Mang Kanor’s House Day 1- Possessive
Nagising ang diwa ko nang maramdamang may humalik sa labi ko kaya dali-dali kong iminulat ang mata ko. Tumingin naman ako sa paligid ko pero napansin kong hindi ito sa Manila.
“Nasaan tayo Raven? Bakit wala tayo sa bahay?” kinindatan naman niya ako sa halip na sumagot. “Umayos ka kung hindi tatamaan ka sa akin!” singhal ko pero natawa lang siya
“Matagal na akong tinamaan sa’yo babe!” aniya sabay baba ng sasakyan.Nang binuksan niya ang pinto kung saan ako nakaupo ay tinignan ko siya ang masama “Don’t worry babe! This is exciting at I’m sure magugustuhan mo!”
“Siguraduhin mo lang kung hindi dudukutin ko ‘yang mata mo!”
“Hindi mo ‘yon magagawa babe dahil mahal mo ako at wala nang magbibigay sa iyo ng magandang la….. Aray babe! Tama na!” piningot ko kasi siya dahil sa pinagsasabi niya.
“Ayusin mo nga ‘yang pinagsasabi mo! Saan mo natututunan ‘yan ha? Siguro may babae ka noong wala ako no?” singhal ko dahil ang dami niyang alam.
Ipinatong naman niya ang braso niya sa balikat ko saka nagsalita “Wala akong babae babe! Ikaw lang naman ang babae ko eh! At saka ang katawan ko ay para lamang sa’yo!” bulong niya sa akin kaya kinilig ako.
“Yes! Kinilig ang pambansang maldita!” rinig kong sigaw niya kaya mahinang sinuntok ko siya sa tiyan.
“Ouch! Ang abs ko babe nabawasan!” abs mo mukha mo.“Bakit meron ba?”
“Meron gusto mong makita?” hamon niya sa akin pero inirapan ko lang siya dahil may mga padaang babae. Ang akin ay akin oy!“Subukan mo at kakalbuhin kita!” singhal ko kaya napansin kong nakangiti siya ng nakakaloko “malayo pa ba tayo?” tanong ko dahil kanina pa kami naglalakad.
“Malapit na!” siguraduhin mo lang.
Mga tatllong minute kaming naglalakad ay wala pa kami sa pupuntahan namin kaya napatigil ako at umupo sa upuang naabutan namin.“Bakit ka tumigil babe?”
“Eh sa pagod na ako eh! At saka tignan mo nga nakatakong pa ako!” saad ko dahil totoong nakatakong ako. Nasa bag ko kasi ang mga gamit ko. Naiwan ‘yon noong kinidnap niya ako.
Nakita ko namang tumalikod siya sa akin at umupo “Tara! Sakay kana sa likod ko para hindi kana mahirapan” binatukan ko naman siya dahil sa sinabi niya.“Bakit ka nambabatok eh ikaw na nga ang kakargahin?”
“Tanga ka ba? Kita mong nakapalda ako! Paano kung masilipan ako?”
“Ako ang bahala basta sumakay ka na lang!”
“Ayoko! Manananching kalang eh!”go magmatigas ka pa Charity! Masaya to!
Sa pagmamatigas ko nakita kong may paadang side car ng bisekleta kaya agad ko siyang tinawag.“Pogi” tawag ko dahil totoong may itsura siya “pwede mo ba kaming isakay sa pupuntahan namin?”
Lumaki ang mata niya saka ako kinausap “Di po ba kayo ‘yong sikat na model?”“Ah! Oo please!” wika ko dahil ito lang ang pag-asa kong sakyan para makarating kami kung saan kami patungo nitong anak araw na ‘to.
“Sige ma’am sakay……” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sininghalan siya nitong kasama kong kwago
“Here get this” binigyan niya ng 5 thousand si pogi “Ako nalang ang magdadrive ng bisekletang ‘yan. Pakikuha nalang kina nanay Rosa mamaya”
Pansin ko namang natakot si pogi kaya kinuha ang pera at agad na umalis. Hinampas ko naman sa balikat ang kasama ko dahil sa ginawa niya “Bakit mo sinigawan si pogi? Gusto ko lang namang ihatid niya tayo eh!”
Sa halip na sagutin niya ako eh dinampihan niya ng halik ang labi ko “Dapat ako lang ang pogi ng buhay mo!” aniya sabay alalay sa akin sa side car para umupo.
BINABASA MO ANG
Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STAR
Romance__ Si Charity De Guzman ay isang maldita at mahilig pakipagsagutan sa ibang tao. Lumaki siyang walang kinilalang ama dahil ang sabi ng mommy niya ay iniwan sila ng kaniyang ama noong bata pa siya. Inalagaan siya ng kanyang nanay na si Manang Beth d...