(34) GOODBYES

15 2 0
                                    

GOODBYES

Kinabukasan ay maaga kaming naghanda para makaalis na. Ang plano ay ihatid si Samuel sa bahay niya bago kami aalis papuntang Baguio.

Inalalayan ako ni Jhen papasok sa van bago siya bumalik upang kunin ang iba naming gamit.

Ako palang ang nasa sasakyan at nasa likod ako banda. Huminga ako ng malalim at sumandal. Naka pikit ako ng maramdaman bumukas ang pinto ng van kaya minulat ko ang mata ko.

Nagtama ang mga mata namin ni Samuel kaya nginitian ko siya saglit.
Pumasok siya at tumabi saakin.

"You're going to Baguio?" Tanong niya kaya tumango ako.

Naging tahimik kami hanggang sa humarap siya saakin.

"I want you to stay" seryoso niyang sabi habang nakatingin saaking mga mata.

Gusto ko pero "I can't"

Umayos siya ng upo dahil bumukas ang van at pumasok na sila Ivan.

Nakita niya na magkatabi kami sa likod ni Samuel kaya tinignan niya ako, "Okay ka lang?"

Ngumiti ako bago tumango, "Oo, tara na?"

Umandar ang sasakyan namin kasabay ng paggapang ng kamay ni Samuel papunta sa kamay ko.

"Samuel, tama na." Mahina kong sabi sapat lang upang marinig naming dalawa.

"Please, stay" Sumandal siya sa balikat ko. "Stay"

Huminga ako ng malalim bago hinawakan ang ulo niya gamit ang isa kong kamay.

"Forget about me, move on and live a happy."

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya.

"Malay mo makahanap ka ng babaeng mamahalin mo at mamahalin ka rin ng buong buo."

Yumakap siya saakin at ibinaon niya ang mukha niya sa dibdib ko. Ngayon umiiyak siya.

"Para ka namang bata" sabi ko habang hinahagod ang likod niya bago tumawa ng mahina para hindi niya mahalata na lumuluha na rin ako.

"Please, stay with me. Parang-awa mo na" bulong niya.

"Let's give ourselves a break. Kailangan natin iyon, sa gulo ba naman ng naging buhay natin." Imbes na tumigil na siya sa pagiyak ay mas lumakas ang iyak niya at mas humigpit ang yakap niya.

"But I love you"

Hindi ko na napigilang umiyak kaya yumakap din ako sa kaniya.

"Alam ko, at salamat dahil mahal mo ako."

Nanatili kaming magkayakap hanggang sa makarating kami sa bahay niya at tumigil ang sasakyan. Bakit parang ang bilis naman.

"Nandito na tayo" sabi ni Ivan kaya mabilis kong pinahid ang luha ko bago mahinang tinulak si Samuel palayo saakin.

"This is it!" Sabi ko at ngumiti pero umiling lang siya bago pinahid ang luha niya. Ngayon ko lang nakita si Samuel na umiyak ng ganito, ngayon ko lang din nakita ang mga mata niya na punong puno ng lungkot.

Bumaba kami ng sasakyan at nagsimula silang magpaalam sa kaniya.

Nasa gilid lang ako pilit na pinipigilan ang luha ko. Akala ko ubos na ang luha ko pero hindi pa pala.

"Bye Kuya Sam, sorry and thank you for everything." Sabi ni Jhen bago yumakap kay Samuel pero hindi man lang makapag paalam ng maayos si Samuel dahil umiiyak parin siya.

"Take care." Sabi ni Joshua sa kaniya bago nito yakapin pero tumango lang siya.

Nagtama ang mga mata namin kaya umiwas ako at napakagat labi.

Tangna naman, bakit ba ang hirap magpaalam sa kaniya.

"Mag ingat ka lagi Sam, sorry sa mga nagawa ko sayo at salamat din kasi nakilala ka namin. Salamat talaga." Yumakap si Ivan kay Samuel at dito talaga umiyak si Samuel. Wala nang ibang magawa si Ivan kung 'di hagudin ang likod ni Samuel.

Lumapit ako sa kanila at sakto na lumayo sila sa isa't isa.

Shit hindi ko mapigilan ang luha ko.

"Sam—" hindi ko pa man nasasabi ang pangalan niya ay yinakap na niya ako at umiyak sa balikat ko.

"Tama na please." Hindi ko nga din mapatigil ang sarili ko sa pagiyak tapos sasabihin ko 'yon.

"Samuel kailangan kong umalis. Please lang alagaan mo ang sarili mo and put yourself first before anyone else."

Hindi ko alam kung naririnig niya pa ba ako dahil sa pagiyak niya.

Huminga ako ng malalim at inilayo ang katawan ko mula sa kaniya.

Nasasaktan ako na nakikita siyang umiiyak. Akala ko wala nang kasing sakit noong niloko niya ako pero mas masakit 'to. Bakit ba kasi hindi siya matigil sa pagiyak.

Hinawakan ko ang mukha niya at idinikit ko ang nuo ko sa nuo niya.

"Mahal na mahal—"

Hindi ko inakala na ganito kahirap magpaalam sa kaniya. Sobrang sakit at sobrang hirap.

"Mahal na mahal kita!" Tumutulo ang luha ko at ganon din siya. Naramdaman ko ang dalawa niyang kamay sa buhok ko.

"Mahal din kita." Sabi niya kaya mabilis kong idinikit ang labi ko sa labi niya bago ako lumayo.

"Paalam Samuel" sabi ko pero hindi siya sumagot at nakayuko lang habang umiiyak.

Hinawakan ko ang baba niya at itinaas ang mukha niya.

"Smile for me" sabi ko bago ngumiti at kitang kita ko paano niya pinilit na ngumiti para saakin.

"Pa...paalam" muli kong sabi bago pinahid ang luha sa pisngi niya. Sa ginawa kong ito ay mas tumulo ang luha niya.

"Paalam" sabi niya bago pinahid ang luha niya at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kaniya sa huling pagkakataon bago siya talikuran upang bumalik sa sasakyan.

Para akong nanghihiya at mabuti nalang tinulungan ako ni Jhen na makasakay. Pagkaupo ko palang ay hindi ko na talaga napigilan ang iyak ko.

Fuck nalulungkot ako para sa kaniya.

Pinagmasdan ko muli si Samuel mula sa bintana at nakita ko na saglit silang nagyakapan ni Ivan bago sumakay si Ivan sa loob ng sasakyan at binuhay ang makina.

Hindi ko naman inakala na ganito pala kasakit ang magpaalam sa kaniya.

Umandar ang sasakyan namin at tila ba naging mabagal ang lahat kaya mas lalong bumibigat ang dibdib ko.

Sa huling pagkakataon ay nilingon ko si Samuel at nakita ko na nakatayo parin siya sa harap ng bahay niya.

Fuck!

Itinaas niya ang kamay niya at kumaway siya kaya ganon din ang ginawa ko kahit na hindi ko sigurado kung nakikita niya ba ito.

Unti-unti akong nakaramdam ng gaan sa dibdib kaya ngumiti ako.

"Mahal kita" sambit ko pero walang lumabas na salita mula sa bibig ko na tila ba siya lang ang nakarinig nito.

Dating Mr. DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon