para mamasyal. Siyempre nag-disguise kami para hindi kami makilala.

“Tara babe doon tayo sa maraming tao at tignan natin kung ano ang pinagkakaguluhan nila!” sabi ng babe ko sabay hila sa akin.

Nang makarating kami ay agad kong tinignan ang pinagkakaabalahan nila.

“Oh my God sayang! Nakuha na sana ni kuya pero nahulog pa!”

“Kaya nga sis!”

“Ano ba ‘yan! Go kuya para sa gf mo!”
At dahil curius ako ay kinausap ko ang katabi namin ng babe ko.

“Miss ano ‘yang pinagkakaguluhan ninyo?”

Tinignan naman ako ng mabuti ng katabi ko. Pinagmasdan niya ang mukha ko sabay siguro nahalata niyang ako si Charity. Kung pagmamasdan mo kasi sa malayo ay hindi mo ako makikilala except ‘pag nilapit mong mabuti ang mukha mo sa mukha ko.

“Di ba ikaw si?”
Tumango nalang ako at sinenyasang wag maingay. Tumili naman siya at sinagot agad ang tanong ko.
“Kasi si pogi gusto daw niyang makuha ang bear na malakin na ‘yon para daw sa gf niya!”

Nang tinignan ko ang teady bear ay sobrang ganda nito.
“Alin ba daw diyang ang gusto ng gf niya?”
“Yung pink daw kasi ‘yan ang ipinangako niyang ibibigay niya sa gf niya pagbalik niya galing sa cr.”
“Eh di ba mas maganda naman ‘yong blue?”
“Paborito daw kasi ng gf niya ‘yong pink kaya ‘yon ang gusto niyang kunin!”

Kung titignan mong mabuti ang mga bears ay luting ang ganda no’ng blue. Pero gaya ko na gusto ko ang blue ay siguro nagiging bias ako.

Dahil sa pag-uusap namin ay hindi ko namalayang wala na pala ang babe ko sa tabi ko.
“Ma’am sino po ang hinahanap ninyo?”
“Ah! Hehe. Ang babe ko!”
Lumaki ang mata niya sa sinabi ko.
“You mean si Mr. Raven po ang bf n’yo?”

Tumango naman ako kaya mas lalo yata siyang kinilig.
“Ma’am pwede po ba akong magpapicture sa inyo mamaya?”
“Oo naman.”
“Yeheyy!!!!”
Para din siyang bata. Sa tingin ko kasi ay parang nasa twenties na rin siya.

“Naku! Salamat po sir. Blessing in disguise po kayo dahil parating na ang gf ko!”
“Okay lang naman. Go and propose to your gf!”

Nang tinignan ko kung kanino nagpapasalamat ang lalaking kanina pa gustong makuha ang bear ay nakita kong ang babe ko pala ‘yon.
Nakangiti naman siyang palapit sa akin at hawak-hawak ang blue na teady bear na nagustuhan ko kanina.
“Ang posi ng bf mo ma’am. Kinikilig ako!”

Nakangiti lang ako sa sinabi niya. Nang makalapit na ang babe ko ay pansin kong nasa amin na ngayon ang atensyon ng lahat.

“Para sa babe ko sobrang ganda!” nambola pa siya. If I know kiss lang ang habol niya.
“Sobra talaga?”
“Oo naman. Para sa akin kasi ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko!”
Siguro kung asukal lang kami ay matagal nang nilangga ang lahat ng taong nanunuod sa amin.
“Anong gusto mo?”
Napangisi siya at tinignan ako nang nakakaloko.
“Simple lang naman babe. Kiss na aabot sa isang oras!” bulong niya sa akin saka tumawa ng malakas.

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon