Partners
"Bes, ano yung drama mo kahapon ah? Hindi kana namin nakausap matapos mong mag walk out kahapon. Buti nalang half day lang tayo dahil first day of class pa lang" tanong sa akin ni Weng
"Nakaka badtrip kasi yung bweset na lalaking yun kahapon. Nahulog yung ballpen ko tapos kinuha niya. Kainis!" galit kong sagot sa kaniya
"Sabi mo pa panget siya. Excuse me bes, siya panget? Sa gwapo niyang yun, actually bagay kaya kayo. Siguradong magandang lahi nyo bes! Aray! Kung makabatok ka naman diyan!" wika ni Sandy. Binatukan ko kasi siya matapos niyang sabihin yung mga linyang yun.
"Hindi n'yo ba naririnig ang sinasabi nyo?" sigaw ko sa kanila "Yun bagay sa akin?" turo ko sa sarili ko "In your dreams!"
"Relax bes! Binibiro ko lang naman eh! Malay mo siya forever mo!"- Sandy
"Forever. Forever. Walang Forever!"- galit kong sigaw sa kanila
"Meron basta maniwala ka lang" sabi ng isang boses na kinakainisan ko.
"At sino naman ang nagsabing maki-alam ka sa usapan namin ah?" tanong ko sa kanya
"At sino ring nagsabing pwede kang sumigaw sa hallway? Tignan mo kanina ka pa pinagtitinginan ng mga estudyante oh" sabi niya kaya tinignan ko nga ang mga estudyante at marami ngang nakatingin sa amin "See, suit yourself sa lugar kung saan ka dapat mag-ingay o hindi" matalim niyang tingin sa akin sabay talikod.
"Ang panget mo talaga" sigaw kong pahabol sa kaniya. "Akala mo kung sinong gwapo eh ang panget naman niya." Sabi ko sa sarili ko. Matapos nun ay tinignan ko naman ang dalawa kong kaibigan na ngayon ay sobrang ngiti nila kaya iniwan ko na sila at dumiresto sa upuan ko. Wala naman akong choice kundi ang umupo sa upuan ko dahil wala na ngang space. Sunod namang pumasok ang mga classmates ko pati na ang kaibigan kong hanggang ngayon ay hindi mawala ang ngiti sa kanilang mga labi. Dumating na rin ang instructor namin sa ibang subject at nagdiscuss.
"By the way, magkakaroon kayo ng reports ninyo sa klase ko at by pair ito. Ngayon kung sino ang katabi nyo ay siyang kapartner ninyo. Okay?"
"Pero ma'am...."
"Is there anything wrong Ms. De Guzman?" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil pinutol na ni ma'am.
"Wala po ma'am!"
"Okay then. See you tomorrow para sabihin ang reports ninyo!" sabi niya sabay labas ng classroom.
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romans__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...