(21) BALL

4 2 0
                                    

BALL

Nagdaan ang mga araw at ngayon ang araw kung saan magaganap ang ball at makikilala ako ng mga tao. Kinakabahaan ako na bago saaking nararamdaman dahil hindi naman ako laging kinakabahan.

Kung ako ay nakaupo lang sa gilid at nakatingin sa bintana ng hotel room namin, ang magkapatid na si Ivan at Jhen ay kanina pa picture ng picture.

"Magdala kaya tayo ng armas?" For emergency, hindi kasi talaga maganda ang pakiramdam ko sa gabing ito. Hindi ko nga maalala bakit pumayag ako na pumunta kami dito.

"Pwede naman pero pwede chill ka lang? Isipin mo nalang rest day natin ito and just enjoy." Halatang excited si Ivan at Jhen na malayo sa nararamdaman ko.

Ah! Nakakainis. Tumayo ako upang kumuha ng maiinom. Namamaga ang lalamunan ko. Naiinis ako kasi kinakabahan ako.

Saglit akong tumingin sa sarili ko sa salamin. Nakaayos na kami and mukha akong... maayos. Hindi makapal ang aking make-up at nakataas ang aking buhok.

Isinuot namin ang ibinigay nilang mga damit at kahit papaano mukha akong matino saaking pulang a-line dress. Nakuha ang gusto kong style dahil hindi ito mahirap isuot kumpara sa suot ni Jhen na isang itim na mermaid dress.

"Infer ang elegante niyo tignan." Sabi ni Ivan mapatos silang tumabi saakin.

"Syempre kami pa!" Sagot ni Jhen habang nakangiti.

Ang saya nila at masaya ako dahil dito.

"Kanina ka pa tahimik, may problema ba?" Ani Ivan.

Ngumiti ako at ibinalik ang tingin sa aking sarili sa salamin, "Wala." I am just disgusted by myself, behind this elegant look is a person without a heart, am I even a person? No, I'm just pure monster.

Tumunog ang aking cellphone na nasa bed kaya kinuha ko ito upang tignan. "Baba na raw tayo." Hindi pa magsisimula but bababa na kami dahil kakausapin ko pa siya.

"Okay, meron na rin si Joshua" sabi naman ni Jhen. "Hindi ka sasama sa kaniya." Hindi pagsangayon ni Ivan.
"Kuya remember Amber? Iyong kausap mo kagabi na babae, she's with Joshua right now and in exchange of me being the date of Joshua, ikaw ang date ng pinsan niyang si Amber."

Napangiti ako dahil sa ginawang kalokohan ni Jhen sa sarili niyang kapatid, ngayon ay hindi na siya makakatanggi dahil interesado siya kay Amber.

"Ngayon lang ito a!" Sign na pumapayag na si Ivan.

Bumaba kami upang kitain ang magpinsan na Salazar. Nagpakilala si Amber dahil ngayon lang namin siya makikita at kung meron mang pinaka masaya na nakita siya ay si Ivan iyon.

I know her, I know the whole family of Salazar kaya hindi ako interesado na makipag usap sa kaniya.

Lumapit saakin si Mr. Nam, ang matagal ng assistant ng aking ama upang tawagin ako para sumama sa kaniya.

Malapit na rin mag simula ang party pero kailangan ko muna siya kausapin.

Pumasok kami sa event hall kung saan nakaayos na ang lahat hinihintay nalang na pormal na magsimula ang event. Marami na ring tao at mga press na naka tutok sa mga taong papasok at maglalakad sa red carpet. Buong akala ko ay doon kami dadaan ngunit may ibang daanan papasok sa loob, pang vip.

Dating Mr. DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon