(32) DOMINICO

9 2 0
                                    

DOMINICO

Habang pinapatuyo ang buhok ko ay narinig ko na may kumatok sa pinto. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ito.

"Bakit?" Tanong ko kay Ivan pero parang hindi ko magugustuhan ang ano mang sasabihin niya dahil sa mapangasar na ngiti niya.

"Guess what?! Sam Rose is finally awake," bumuga siya ng hanging bago ulit magsalita, "What should I do now? Sinabi ko sa kaniya na umalis ka kaya hindi na siya nagpupumilit pa na hanapin ka."

Napasinghap ako. Now I just realized that I let him stay in my house, ganon paman ay wala na akong magagawa. "Paalisin mo na." Iyon naman talaga dapat ang tamang gawin.

Napakamot siya sa ulo niya, "Gising na siya but may sakit parin siya. Hindi ba bastos na paalisin ko nalang siya, buti sana kung ikaw ang gagawa."

Tinignan ko siya ng masama, "Tinanong mo ako tapos hindi mo din naman susundin ang sinabi ko!" Itinuro ko ang bintana, "Wala ng ulan, sabihin mo kay Joshua na ihatid niya si Samuel sa bahay niya."

Natahimik kami pareho ngunit hindi nagtagal ay sabay kaming tumawa. "Ngayon okay na talaga ako." Napangiti ako at ganon din siya bago ako yakapin.

"Mabuti naman, nakakabingi na ang sobrang katahimikan dito sa bahay." Lumayo siya tinapik ang balikat ko.

"Ako ng bahala kay Sam, let him stay. Hindi din naman siya makakatagal dahil sinabi kong wala ka." Ngumiti siya bago naglakad palayo.

Ano nalang gagawin ko sa buhay ko kung wala si Ivan. Dahil sa kaniya naranasan ko magkaroon ng kuya na sobrang mahal ako. Dahil naman kay Jhen naranasan kong maging ate. Alam kong hindi maganda ang mga desisyon ko sa buhay pero ang ipasok sina Ivan at Jhen sa buhay ko ang pinakamagandang nagawa ko.

May ngiti sa labi akong bumalik sa loob ng kwarto ko at isinara ang pinto.

Now what? Ngayon na okay na ako, anong gagawin ko? Gusto ko na talagang lumabas pero hindi ko naman magawa.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito, hmm may file galing kay Mr. Salazar. Binuksan ko ito at nagulat sa nakita.

Agad akong lumabas ng kwarto at tumakbo pababa. Naabutan ko naman sina Ivan, Jhen at Joshua sa living room.

Nagulat sila na makita ako kaya agad silang lumapit saakin.

"Kailangan na nating umalis, parating na ang mga tauhan ni Dominico." Upang maintindihan nila ako ay ibinigay ko ang cellphone ko sa kanila.

"Kukunin ko lang laptop ko" tumakbo si Jhen papunta sa kusina, si Joshua naman ay kinuha ang cellphone niya na nasa center table.

Lalabas na sana kami ni Ivan pero huminto siya.

"Si Sam!"

Napatigil ako saglit, nandito nga pala siya. Kailangan kong magisip ng mabilis kung anong gagawin dahil kapag naabutan kami ng mga tauhan ni Dominico ay malamang patay ako.

"Shit!" Naglakad ako papunta sa kwarto niya at ganon din si Ivan. Lalapit sana sina Jhen at Joshua pero pinigilan ko sila.

"Mauna na kayo, get out of here!" Tumango sila bago tumakbo palabas. Narinig ko ang ingay ng sasakyan na umalis kaya nabawasan ang kaba ko dahil ligtas na sila.

Dating Mr. DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon