CHAPTER 28-TRIP

280 7 0
                                    

Trip

Noong hapon naman na ay naghanda na ng mga iba't ibang handa ang mga relatives ko pati na si mommy. Sanay naman na akong mag-celebrate ng minsanan tuwing darating ang birthday ko. I mean, grabe ang paghahanda namin tuwing pasko dahil double celebration palagi ang nangyayari.

"Babe tara pasyal muna tayo plaza at mga ibang lugar dito sa Palawan dahi miss ko na ang pinas!" anyaya sa akin ni Patick kaya pumayag naman ako dahil miss ka na rin siyang makasama. Gaya nga nang sabi ko dati, siya lang ang pinsan kong sobrang close. Napagkakamalan nga kaming magsyota dahil kung makapulupot kami sa isa't isa ay para talaga kaming magsyota. Tinatawanan nalang namin sila hindi nila alam na magpinsan kaming dalawa.

"Sige, wait lang magbibihis lang ako" sagot ko naman pero hinila nalang niya ako at isinakay agad sa sasakyan niya.

"Patrick ano ba" naiinis kong sabi sa kanya "Ang panget ng suot ko saka gagala tayo! Tignan mo nakakahiya!"

Tumawa naman siya kaya hinampas ko siya "Kahit ano namang suot mo babe ang ganda mo pa rin kaya sure akong 'di ka pagtatawanan" wika niya.

"Baliw!" sigaw ko naman sa kanya kaya natawa nalang ulit siya.

Noong dumating kami sa plaza ay panay tingin sa amin ng mga tao kaya natawa nalang ulit kami.

"Tara babe mantrip ulit tayo" pang-eenganyo niya sa akin kaya ngumiti ako at sumang-ayon. Gawain na kasi namin ni Patrick ang mantrip tuwing magkasama kaming dalawa.

"Tignan mo 'yong magsyota na 'yon oh" turo niya sa lalaki at babae na mukhang nagsasagutan "tara lapitan natin saka magpakilala tayo para mas lalo silang mag-away" sabi niya kaya hinampas ko siya nang malakas.

"Aray! Joke lang naman" reklamo niya.

"Baliw ka kasi alam mo na ngang nagsasagutan, pag-aawayin mo pa ng todo" mariin kong bulong sa kanya.

"Ayon nalang oh" turo niya sa lolang nagtitinda ng kakanin "tara samahan natin na magtinda para maubos at makauwi ng maaga dahil pasko ngayon!'' bulong niya sa akin kaya ngumiti nalang ako at tumango.

Mabilis naman kaming naglakad at saka nilapitan si manang.

"Nay kami na po ang magbebenta ng paninda n'yong kakanin. Pwede po ba?" tanong ni Patrick kay manang.

"Eh nakakahiya naman iho!" wika ni nanay na nagtataka siguro kung bakit namin siya nilapitan.

"Hindi po! Promise mauubos 'yan" tugon ko naman saka kinindatan si Patrick.

"Sige anak tulungan n'yo nalang ako" saad ni manang "pero nakakahiya talaga!"

"Nope nay! My babe and I can do this alone. So, better to take a rest for a while okay?"

Kunot ang mukha ni manang sa pinagsasabi ni Patrick kaya siniko ko siya at ako nalang ang nagsalita "Ibig niyang sabihin nay is kami nalang po ang bahala. Mas maganda nalang po kung uupo kayo diyan at panoorin kaming magbenta ng kakanin ninyo para maubos agad."

"Ganon ba? Sige pero tutulong pa rin ako!" sabi ni manang ulit.

"No nay! Upo nalang kayo!" wika ulit ni Patrick kaya tumango nalang si manang.

"Let's do this babe!" bulong sa akin ni Patrick kaya ngumiti ako saka tinapik ang balikat niya.

Inumpisahan naming lapitan ang mga kumpol-kumpol na mga babae.

"Miss bili na kayo ng kakanin" ani Patrick sa mga babae.

"Sure basta may kiss ba pogi eh?" sabi naman noong babaeng maliit pero maganda.

Possessive Love Presents: REACHING FOR HIS STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon