CHAPTER 39-LIFE AFTER GRADUATION

233 4 0
                                    


Life after graduation

Naging mabilis ang panahon at ‘di namin namalayan ni Raven na nagtatrabaho na akmi. Ako ay sa kompanya ng mommy ko habang siya ay sa kompanya ng parents niya.
Kahit na busy kami ay ‘di namin nakakaligtaang pasayahin pa rin ang sarili namin. Natapos ng Christmas at New Year nang magkasama naming sinelebrate. At ngayon ay January na.
Biglang nagring ang cellphone ko at nakita kong si Raven ang tumatawag kaya sinagot ko agad.
“Hello” bungad ko.
“Hello babe!” aniya at sa palagay ko nakangiti siya.
“Oh ba’t ka napatawag?”
“Masama bang marinig ko ang boses ng mapapangasawa ko!”
“Hindi naman babe! Actually gustong gusto kong marinig ang boses mo!”
“Talaga?”
“Oo naman”
“Eh paano kung makita mo ako masisiyahan ka?” tanong niya napangito ako.
“Lalo” sagot ko saka may biglang humalik sa pisngi ko. At nakita kong nakangiting nakatingin sa akin si Raven kaya binaba ko na agad ang cp ko para harapin siya.
“An gaga mong mang-istorbo babe!” kunwaring singhal ko sa kanya.
Nawala naman ang ngiti sa kanyang labi “So, sinasabi mong istorbo ako ganun?”
“Paano kung sabihin ko sa ‘yong oo!” gusto ko kasi siyang inisin.
“Eh di aalis na ako!” sabi niya sabay tayo kaya napangiti ako.
“Fine! Umalis ka at maghahanap ako ng ka-date ko!” pahabol ko kaya naramdaman kong agad-agad siyang bumalik.
“Sinong nagsabing papayagan kitang maghanap ng ibang ka-date mo?” singhal niya kaya hindi ako nagpatalo.
“Bakit pogi ka ba at macho para i-date ko?” diretsong tingin ko sa kanya pero nakita kong napalitan ng ngiti ang kanyang nakasibangot na mukha.
Humarap siya sa akin at agad na inalis ang butones ng polo niya.
“Anong ginagawa mo babe?” tanong ko kahit alam kong gawain na niya ‘to pag inaasar ko siya ng ganito.
“Ipapakita ko lang sa’yo kung gaano ka ka-swerte dahil bukod sa pogi ako ay macho pa ako” aniya at nakita ko namang kahit na hindi pa niya naalis ng tuluyan ang damit niya ay bumungad na ang mala-machete niyang katawan.
“Ayusin mo na ‘yang damit mo babe baka may dumating!” saad ko pero wala siyang balak na tumigil.
Bigla namang may kumatok sa pinto at nakita kong ang sekretarya ko kaya hinampas ko agad si Raven at pinagsabihan “Pag hindi ka umayos bukod saw ala kang kiss at hindi mo ako made-date mamaya!” Dali-dali naman niyang inayos ang polo niya at saka kinindatan ako.
Lumapit naman ako sa pinto at pinagbukasan ang sekretarya ko. Buti nalang nakaayos na si Raven at parang walang nangyari.
“Ano ‘yan miss?” tanong ko sa sekretarya ko.
“Good morning po sir!” bati niya kay Raven na sa akin lang ang tingin, tumango naman si Raven at binalik ang mata niya sa akin “ibibigay ko lang po sana itong report na hinahanap n’yo sa akin yesterday. Pasensya na po at ngayon ko lang natapos!” aniya.
“Okay lang miss. Thank you!” sambit ko naman kaya nagpaalam na siya at agad na lumabas.
“Anong tingin ‘yan babe?” tanong ko dahil hindi pa rin niya inaalis talaga ang mata niya sa mukha ko.
“Ang ganda mo talaga!” puri niya kaya nginitian ko siya. Alam kong may kapalit ang papering ‘yan eh.
“Anong gusto mo ngayon?” nakangiti ko pa ring tanong.
“Two minutes kiss!” saad niya kaya inirapan ko siya.
“Gasgas na labi ko sa ‘yo mister dahil sa sobra mong adik sa kiss!” pang-aasar ko sa kanya.
“Bakit ayaw mo ba ng kiss ko?” mapang-akit na tanong niya kaya kumapit ako sa kanya at bumulong “Gusto kong makatikim ng ibang labi”
Bigla naman niya akong pinaupo sa hita niya at marahang hinalikan. “Wala ka nang matitikmang labi babe bukod sa akin dahil mapapatay ko ang lalaking manghahalik sa’yo” saad niya saka ulit ako hinalikan.
Napatigil naman kami sa halikan ng may sumigaw na babae sa likod namin.
“OMG! Ang mata ko!” sino pa baa ng nagsabi niyang kundi si Sandy.
“Oa mo bes as if wala ka pang nahalikan?” tanong ko habang nakakandong pa rin kay Raven dahil ayaw niya akong pakawalan.
“Wala pa dahil naka-reserve ang labi ko okay Patrick my love” sabi niya. Kaming dalawa ni Patrick pala ang nagpapatakbo ibang kompanya namin dahil mas lalong lumago ang kompanya namin nang magsama ang kompanya ng tita ko mommy ni Patrick at ng mommy ko. Bale naging more than 50 branches na ang kompanya namin dahil maliban sa Pilipinas ay may iabng branches pa kami sa ibang bansa.
“What brought you here?” biglang tanong naman ni Raven kay Sandy dahil maging ako ay hindi alam kong anong pinunta niya dito.
“Well, may paparty ni Mel mamaya dahil malapit na siyang gumraduate. Sa bahay daw nila, sleep over tayo!” aniya kaya napangiti ako.
“Talaga? ‘Di maraming pogi doon?” sigaw ko sabay kindat kay Sandy. Buti nalang at na-gets niya agad.
“Oo naman! Balita ko maraming pogi at machong cousin si Mel kaya sure akong makakapagboy-hunting tayo doon!” tili naman niya kaya naramdaman kong lalong hinigpitan ni Raven ang yakap niya sa akin.
“We’re not going to that party!” biglang singhal ni Raven kaya napatawa si Sandy.
“Sus! Nagsalita ng seloso!” pang-aasar niya.
Humarap naman ako sa kanya at nagmake face “Punta na tayo babe please!” pagmamakaawa ko.
“No!” sagot pa rin niya kaya hinalikan ko siya sa pisngi.
“Please!” pagmamakaawa ko ulit.
“I said no!” matigas na sagot niya kaya hinalikan ko ulit ang kabilang pisngo niya.
“Please!”
“No! Final answer!” galit pa rin niyang sabi habang hindi tumitingin sa akin. Hinalikan ko siya ng maraming beses sa pisngi.
“Please babe!”
“No!” sagot ulit niya kaya this time hinarap ko ang mukha niyang masungit pa rin at hinalikan sa lips ng matagal. Ngumisi naman siya. Nanalo na naman ako.
“Please!”
“No!” akala ko nanalo na ako.
“Fine! Date tayo mamaya at condo ko ka matutulog bukas!” kako pero hindi pa rin siya ngumingiti.
“Please babe!” pagmamakaawa ko ulit.
“No!” sagot pa rin niya kaya naiinis na ako.
“Isang linggo ka sa condo at marami kang kiss at araw-araw tayong magde-date!” saad ko kaya tinignan niya ako sa mata.
“Fine! Basta wag kang lalayo sa akin later okay?” seryoso niyang wika saka ngumiti ng wagas.
Kung hindi lang dahil sa best friend ko hinding hindi ito mananalo sa akin. May sarili na kasi akong condo malapit sa kompanyang pinapatakbo namin ni Patrick.
Magkakatabi kami ng kwartong tatlo nina Raven at Patrick pero bawal siyang matulog sa kwarto ko dahil bukod sa ayaw ni Patrick ay ayaw ko din. Lagi kaming nagsasamang tatlo pero kani-kaniya talagang kwarto.
“Ang dami n’yong arte sa buhay! Makaalis na nga! 7pm mamaya tandaan n’yo yan!” rinig naming sambit ni Sandy na kanina pa palang ‘di pa nakaalis. Natawa naman kaming dalawa.
Bumalik na ako sa table ko para ayusin ang mga dapat ko pang ayusin nang marinig kong tinatawag ang pansin ko ng kasama ko sa opisina ko pero ‘di ko siya pinapansin.
“Pssst”
“Pssst” wag pansinin.
“Pssst” sige lang
“Pssst”tuloy lang
Naramdaman ko namang tumayo siya at lumapit sa upuan ko.
“Babe” kinalabit niya ako pero di ko pa rin siya pinapansin art tuloy tuloy lang sa pagpirma ng mga papers na kailangan kong pirmahan.
“Babe!” sabi niya na para niya akong inaakit pero tuloy lang ako sa pagpirma.
“Babe” sabi niya ulit pero pipirma na sana ako kaya lang kinuha niya ang ballpen ko at inilagay sa bulsa niya. Tumayo naman ako at magsasalita sana kaya lang ginawaran niya ulit ako ng malalim na halik.
“That’s for saying na maghahanap ka ng lalaking pogi at macho” halik ulit “That’s for ignoring me and this” this time matagal niya akong hinalikan “for loving me! Nakakaadik ang labi mo babe!” aniya sabay ngiti. Hinampas ko naman siya sa balikat dahil ang adik niya sa kiss.
“I love you too!” malokong sabi lang niya saka tawa ng malakas.
“Adik sa kiss!” sigaw ko lang sa kanya sabay irap.
“Adik magpakiss!” sagot naman niya sabay labas ng opisina ko dahil babatuhin ko siya ng ballpen ko.
Nang matapos kong pirmahan ang mga dapat kong pirmahan ay lumabas na ako ng opisina ko. Nakita ko namang nakasandal sa pader at nakangiti ng wagas si Raven. Hindi ko naman siya pinansin at diretso lang sa paglakad.
“Babe wait!” sigaw niya pero parang wala akong naririnig.
Naramdaman ko namang ipinatong niya ang braso niya sa balikat ko sabay kiss sa pisngi ko kaya tinignan ko siya ng masama. Ang dami kasing CCTV sa kompanya kaya imposibleng hindi makita ang ginagawa niya.
Noong nakababa na kami ay agad akong lumapit sa kotse niya dahi hindi naman niya ako papayagang magdrive mag-isa.
“Saan tayo magdedate babe?”
“Kahit saan babe basta safe ang labi ko” sabi ko dahil ayaw kong ipahalata sa kanyang gustong gusto ko rin ang kiss niya.
Pinaandar naman niya ang kotse niya at sumandal ako sa upuan ko.
“Pagod ka babe?” usisa niya
“Yes babe ang dami kasing kailangang asikasuhin sa kompanya at ang daming kailangang pirmahan” kako
“Don’t worry babe! Ipagluluto kita bukas ‘pag sa condo mo ako matutulog!” saad niya kaya ngitian ko siya at hinalikan sa labi.
“See? Adik ka sa kiss!” sambit niya kaya natawa kaming dalawa.
Ibinaba ni Patrick ang kanyang sasakyan sa isang simple at tahimik na lugar.
Nag-order naman siya ng pwede naming kainin. Noong dumating ang pagkain ay nagustuhan ko ang mga ito.
“Babe after this punta tayong mall para makabili ng pwede kong isuot later dahil ang mga damit ko sa condo ay puro pang office attire. Di ko pa kasi nakuha lahat ng damit ko sa bahay” sabi ko habang kumakain kami.
“Okay! But I should approve kung bagay sa’yo o hindi ang damit na bibilhin mo” aniya kaya tinaasan ko siya ng kilay
“And why?”
“I’ts simple! So that no one can get you from me!” nakakaloko niyang wika.
“Possessive and Jelous boy!” bulong ko laang pero narinig niya.
“I’m just protecting what’s mine babe!” aniya sabay tawa.
Pagkatapos naming kumain dumiretso na kami sa mall. Lahat ng damit na isusukat ko at tinitignan ni Raven kung papas aba sa taste niya o hindi. Pinagtatawanan naman siya ng mga sales lady sa tuwing magsusukat ako ng hapit na hapit na damit.
Sa huli ay nakabili ako ng limang damit sa swak sa lasa niya. Babayaran ko sana pero inunahan niya ako gamit ang kanyang card. Dumiretso naman kami sa opisina niya dahil may dadaanan lang daw siya saglit. Tinawagan ko naman ang secretary ko na i-cancel lahat ng meetings ko dahil may event akong pupuntahan, ganun din si Patrick na nagtext na magkita kami sa bahay ni Mel.
Sinabihan ko naman siyang dalhan ako ng ibang gamit kung pupunta na siya sa bahay ni Mel dahil traffic na at di na namin kayang bumalik pa ni Raven sa condo namin. Pumayag naman siya dahil para talaga kaming magkapatid.
Sa opisina ni Raven na ako nagbihis maging siya. Buti nalang may mga extra clothes siya sa opisina niya.
Dumating kami sa bahay nila Mel ng saktong 7 pm at nakita naming naroon na ang iba naming tropa.
“Lagi na lang kayong huli!” sabi ni Sandy sa amin noong nakalapit na kami sa kanila.
“Better late than never Sandy” sagot ko naman kaya nagtawanan kaming lahat.
Noong lumabas naman si Mel sa bahay nila ay agad siyang tumakbo papunta sa amin.
“Miss you guys” aniya sabay halik sa pisngi ng bawat isa sa amin. Masyado kasi siyang busy dahil gagraduate na siya.
“Busy talagang mabuti ah” sambit ni Raven kaya tumango si Mel at sumagot
“Oo eh! Tulad din noong sa inyo! Thesis alam niyo na”
“Wag mong masyadong isipin kasi” saad naman ni Weng
“Hindi kasi maiwasan bes eh!” ayon kay Mel
“Bes andiyan na ang mga pogi! Tara magboy hunting tayo?” tili ni Sandy kaya napansin kong tinitigan siya ni Patrick ng masama kahit nakatalikod si Sandy sa kanya. Bigla naman akong hinawakan ni Raven sa kamay at hinigpitan ito.
“Ba’t hindi nalang si Patrick ang i-hunt mo?” si Kiel naman ang nagsalita.
“Syempre para maranasan ko rin ang ibang boys! But, don’t worry dahil kay Patrick lang ako!” aniya
“Ikaw Kiel ang daming magaganda oh” turo niya sa mga kababaihan na nagtatawanan.
“Batok gusto mo Sandy?” singhal naman ni Weng sa kanya kaya niyakap siya patalikod ni Kiel.
“Ano Cha tara?” balik tanong niya sa akin.
“No! She wont go there or else you’re Patrick gonna taste my punch!” sambit ni Raven kaya nagreact si Patrick
“Don’t you dare dre! Remember? You’re love is my cousin! I can take her away from you!”
“I love you dre!” saad ni Raven kay Patrick na nakasunod kay Sandy dahil magboboy hunting daw.
Naging maayos ang celebration ni Mel. Si Sandy at Patrick naman ay todo away pa rin. If I know mahal talaga nila ang isa’t isa. Gago lang talaga ng pinsan ko. Buong gabi kaming nakicelebate sa party ni Mel. At gaya nang sinabi ni Sandy ay nagsleep over kami sa bahay nila Mel.

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon