JHEN
Kumaripas kami ng takbo pababa ngunit agad ding napahinto dahil sa lalaking nakita naming papasok sa building ngunit dahil sa hamak na mas madilim sa loob ay malamang hindi kami nakita. Hinila ako ni Samuel upang magtago. "I smell his perfume. That's him" bulong niya saakin kaya napatingin ako sa kaniya.
Wow, siya agad. Hindi ba pwedeng may ibang gumagamit ng ganong pabango.
Sumilip ako upang makita kung sino iyong lalaki at sure ako na hindi siya iyon.
"Hindi naman siya!" Bulong ko kaya sumilip din si Samuel. "You're right" kitang kita ko sa mukha niya na parang nadismaya siya.
Lumabas kami sa pinagtataguan at dahil sa napagod yata ako sa pagtakbo pababa ng hagdan ay hinihingal ako kaya sumandal ako sa pader.
"That strange. I can feel his presence" tinignan ko siya na may pagtataka saaking mukha. "Iba naman e!"
Nagulat ako ng bigla siyang lumapit saakin at ikinulong niya ako sa kaniyang bisig, nakadikit ang katawan niya saakin at ang sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Dahil sa gulat ay itutulak ko sana siya pero nagsalita siya.
"That's him" bulong niya at sakto na may pumasok na lalaki. Sinilip ko siya ng saglit at tama si Samuel. Siya nga ito.
Narinig ko pa ang pagtawa nito. "PDA po" sa sinabing iyon ng lalaki ay natauhan ako sa posisyon namin. Tinignan ko ng masama si Samuel ngunit nginitian niya lang ako. Muli akong nagulat ng ilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. Wala naman siyang ginawa sinandal niya lang ito sa leeg ko pero dude syempre mabibigla ako. Manloloko ako pero hindi ako bayarang babae.
Nang magumpisa ng umakyat ang lalaki sa hagdan ay agad akong hinila ni Samuel palabas ng building at agad din kaming sumakay sa kotse.
Hinarap ko siya at sinampal. "Hoy Samuel Rose! Wag kang gagawa ng ganong bagay na hindi ako sinasabihan!" Nakakainis dahil sa natawa pa ito.
Tinignan ko siya ng... Fuck dude I'm dead serious look at mukhang basang basa niya ito sa tingin ko kaya tumigil siya sa pagtawa. Tch A total jerk. I just roll my eyes and look outside the car so that I can't see him.Sa isang iglap ay bumalik mga dahilan kung bakit hate na hate ko ang isang Samuel Rose.
"I'm sorry" hindi ako sumagot sa sinabi niya. Marunong pala siya mag-sorry.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Kay Jhen ba? Pero nasa building naman iyong killer.
Muntik na kaming madisgrasiya ng may sumingit na kotse sa harap namin e ang bilis pagpatakbo ni Samuel. Well anyway para sa iba he's way more faster but for me he's not.
Nanlaki ang mata ko. "Kotse iyon ni Jhen!" Napatingin saakin si Samuel at seryoso siya. "I'm sure. But wala si Jhen doon. The killer is driving it" sabi ko sapagkat hindi naman niya nakitang maayos ang kotse dahil sa daan ang kaniyang atensyon. Isa pa ay agad ding nawala ang kotse sa harap namin dahil mabilis itong magpatakbo.
Nag-text si Ivan kaya dito ko itinuon ang atensyon ko. Mabuti na ito upang hindi niya ako makausap na kung ano ano ang topic.
Guys she's not moving kanina pa. This is the place...
Ipinabasa ko ito kay Samuel at tinanguan niya ako. "I know that place" agad siyang lumiko at dahil hindi ako handa para dito ay muntik na akong mauntog. Tinignan ko siya ng masama. "Sorry" sabi nito kaya napailing nalang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/165577824-288-k827643.jpg)
BINABASA MO ANG
Dating Mr. Detective
AçãoA con (Heid Mortez) reunited with the man who broke her heart in the past which is now a detective (Sam Rose). Still in pain, Heid seek for revenge to get even with Sam but he dated her but still considered it and used it for her plan. After many ca...