(1)WORK

65 2 1
                                    

WORK

"Heid!" Dahil sa gulat agad kong tiniklop ang notebook sa harap ko. Fuck si Ivan lang pala, kaibigan ko.

"Bakit ba nanggugulat ka?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko at kakaiba ang tingin saakin. "Ano yang ginagawa mo?" Base sa tingin niya, alam kong kahit na anong sabihin ko hindi siya maniniwala. "Naghahanap ng target" sagot ko.

Tumayo siya sa harap ko the he give me a look. "Your father called". Fuck! "He said he missed you" tumawa ako ng malakas. He must be kidding me. "Tell him. Don't fool a person who make people fool" sambit ko bago siya iniwan at lumabas ng aking silid.

Hindi totoo na miss ako ng aking ama, hindi din totoo na ama ko siya. He's just an asshole that keeps on ruining my life.

"Hey where are you going?" Sinundan pala ako ni Ivan. "Maglilibang lang para makalimutan ko na may nakakabwesit akong ama" tumawa ito dahil sa sagot ko. Tch totoo iyon, dick.

"Be back at 11-" hindi ko na siya pinatapos. "I know" Sumakay ako saaking kotse at pinatakbo ito nang mabilis.

Nakakainis!! Gusto kong sumbatan ang taong iyon. Fuck!

Itinigil ko ang kotse ko sandali sa harap ng isang casino. Mukhang maraming tao ngayon dito, maraming mananakawan.

Ipinasok ko ang kotse sa basement parking lot ng building saka naghanda. Isinuot ko ang aking contact lens at naglagay ng pulang lipstic sa labi. Dinala ko ang aking bag saka lumabas ng kotse.

Pinagmasdan ko ang paligid at mukhang puro mayayaman ang narito ngayon base mga kotse dito.

Pumasok na ako sa elevator at inihanda ang sarili. Pagbukas ng pinto ay bumungad saakin ang mga mayayaman na nagkakasiyahan. Kumuha ako ng alak at naglibot libot. Sino kaya ang madadali.

Nakakita ako ng lalaking naglalaro at mukhang anak siya ng isang mayaman na tao. May dalawang lalaki na nakatayo sa tabi niya at mukhang kasama niya ang mga ito. Ang mga kalaban niya sa laro ay mga bigatin din.

Pumesto ako sa likod ng kaharap niya na nakaupo at pinagmasdan siya maglaro. Well not bad. Mananalo siya sa larong ito at makukuha lahat ng pera ng mga kalaban niya. Pero matatalo siya sa laban namin at kukunin ko ang lahat ng perang meron siya.

Tuso siya gumalaw at padalos dalos. Tanga siya, ngunit mas tanga ang kalaban niya kaya panalo parin siya.

Natapos ang laban na ito at nanalo nga siya. May humamon ulit at mas maganda upang mas maraming pera ang makukuha ko.

"All in!" Buong pagmamalaki niya at ang tanga ng kalaban niya dahil sumangayon ito. Well maganda ang card niya ngunit talo parin siya at panalo ang aking biktima.

Napadako ang tingin niya saakin kaya naman nginitian ko siya at itinaas ko ang baso ng aking iniinom. He wink at nginitian din ako. Ganyan lang. Magpadala ka.

Nanalo ulit siya at ngayon madami na siyang pera.

"Ano na?! Wala na ba kayong mga pera?!" Mayabang. Good enough. "May lalaban pa ba?!" Walang may gustong labanan siya dahil alam nila na matatalo sila. Actually mas magaling pa sila kaysa sa gagong ito but they get nervous at kung ano ano na ang nagagawa.

Naglakad ako papunta sa gitna. "Ako" sabi ko with a sweet smile at napangiti din ito. "You don't need to baby. Just come with me" kahit na gusto ko siyang sapakin ay hindi ko ginawa. "Sure, if you win" natawa ito ng bahagya. "You really wanna play huh?" Tumango ako at pinipilit ang sariling mag mukhang inosente. Well that's not hard at all because I look beautiful, isama mo na ang full bangs ko, and wala sa mukha ko na ang may planong masama.

"Yeah. I wanna try lang. And I saw you are a great player. I wanna learn form the best" sure akong uhaw na uhaw na ito dahil sa mga pinagsasabi ko.

"But I'm not a teacher" tanga talaga. Hindi pa ba halata na may plano along masama?! "That's why I'm sitting down to play" sabi ko saka umupo sa upuan sa harap niya.

"Matalino ka. You wanna learn and play, quite impressive" malamang matalino ako, kaya nga uubusin ko ang pera mo. "But paano iyan, malaking halaga ang taya dito" suminyas ako at lumapit ang isang staff dala ang case. "One game, One million" ngumiti ito. "Ikaw nagsabi niyan, don't worry I will take it easy for you" ngumiti ako. "That's kind of you"

Nagsimula na ang laban at basang basa ko na ang galaw niya. Natalo ako sa unang laro at parte ito ng plano. "Paano yan, talo ka" sabi nito at tumango ako. "Isang million lang ang pera ko but gusto ko pang maglaro, sayang" sabi ko ng kunyari ay nalulungkot.

"Ikaw kung gusto mo ng isang round pa?" Just like what I want to hear. Ngumiti ako ng sweet. "Oo naman pero... Anong itataya ko?" Alam kong nagwawala na ang loob nito ngayon. "Well- pwede namang pagusapan ito" sabi nito at ang tingin ay nasa katawan ko. Maglaway ka lang gago ka.

Hinawi ko ang buhok ko palikod upang ipakita ang leeg ko at mukhang nagwo- work talaga sa lalaking ito. Uminom siya ng alak ngunit hindi nawala ang tingin sa katawan ko.

"What if,... you" nakuha ko ang ibig niyang sabihin dahil inaasahan ko na iyon. Ngumiti ako "Gusto ko sana, pero paano naman pagnanalo ako. Magkano ang taya mo? Baka lugi ako kasi ako ang taya ko, ano naman sayo?" Sabi ko ng may pangaakit saka uminom ng alak at nginitian siya.

"Don't worry, all in" sabi nito at itinulak paharap ang lahat ng taya niya. Okay good boy madaling mauto.

"Okay" sabi ko at nagsimula na ang laban. "Don't worry, dadalhin kita sa condo ko saka ihahatid sa place mo" you wish dick. Uuwi ako agad pagtapos nito na bitbit ang pera ko. "Sure" sabi ko at padalos dalos na naman siya. Nilapag niya ang card niya at gaya ng inaasahan ko, maganda ang card niya. "Paano iyan talo ka? Should we go?" Ngumiti ako at tumayo. "Mukhang hindi ako makakasama" sabi ko at binaba na ang aking card boom. I won.

Nagiba ang mukha nito. "I won" nagtawag na ako ng staff upang kunin ang panalo ko at upang kaipalit na rin ito sa pera. "But-" nginitian ko siya na hindi parin makapaniliwala. "Sa tingin ko alam ko na maglaro. Gusto mo pa ba ng third round? Anyways ayoko na so bye" I left him empty handed. Bahala siya sa buhay niya basta nagkapera na naman ako.

Naglakad ako palabas bitbit and pera ko at naramdaman ko na sumusunod iyong gagong lalaki na iyon. Tumigil ako sa paglalakad. "Come on out now!" Sabi ko at lumabas naman ang loko. "Sorry sweety, I can't let you go away with this" sabi nito at napansin ko ang hawak nitong baril.

Hmm, hindi uubra ang isang gago sa matalinong manloloko. Nginitian ko siya ngunit hindi matamis na ngiti. Ngiti ng isang Heid Mortez.

Lumapit ako sa kaniya at hindi ito gumalaw na mukhang nagulat saaking ginawa. "I know" bulong ko sa tenga niya at inihipan ito.

"Do you still want me to take to your condo?" Nagiba ang ngiti nito at mukhang gusto nga. Bago pa siya makapagsalita ay hinawakan ko ang mukha niya, pinagapang ko ang aking dalawang kamay papunta sa leeg niya. "I wanna kiss you right now" sambit nito kaya itinulak ko siya papunta sa pader at sinandal siya dito. "Don't worry, You'll die soon" nagiba ang reaksyon niya na halatang nagulat sa sinabi ko. Inuntog ko siya ng dalawang beses sa pader at sa lakas nito ay dumugo ang ulo niya.

Iniwan ko siyang nakahandusay at hindi na nagatubiling umalis. Walang cctv ang parking kaya ayos lang.

Pagdating ko sa bahay ay nagaabang silang. Pagbaba ko palang ng kotse ay may hinagis saakin si Ivan na tablet. Nagpla-play and news dito at tungkol ito sa natagpuang walang buhay sa parking lot ng isang casino.

"Kailan ka pa naglaro ng hindi malinis?" Natatawang sabi ni Jhen. Kapatid siya ni Ivan.

"Hindi mo ba alam na pwede kang mapahamak" natawa ako dahil sa sinabi ni Ivan. "Dude, nakalimot ka na ba? Sa trabaho natin, lagi nating kasama ang kapahamakan. Besides matatabunan din yang news na iyan ng mga news about sa politicians." Ibinato ko sakaniya pabalik ang tablet kasama ang bag na agad niyang binuksan.

"Aalis na tayo in 30" sabi nito at nagsalute lang ako habang naglalakad palayo sa kanila.

Yes I am a conartist. Tawagin niya na ako sa lahat, manloloko, gambler. I don't care, kasi totoo.

Dating Mr. DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon