CHAPTER 20- TEADY BEAR

350 10 0
                                    

Teady bear

Matapos noong nangyari kanina ay hinigit niya ulit ako sa isang fast food chain at umorder ng pagkain. Tinanong niya ako kung ano ang gusto ko pero sabi ko bahala na siya kaya pumunta siya sa harapan para umorder. Pagkarating niya ay marami siyang dalang pagkain.

"Ang dami naman niyan Raven! Mauubos ba natin yan?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya "Don't worry kapag 'di natin naubos ay pwede nating iuwi sa bahay para may kakainin tayo mamaya habang nanonood tayo ng movie" ngumiti din naman ako bilang tugon.

Habang kumakain kami ay kwento na naman siya ng kwento pero ang mata ko habang kumakain ay nasa teddy bear na kulay blue. I love teady bear since kid kaya sa tuwing nakakakita ako ay parang gusto kong iuwi. Nagisng nalang ang diwa ko noong hawakan niya ang kamay ko.

"Masarap 'di ba babe?" tanong niya.

"Ah! Ano ba ulit tanong mo?

"Sabi ko masarap ang frence fries nila dito kesa doon sa kabila"

"Ay, oo. Hehe" 'yon nalang ang naisagot ko dahil tinignan ko ulit 'yong teddy bear. Noong naramdaman ko namang naiihi na ako ay nagpaalam ako sa kanya.

"Raven, punta lang ako saglit sa banyo" tumango naman siya.

Pagpapasok ko sa banyo ay ginawa ko na ang dapat kong gawin. Mga limang minute naman ay may mga pumasok na babae. Nagkukwentuhan sila kaya nakikinig lang ako.

"Ang galling ni pogi no? 'Yong iba hirap na hirap kunin 'yon samantalang siya isang beses lang niya tinira nakuha niya agad 'yong bear!"

"Oo nga eh! Siguro ibibigay niya sa GF niya dahil sabi niya ibibigay daw niya 'yon sa mahal niya"

"Sana ako nalang 'yong maswerteng babaeng 'yon. Alam mo na ang gwapo niya kaya dapat sa magandang babae din siya mapunta hindi sa panget"

"Oo nga kasi saying ang lahi ni boy 'pag sa pangit na babae mapunta 'yong ganun kapogi"

"Sinabi mo pa kaya dapat abangan natin kung kanino niya ibibigay 'yon para masigurado nating hindi saying lahi niya"

"Ano tayo stalker?"

"Stalker na kung stalker ang importante sa malaman natin kung maganda ba ang gf niya o hindi"

"Bilisan n'yo para makita natin kung kanino niya iaabot"

"Tara na bilis baka dumating na 'yong gf niya"

Pagkalabas nila ay natatawa nalang ako sa pinagkukwentuhan nila. Matapos kong magsuklay ay lumabas na ako sa banyo at dumiretso sa lugar kung saan ko iniwan si Raven. Tinanong ko naman ang katabi naming kumain kanina kong saan pumunta si Raven ang sabi niya ay kanina pa lumabas.

Lumabas ako sa lugar na 'yon para hanapin siya ay talagang walang bakas ng Raven na nakikita ko. Medyo malungkot akong umupo sa isang upuan at iniisip kung saan na siya. "Baka iniwan na siguro niya ako dahil ang kulit ko at ang tagal kong mag-cr" sabi ko sa isip ko.

Napagdesisyonan ko na tuloy umalis at umuwi nalang. Pagkatayo ko sa kinauupuan ko ay may nagtakip ng mata ko.

"Sino to?" tanong ko dahil baka pinagtitripan ako ng kung sino.

Inalis naman niya ang kamay niya sa mata ko at humarap sa akin.

"Surprise babe!" nakangiting sabi ni Raven kaya lang hinampas ko siya ng ilang beses sa braso.

"Tarantado ka Raven" sigaw ko. Wala na akong pakialam sa mga taong nakikinig sa pinagsasasabi ko "Pinag-alala mo ako" tumulo ang luha ko "Akala ko iniwan mo na ako! Akala ko nainis ka sa akin!" tuloy tuloy llang ang daloy ng luha sa mata ko "Akala ko...." Hindi ko na naituloy 'yong sasabihin ko dahil niyakap na niya ako ng mahigpit.

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon