IVAN
"Ito naman! Masiyadong mainit ang ulo. Hoy bata parin si Jhen, wag mo namang sigawan ng ganon."
Naguusap kami ni Ivan ngayon sa labas dahil naglilinis siya ng sasakyan. Si Jhen naman ay nasa loob ng bahay.
"Kaya nga! Bata pa siya kaya dapat makinig siya!" Sabi nito at ibinubuhos ang galit sa pagkoskos ng basahan sa kotse.
"Sige pa! Hanggang sa mabura ang pintura." Tumigil siya at nagpakawala ng buntong hininga. "Nagaalala lang ako." Malumanay niyang sabi kaya tumayo ako at tinapik ang balikat niya.
"Alam ko iyon. At malamang alam din iyon ni Jhen. Malamang sa malamang takot iyon na sabihin kung anong ginawa niya doon dahil alam niya na magagalit ka. For sure palilipasin niya muna ang mga araw hanggang sa hindi ka na galit." Saad ko.
Hindi na siya nakapagsalita ng may tumigil na sasakyan sa tapat ng gate namin at dahil bukas ang bintana nito, kitang kita namin kung sino.
"Andito na naman manliligaw mo." Ani Ivan kaya tinignan ko siya ng masama. "Sa tingin mo gaano kayaman si Samuel?" Tanong ko habang pinagmamasdan si Samuel na palapit na ngayon.
"Mas mayaman ka kaysa sa kaniya." Sagot ni Ivan at sangayon ako doon.
"Oy Samuel? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
Ngumiti siya, "I'm just here to visit."
Napatingin ako kay Ivan dahil sa pagtawa niya. "Grabe, 'yan din sinabi mo nitong mga nakaraang araw."
Nagkamot naman sa ulo si Samuel.
"I have a new case. Maybe you wanna come with me?" Tanong niya saakin at sanay na ako doon kaya tumango nalang ako. "Magbibihis lang ako."
Umakyat ako at bago pa ako makapasok sa kwarto ko ay narinig ko si Jhen na may kausap sa loob ng kwarto niya. Hindi naman sa nakikinig ako pero parang ganon na nga.
"Ano ba?! Sabi ko na sayo pamilya ko sila. Hindi ako tatakas basta bigyan mo lang ako ng kaunting oras!"
Napailing ako. May tinatago talaga siya pero kilala ko si Jhen, hindi siya makakatiis at masasabi niya rin ito saamin.
Nang makaayos ako ay bumalik ako sa baba.
"Ikaw nang bahala dito. 'Wag mong aawayin kapatid mo." Bilin ko kay Ivan kaya tinignan niya ako ng masama.
"Wow we have the same color of shirt." Ani Samuel ng nasa sasakyan na kami kaya napatingin ako sa damit ko.
Ano naman ngayon? Pareho lang naman itong grey.
"About the case, ano na naman ito ngayon?" Tanong ko at nakita ko ang pag seryoso ng mukha niya.
"A very rich guy want this girl and he's rich that's why he want us to find her and those people who took her." Sabi nito at pagkatapos ay ngunit. "But before that, I need to go to the office first."
Tumango nalang ako.
Habang nasa byahe ay nagtanong ulit ako. "Sabi mo kanina and those who took her, anong ibig sabihin 'nun?" Feeling ko kasi isang taong nagsasayang lang ng pera ang tinutukoy ni Samuel. Dahil lang sa babae ipapa- imbestiga niya iyon?
"Last night, he commanded his bodyguards to bring her home safely. But he said a man and a woman attacked his bodyguards and took away her girl."
Napatigil ako.

BINABASA MO ANG
Dating Mr. Detective
ActionA con (Heid Mortez) reunited with the man who broke her heart in the past which is now a detective (Sam Rose). Still in pain, Heid seek for revenge to get even with Sam but he dated her but still considered it and used it for her plan. After many ca...