CHAPTER 51- NICO/NICA

307 4 0
                                    

Nico/Nica

Makalipas ang tatlong araw matapos ng kasal nila Christian at Mel ay nagstay ako sa bahay nila dad dito sa Manila. Dumating kasi sila ni mom at para daw bisitahin kaming tatlo pati na ang kanilang apo.

Si Patrick naman ay tinutuo ang sinabing susundan si Sandy sa Italy kaya hinayaan ko nalang.

“Charity anak kain na tayo ng almusal” rinig kong tawag sa akin ni mommy ko dahil gusto nilang sabay-sabay kaming kumain.

“Susunod na my!”

“Sige nag-aantay na kami sa baba!” inayos ko naman ang sarili ko dahil katatapos ko lang maligo. Hindi kasi ako sanay na kumakain na hindi naliligo.

Pagkababa ko ay nag-aantay na nga sila sa akin.

“Anak kain na!” sabi ni daddy kaya umupo na ako.

“I want to be with mommy!” rinig kong giit ni Bea kaya tumayo ako at kinuha siya. Iiyak kasi siya ‘pag hindi nasunod ang sinasabi niya.

“Come on baby! Anong gusto mong kainin?!” wika ko noong makaupo na kami.

“Ayan kasi si ate sinusunod lahat ng gusto ng batang ‘yan kaya spoiled!” wika ang kapatid ko kaya nginitian ko lang siya.

“Ba’t hindi kana kasi mag-asawa ate? Handa kana man ng maging ina!” wika naman ni Kenjie.

“Batok gusto mo?” singhal ko sa kanya pero natatawa pa rin siya.

“Wag niyong ginaganyan ang prinsesa ko! Nakareserve na ‘yan!” si daddy naman ang sumunod. Ewan ko ba diyan kay daddy ko lagi kasi silang nag-uusap ng daddy ni Raven kaya hindi ko alam ang mga pinag-uusapan nila.

“Ewan ko sa inyo!” singhal ko pero tinawanan lang nila ako.

“Nakaukit na sa puso niyan ang kalove team niya” seriously mommy pati ikaw.

Hindi ko nalang pinapansin ang mga pinagsasabi nila dahil busy ako sa pagpapakain kay Bea ng tumunog ang doorbell.

“Ikaw na magbukas ate! Ako na ang bahala kay Bea!” saad ni Kenjie kaya ibinigay ko si Bea sa kanya. Diretso lang ako sa paglalakad nang agad na bumungad sa akin ang nakangiting kwago na ‘to.

“What are you doing here?” tanong ko agad sa kanya.

“I’m here to visit you!” sige ngiti pa! tignan natin kung uubra ka sa kamalditahan ko.

Tinaasan ko siya ng kilay “Eh kung sabihin ko sa’yong umalis ka dahil this is my house?”

Nagbago naman ang ekspresyon ng mukha niya pero agad ngumiti “Well, this is my house too ‘cause you’ll be my wife soon!” ang taas din ng pangarap ng lalaking to eh!

Lumakas ang tawa ko “Ikaw” sabay turo ko sa kanya saka sumeryoso ang mukha “Excuse me boy! Nakadrugs ka ba? Nangangarap ka kasi ng gising!” sabay talikod ko pero pinapanood pala kami ng buong pamilya ko.

“What?” singhal ko kaya si nagsialisan ang iba maliban kay daddy na sinalubong pa niya ‘tong kwagong to.

“Ano son? When is the wedding?” pinagloloko ba ako pati ni daddy

“Seriously dad?” baling ko sa kanila dahil aalis na sana ako “ikaw nalang kaya ang magpakasal na anak araw na ‘yan!”

“No babe! Our dad, siya ang maghahatid sa’yo sa altar!” wika naman ng kwagong to.

“Mukha mo! Magpakasal ka sa kamukha mong anak araw!” saad ko nalang sabay walk-out papuntang kwarto ko. Nawalan na kasi ako ng ganang kumain.

Simula noong lumipat kasi kami sa Canada ay masyadong busy si dad sa business nila ni mommy na pinapatakbo dito sa pinas. Ang sabi niya ay may kasama daw si Patrick na nagpapatakbo ng kompanya namin dito. Ang hindi ko lang ma-gets kung bakit close sila masyado ni Raven.
Habang nag-iisip ako ay naramdaman kong nagvibrate ang cp ko kaya kinuha ko.

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon