(13)HOLS

5 2 0
                                    

HOLS

Napahawak ako sa ulo ko. "What??" I've been asking that for how many times but hindi kasi nagsi-sink in iyong sinasabi ng magkapatid.

"Totoo ate, you agreed that we are going to a vacation" sagot ni Jhen.

Fuck! We drink last night and maybe I drunk too much, pero hindi e. "Hoy! I know what I am doing and I never agreed on that!"

Hinawakan ko ang ulo ko to try to remember something at bigla nalang nag-flash iyong scene kagabi na pumayag nga ako.

"You remember it don't you?" Natatawang tanong ni Ivan kaya binato ko siya ng kutsara.

Nakakainis talaga.

"Do we even need to go to a beach resort?" Gago din kasi ang magkapatid, when I said na pupunta kami ng vacation pinagsamantalahan naman and now that I remember everything clear. Sinabi nila ang mga gusto nilang puntahan and sa beach iyon.

Well hindi naman sa ayaw ko ng beach pero basta. Bahala na!

"Pack your things then" sabi ko saka sumubo ng tinapay.

"Everything is packed including your stuffs, nasa kotse na lahat. Let's go" napanganga ako sa sinabi ni Ivan.

I know their plan. Kung hindi man ako papayag ngayon ay aayain nila akong lumabas then pupunta na kami kung saan man nila ako dadalhin.

Magkapatid talaga.

"I know an island. We can go there" sabi ni Jhen but umiling ako. "No, I'm not riding a boat" pasakayin mo na ako sa lahat pati sa trip mo, wag lang sa boat.

"You can swim and you can ride jet ski and rubber boat!" Tinignan ko ng masama si Ivan. "I still can see the shore or just swim all the way to shore with jet ski stupid ass. You know I can't go to an open water" basta hindi pwede.

"Well ate don't panic. We will travel on land at siguro mga 5 minutes lang sa boat. Kita rin kasi sa isang island, ang island na sinasabi ko" napa isip ako sa sinabi ni Jhen. Okay na iyon basta may nakikita pa akong lupa hindi puro tubig.

Bakit ako takot sa open water? Alam ni gago ang sagot.

"Bakit pag ako ang nagsasalita you always cuss but kapag si Jhen ang nagsalita, Oo agad?!" Tinawanan ko lang si Ivan saka iniwan silang magkapatid.

Maybe I need this. I need a break para naman makahinga ako ng maluwag.

All the way kung saan man kami pupunta, si Ivan ang nagdri-drive at ako sa tabi niya, samantalang si Jhen sa likod.

"Ilang araw ba tayo doon?" Tanong ko. Syempre wala akong alam sa plano nila. I already got a plan for my next move. Pagbalik nalang namin ko gagawin iyon, naiinis parin kasi ako kay Samuel.

"Heid!" Napatingin ako ng masama sa katabi ko dahil sa pagsigaw niya.

"Kanina pa kita kinakausap but tipa ka lang ng tipa sa laptop mo!" Yeah kanin pa siya salita ng salita, asking me nonsense, and I just don't care. "So?" Tumawa ng malakas si Jhen dahil sa sinabi ko.

Napailing nalang ako bago ibinalik ang tingin sa ginagawa.

_____

"This is it!" Sigaw ni Jhen ng makababa kami sa kotse. Okay maganda nga.

Sa harap namin ang beach at hapon na kaya kitang kita ko ang paglubog ng araw.

May mga tao sa dalampasigan ngunit mas marami ang nasa mga cottage at lahat sila nagkakasayahan.

Pag tingin naman sa likod ay bubungad ang building ng isang hotel.

Cool, mukhang iisa ang hotel and the building look fancy. Mukhang isa lang ang may ari ng buong lugar. At malamang pati ang isla na sinasabi ni Jhen.

May lumapit saamin na staff ng hotel ay si Jhen ang kumausap dahil sa siya ang nagpa-book sa hotel.

"You're going to stay for the rest of your vacation on the other island where the population is way lesser from here but everything you need will be there" mabuti naman kung ganon. Marami ang tao dito at ayaw ko 'nun.

Nakarating kami sa kabilang isla na masakit ang katawan ko. Tama sila na 5 minutes lang iyon but fuck ang bilis naman ng yacht. Kaya pala 5 minutes lang dahil yacht ang gamit at sobrang bilis. Mabuti nalang talaga at kita ang isla sa kabilang isla.

For sure na mahal talaga ang bakasyon na ito dahil kakaiba ang hotel dito sa isla.

May mga bahay kubo at doon magi-stay ang mga guest. Open naman ang lobby pati na ang laging bukas na buffet pero parang five star hotel parin dahil sa magagandang lamesa at upuan.

Pumasok kami sa titirahan namin at may tatlong room ito. Gawa ang lahat sa kahoy at walang air con. But hindi naman talaga kailangan ng air con dahil mahangin.

"Tara ligo tayo sa pool" aya ko sa magkapatid but mukhang pagod na pagod sila. "Anong swimming pool? Nasa island tayo dagat ang meron dito" angal ni Ivan but I hit him.

"Stupid may pool dito sa tabi ng ktv" tinignan niya ako ng masama kasabay ng paghimas niya sa pisngi niya. "Ang sakit!" Reklamo niya ngunit sorry not sorry he deserve it.

"Tama si ate, may pool dito" pag sangayon saakin ni Jhen kaya mas nainis si Ivan.

"Wala naman kasi tayong nakita, isa pa naririnig lang din natin na may kumakanta" I rolled my eyes. Of course hindi niya napansin na sa mga dumadaan na basa ay walang mga buhangin ang mga paa nila or di naman ang iba ay naglalagay ng sunblock papuntang dagat pero basa na, actually hindi ko iyon maintindihan dahil hapon naman na or I should say gabi. Nalaman ko naman sa tabi iyon ng ktv sapagkat doon nanggaling ang mga tao at doon ko naririnig ang mga kumakanta. Nice, ktv na open.

Lumabas ako ng aking room na suot ang panligo ko.

"Hahaha!!! Ang yabang mag-aya ganyan naman suot!" Tawa saakin ni Ivan pero hindi ko na siya pinansin. Naka t-shirt at short ako but sa loob may swimsuit ako.

"Ivan, jump" utos ko but tinignan niya ako saka umiling. Hindi sa natatakot siya na punahin ng staff dahil bawal mag dive or canon ball but marami kasing mga babae.

"Bet, bago tayo umalis sa island na ito may maikakama muna ako" wala sa oras na iniwan namin ni Jhen si Ivan. Kung ano ano kasing sinasabi e.

"Ate after this kain tayo ha" excited na sabi ni Jhen habang nakatingin doon sa kainan kaya tumingin din ako doon.

"Oo naman" balik ko ng tingin kay Jhen pero muli kong ibinalik ang tingin doon sa lalaking nakaupo sa isang table.

Fuck! "Samuel's here" bulong ko kay Jhen saka tumalikod dahil napatingin si Samuel sa pwesto namin.

"Don't tell me sinundan niya tayo?" Umiling ako sa sinabi ni Jhen. "I don't think so" ibinalik ko ang tingin sa pwesto niya at sa iba siya nakatingin.

"I think we should go. Check also his records kung ilang araw siya dito" utos ko kay Jhen and she nodded. Tumayo na kami at naglakad papunta sa pwesto ni Ivan.

"Heid!" Sigaw niya at napatingin pa ang ibang tao saamin. Damn it, wala na nakita na ako. Kahit na hindi ko tignan, malamang alam na ni Samuel na ako talaga iyong tinawag.

Dating Mr. DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon