CHAPTER 52- ROOFTOP

279 5 0
                                    

Rooftop

Kahapon ay ipinakuha ko na sa driver namin ang sasakyan ni daddy ko.

Nagtampo naman sila pero ipinangako kung uuwi ako sa martes ng umaga dahil linggo ngayon.

Laging tumatawag sa akin si Sandy at sinasabing kinukuhit siya ni Patrick.

Sinabihan ko namang sagutin na niya kasi si Patrick kaya sa halip na matuwa siya ay lalo pa siyang nainis. Kung ako ang pagtripan niya wagas pero kung siya pinapagalitan ako. Baliw lang talaga siya.

Nalulungkot man ako isipin na wala dito si Patrick ay okay na rin at least binubuo niya ang story nila nila Sandy so, see you soon sa sarili nilang story.

Habang nanonood ako ng TV ay nagngangatngat ako ng popcorn para naman hindi ako maboring kahit papano.

Sa gitna ng panonood ko ay tumunog ang pinto ng condo ko kaya agad akong tumayo dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon.

Nang binuksan ko ay bumungad sa akin ang kwagong ito na halatang lasing.

“Hi babe!” aniya kaya inirapan ko siya

“Babe mo mukha mo! Anong ginagawa mo dito?”

“Usap tayo babe please!” kahit lasing to ay hindi pa rin maipagkakailang napakaganda niyang lalaki

“Wala tayong dapat pag-usapan!” singhal ko nalang para tumigil na siya

“Meron! Tayong dalawa!” pansin kong talagang lasing siya dahil sa amoy ng alak na nanggagaling sa bunganga

“Walang tayo kaya umalis kana!”

“Meron! Hindi mo na ba ako namiss babe?” kung alam mo lang

“Lasing ka kaya pumasok kana sa unit mo!” utos ko dahil ayaw kong sagutin ang tanong niya

Ngumiti naman siya at diretsong tumingin sa akin “See? Hindi mo masagot tanong ko!”

“Basta wala tayong dapat pag-usapan!” masungit kong sabi nalang saka sasarado na ang pinto pero hinarang niya ang kamay niya.

“Kung hindi mo ako kakausapin, tatalon ako sa building na’to. Tandaan mo 150 floors meron tayo dito, durog-durog katawan ko ‘pag nahulog ako sa baba!” natakot naman ako pero dapat wag kong ipahalata

“Gawin mo gusto mo wala akong pake!” sinarado ko na ang pinto dahil sa pagkakakilala ko sa kanya takot din siya sa mataas na lugar.
Bumalik ulit ako sa pagkakagiha ko kanina dahil enjoy na enjoy ako sa panood kung hindi lang siya dumating. Naiinis pa rin ako sa pagmumukha niya. Kung hindi ko lng siya….ewan!

Habang nageenjoy ako ay tumunog ang telepono ng unit ko kaya kahit naiinis ako ay bumangon ako para sagutin ang tawag.

“Hello”

“Hello ma’am! Is this Ms. Charity Illustre?” bakit naman kaya sila napatawag?

“Yes, why?”

“Ah ma’am kasi po ang boyfriend n’yo nandito sa rooftop! Ang sabi niya tatalon daw siya ‘pag hindi n’yo sya pupuntahan dito!” nabitawan ko agad ang telepono dahil sa gulat at inis.
Lumabas agad ako sa unit ko. Buti nalang may nakabukas na elevator kaya pumasok na ako agad. Wala na akong paki kung makilala ako o hindi.

“Di ba siya ‘yong sikat na modelo sa ibang bansa?”

“Hindi lang sa ibang bansa dahil balita ko kilala siya sa buong mundo!”

“Talaga? Ang ganda talaga niya sa personal!”

“Oo nga! Swerte natin dahil nakita natin siya sa personal!”

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon