MR. SALAZAR
Madaling araw ng magising ako. Hindi ko alam bakit ako hindi makatulog.
"Heid?" Tawag ito ni Ivan na pababa ng hagdan.
"Hindi ka rin makatulog?" Tanong ko at inabutan siya ng kape na kagagawa ko palang.
"Hindi e. Napansin mo ba anong oras umalis si Jhen?" Tanong niya kaya umiling ako. Hindi ko nga alam na wala pala siya.
"Magluto ka nga ng waffle." Agad naman siyang sumunod habang ako ay umupo sa may counter.
"Saan ba siya pumunta?" Balik ko sa usapan namin at nagkibit balikat siya. "Hindi nga din nagpaalam e."
Mabagal ang takbo ng oras at tahimik parin ang paligid dahil alas tress lang at sabado ngayon.
"Anong gagawin natin ngayong araw?" Tanong ni Ivan habang nagluluto parin.
"Hindi ko pa alam." Masyado pang maaga para magisip. Mamaya ko na iyon aatupagin.
"Wala man lang pasabi si Jhen. Hanapin mo kaya." Dahil sa sinabi niya ay tumayo ako papuntang living room para kunin ang laptop sa center table.
"Tignan natin kung nasaan siya."
Ako ang nakaharap sa laptop habang siya ay nagluluto parin.
Bawat isa ay laging naka open ang tracking device na nakakabit sa mga cellphone namin. Sa server ng bahay lang ito pwedeng ma access. May usapan naman kami na kung walang dahilan ay hindi dapat namin tinitignan kung nasaan ang isa't isa. Gusto lang talaga naming makita kung nasaan si Jhen ngayon dahil sa hindi nga siya nagpaalam.
Madali kong nahanap ang location niya at isa itong building ng mga condo.
"Ano namang ginagawa niya dito?" Hinarap ko ang laptop kay Ivan. "Ano bang pinaggagagawa niya?"
Kinuha ko ulit ang laptop at binuksan ang cctv footage ng bahay. Ala una ng madaling araw, nakita ko ang paglabas ni Jhen sa kwarto niya mula sa cctv na nasa itaas.
Wala kasing cctv ang mga kwarto namin. Syempre privacy.
Mukhang seryoso siya at may kausap sa phone. Umalis nga siya ng bahay at naglakad lang.
Sinundan ko siya gamit ang mga footage ng cctv dito sa subdivision na na- hack ni Jhen para may mga mata kami sa labas.
May kausap parin siya habang naglalakad.
"Ano sa tingin mo?" Tanong ko kay Ivan at ipinakita ang footage ni Jhen.
"Anak ng tokwa ang babaeng iyan. Basi sa ngisi may sideline yan. Hindi man lang nagpaalam?"
Itinuloy ko ang pagsunod sa mga footage ni Jhen at paglabas niya ng gate ay sa ibang cctv na ito makikita.
May tumigil na itim na kotse sa tapat niya at sumakay siya sa passenger seat nito.
"Hala si Jhen nagtanan." Iniharap ko ulit kay Ivan ang laptop ay isang masamang tingin lang ang ibinigay niya. Malamang naiinis ito.
Nawala ang ngiti ko sa labi ng mapagmasdan ng mabuti ang kotse.
Sa right side na pinto sa likod ay may kakaibang tribal scorpion na design.
May mga ilaw kaya kitang kita ito at dahil na rin sa itim ang kotse ay mapapansin talaga ang design. Kung titignan ay isa lamang itong magandang tribal ngunit sa tingin ko ay logo ito ng isang grupo.
Tinignan ko ang kuha ng ibang cctv kung saan hagip ang plate number at malinaw ko itong nakuha.
Hinanap ko kung kanino nakapangalan ang kotse at pagmamayari ito ng isang Joshua Salazar.
BINABASA MO ANG
Dating Mr. Detective
ActionA con (Heid Mortez) reunited with the man who broke her heart in the past which is now a detective (Sam Rose). Still in pain, Heid seek for revenge to get even with Sam but he dated her but still considered it and used it for her plan. After many ca...