Driving lessons
Pagkatapos kong magbihis at magprepare ng mga kakainin namin doon ay bumaba na ako para tignan kong nasa baba na siya. Napansin ko namang hawak niya ang cp ko na naiwan ko siguro sa kusina kanina habang nagluluto ako. Tinitignan niya ang mga pictures ko habang natatawa siya sa ibang wacky pics namin ng mga kaibigan ko.
"Sinong nagsabing pwede mong hawakan ang cp ko" sigaw malapit sa tenga niya kaya nagulat siya at muntik nang maitapon ang cp ko.
"Bakit ka ba nanggugulat? Kapag may sakit ako sa puso patay na ako!" sabay irap niya sa akin. IRAP BOY!
"Bakit may sakit ka ba sa puso? Tanong ko naman sa kanya
Lumapit siya sa akin saka bumulong "Oo, may sakit ako sa puso hanggang sa 'di mo ko sinasagot at minamahal" sabay tawa niya ng malakas kaya hinampas ko siya ng ilang beses sa balikat.
"Okay lang na hampasin mo 'ko. Sa'yo naman na ang buong katawan ko eh" pang-aasar ulit niya kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.
Pagkatapos noong asarang 'yon ay 'di pa rin niya binabalik ang cp ko dahil marami pa daw siyang kailangang maikta. Noong sinabi ko namang may kailangan akong i-text sinamaan niya ako ng tingin at 'di na ulit pinansin. Habang nagda-drive siya ay seyoso pa rin ang tingin niya sa akin na akala mo'y ang sama nang sinabi ko. Hindi ko nalang siya pinansin dahil alam kong naiinis lang 'yan sa akin. Maya maya ay aamo din siya. Hindi ko nalang ulit naisipan pang kunin ang cp ko dahil baka ma-badtrip ulit siya. Pagkarating namin sa lugar kung saan niya ako tuturuang magmaneho ay nakabusangot ulit ang mukha niya.
"Saan ko ilalagay itong mga pagkain natin Rav?" tanong ko habang siya ay naman ay abala sa pag-aayos ng mga ibang gamit niya.
"Follow me" walang gana niyang sabi kaya sumunod nalang ako sa kanya. Tumigil siya sa isang kwarto na kung saan may mga pictures siya pati ng parents niya kay 'di ko napigilang magtanong.
"You own this place?"
"No. It's not me, my parents" saad niya kaya inirapan ko na lang. Para kasing tanga. Malamang sa kanya din, nag-iisa kasi siyang anak "I know what you're thinking. One day, I want to create my own business, not the business of my parents. I want to create a name using my abilities. I will still manage our company but I want to make a business that I've worked for" mangha ako sa mga pinagsasabi niya dahil matayog ang pangarap niya.
"Kaya mo 'yan kasi nasayo na lahat. I mean, your parents are into business, mayaman kayo at kayang kaya mong kunin ang lahat at magawa ang mga bagay na gusto mo" nakatitig kong sabi sa kanya.
"Not really. Because by the time na masasabi kong successful na ako is when I finally reach the star that I am dreaming for in my entire life" nakatingin siya sa akin ng seryoso "pero sa ngayon ay kailangan ko munang patunayan sa kanya na siya ang kukumpleto sa buhay ko at wala na akong hahanapin pang iba" napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil may parte sa akin na sana ako nalang 'yong tinutukoy niya.
Matapos noon ay dumiretso na kami sa sasakyan at inumpisahan na niya akong turuan kong paano magmaneho. Noong una ay hindi ko maintindihan pero di kalaunan ay natutunan ko nang paunti-unti kong paano magdrive. Noong pagod na kami ay nagpasya na kaming bumaba at kumain ng pagkain dahil mamaya ay tuturuan ulit niya ako. Todo bantay siya sa mga dapat kong gawin at pindutin habang nagda-drive. Pagkarating namain sa kwarto kung saan namin inilagay an gang mga gamit namin ay sumalampak agad kami sa sofa.
"Nakakapagod palang matutong magdrive" reklamo ko sabay kuha ng mga plastik kung saan nakalagay ang mga dinala kong makakain namin.
Umusog naman siya at lumapit sa akin "Talagang ganyan babe, noong ako din ako nahirapan pero worth it naman noong nakuha ko na siya" titig niya sa akin na parang may dalawang meaning 'yong sinasabi niya kaya inabala ko nalang ang sarili kong iyayos ang mga pagkain para makakain na kami "tignan mo ako ngayon kaya ko nang magdrive. 'Yon nga lang ayaw pa talaga akong magdrive ng parents ko. 'Di bale sabi nila ay 'pag 18 na ako ay papayagan na nila akong magdrive!" nakangisi siya.
"Ganon parehas pala tayo! Sabi kasi ni mama sa akin ay 'pag 18 na ako saka niya ako bibilhan ng kotse para makapagdrive na akong mag-isa. Wait kelan kaba magbi-birthday?" usisa ko.
Ngumiti siya ng todo "Oy curious siya kung kelan ang birthday ko!" pang-aasar niya kaya hinampas ko ang hita niya dahil 'yon ang mas malapit, tumawa naman siya ng malakas "Next year March 1. Bibilhan ako ni dad ng sasakyan promise niya pero ang gusto kong regalo ay ang matamis na sagot ng mahalaga sa aking tao ngayon" napatingin tuloy ako sa kanya at umiwas agad.
"Buti pa ikaw next year March eh samantalang ako next year pero sa December pa" giit ko habang tuluyang inaayos ang mga pagkain namin.
"You mean birthday mo na this December? Kelan?" tanong niya
Binigayan ko naman na siya ng plato "Sa 25 saktong pasko kasi noong ipinanganak ako ni mommy" paliwanag ko habang kumukuha na ng pagkain "sabi niya ako daw ang pinakamagandang gift sa buong paskong naranasan niya."seryoso naman siyang nakatitig sa akin "kaya tuwing pasko never siyang hindi umuuwi dito until new year kasi dalawa lang kami, mag-iiwan pa ba kami?'' nakatawa kong wika sa kanya.
"Don't worry! You'll not be alone this Christmas dahil sa inyo ako magpapasko! I mean kahit na nandoon ang mama mo iba pa rin ang may kasama ka" giit niya kaya sumeryoso tuloy ang mukha ko "I can spend my whole holiday vacation sa bahay ninyo"
"Eh paano naman ang parents mo? I mean, mag-isa kalang din na anak tapos aalis ka pa! Malulungkot sila 'pag ginawa mo 'yon" pangangatwiran ko dahil naiisip ko din ang parents niya.
"Don't worry! I'll tell them na sa inyo ako titira! I'm sure they will understand me!"
"But...."
"No buts babe!" sabay kindat niya sa akin. Kaya wala na akong nagawa. Pati pagtawag niya sa akin ng babe ay 'di ko na napigilan pa dahil sabi niya 'pag naging kami na daw ay dapat 'yon ang tawagan namin.
Pagkatapos naming kumain ay isinindi niya ang TV at manonood daw muna kami dahil sobrang init at ayaw niyang umitim ako. Sinabihan ko siyang okay lang na umitim ako pero sinamaan ako ng tingin kaya 'di na ako umangal pa. Noong matapos naman naming manood ay tinuruan niya akong magdrive at sa palagay ko'y sa wakas natuto na akong magdrive.
Medyo madilim na nong umuwi kami sa bahay. Tinanong ko rin siya kung bakit siya ang nagda-dive ang sabi niya pinauwi daw muna niya si Mang Kanor sa bahay nila at sinabihang pumunta nalang siya sa bahay ng Tuesday ng madaling araw. Ayaw daw noong una ni Mang Kanor pero di kalauna'y pumayag din.
Pagkapasok namin sa bahay ay nagpahinga kami at napagdesiyunan naming magluto kaming dalawa. Noong una sabi ko ay ako nalang pero dahil nga si Raven siya ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Nagluto siya ng tinolang manok at ako naman ay nagprepare ng salad bilang appetizer namin. Matapos naming magluto ay inilagay na sa mesa ang mga pagkain.
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romance__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...