RAIN
Nagising ako dahil sa kamay na humaplos sa buhok ko. Mahapdi ang mata ko kaya hindi ko na ito minulat, kilala ko naman kung sino ang gumagawa nito. Isang tao lang din naman kasi ang humahaplos sa buhok ko ng ganito at aaminin ko na, namiss ko ito.
"Dad..." Tawag ko at naramdaman ko na gumaan ang kamay niya sa buhok ko pero nang tumagal ay gumalaw ulit ito.
"Hmm?"
Nakatalikod ako sa kaniya dahil nakaharap ako sa bintana. Binuksan ko ang mata ko at umaga na pala. Madilim parin dahil hindi pa humuhupa and ulan pero kahit na hindi ko siya nakikita ay ramdam ko ang lungkot sa mukha niya. "I-miss you."
Hindi ako nakarinig ng sagot niya.
"I miss mom."
"I miss her too," I heard him sighed, "I'm sorry for everything," sambit niya.
Pinunasan ko ang luha sa mata ko, "It doesn't matter anymore." Tapos na lahat, I just need to move on and face all the consequences of what I've done.
"I'm sorry fo not telling you my plan with Sa-"
I cut him off "It's okay Dad," ayoko lang talaga marinig ang pangalan niya.
Lumipas ang mga oras na naguusap lang kami. Ipinaliwanag niya lahat lahat pero gaya nga ng sabi ko, hindi na iyon mahalaga.
Ngayon ay magisa ulit ako sa loob ng aking kwarto. Huminga ako ng malalim bago umupo mula sa pagkakahiga. Naalala ko na ilang araw na akong nakahiga nalang. Hindi pa ako kumakain ng kahit na ano at hindi pa rin ako naliligo.
Sa tingin ko okay na naman ako kaya tumayo ako at naghanda upang maligo. Hindi ako nagmadali dahil wala naman akong pupuntahan. Ilang minuto rin akong nakatayo lang sa shower habang dinadama ang pagdapo ng tubig sa katawan ko.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako matapos. Nagsuot ako ng maluwang na t-shirt at pajama. It took me another minute or two before going out.
Napansin ko na hindi na tuloy tuloy ang ulan at kung uulan man ay mahina nalang.
Bumaba ako expecting the other 3 people from this house chilling in the living room pero sa kitchen nagmumula ang ingay.
Pumasok ako at nadatnan ko na nagluluto si Ivan habang si Jhen ay nakaupo sa stool habang may ginagawa sa laptop niya na nakapatong sa counter. Mukhang umiyak siya kagabi dahil sa namamaga niyang mga mata. Speaking ang dahilan ng pagiyak niya, si Joshua ay nakaupo sa tabi ni Jhen trying to get her attention.
"I told you to fucking stay away from me!" Masama ang tingin ni Jhen kay Joshua na ngayon ay tahimik na.
Napailing nalang ako. Lumapit ako kay Ivan upang tignan anong niluluto niya but napatigil ako when he look at me, para siyang nakakita ng multo.
"Okay ka na?" Tanong niya kaya tumango ako, "I guess so."
Kumuha ako ng plate at kutsara, "Gutom na ako, kain na tayo?" Ilang araw din akong hindi kumakain. Ewan ngayon ko din lang naman naramdaman ang gutom.
Mabuti nalang at natapos na rin ni Ivan ang pagluluto kaya naghanda na kami upang makakain.
Saaming pagkain ay walang umiimik, hanggang sa basagin ni Joshua ang katahimikan, "I'm lost, anong gagawin natin ngayon?"
Sa totoo lang ay hindi ko alam. Matagal ko nang plano ang tumigil sa trabaho ko pero wala pa akong planong gawin at ngayon ay napaaga pa masiyado. Hindi ko alam anong gagawin, nasanay ako na maghahanap ng pwedeng nakawan sa umaga at sa gabi ay isasagawa ang plano. 'Nong bumalik naman si Samuel sa buhay ko ay nasanay ako na maaga siyang pumupunta dito sa bahay upang sunduin ako at gabi na kami uuwi. Galit ako sa kaniya pero ngayon iniisip ko siya, aaminin ko na malaki talaga ang epekto niya saakin.
Huminga ako ng malalim at umiling upang mawala ang mga iniisip bago humarap sa kanila, "Hayaan nating ang buhay ang mag decide kung anong gusto niyang gawin natin, we're free anyway."
Tumango sila bago naging tahimik ulit. Patuloy kami sa pagkain ng biglang may marinig kaming sigaw.
"Heidi! Please talk to me!" Nangagaling ito sa labas.
Bumuntong hininga ako bago tumingin kay Ivan na nakatingin pala saakin.
"Heidi please! I love you!"
Hindi niya napigilan ang tumawa kaya tinignan ko siya ng masama. Wala paring nagsasalita hanggang sa matapos kaming kumain. Meron pala, iyong kanina pa sumisigaw sa labas.
"Heidi!"
Sa unang pagkakataon ay napahawak ako saaking ulo at sinapo ito dahil naririndi na ako, kanina pa siya sa labas! Wala ba siyang balak umalis? Malamang basang-basa na siya dahil kanina pa siya sa labas kahit na mahina ang ulan.
"Would you do something?" Tanong ko kay Ivan kaya tumango siya at tumayo. Sumunod kami pero ako nanatili sa gilid upang hindi ako makita ni Samuel.
Sumilip ako sa labas at ng buksan ni Ivan ang pinto ay inakyat ni Samuel ang gate upang makapasok sa pagaakala siguro na ako ang nasa pinto.
"Sam, pwede ba. Hindi ka pa ba pagod? You should go home man, hindi lalabas si Heidi upang kausapin ka," sabi ni Ivan. Nanatili akong tahimik habang hinihintay ang sasabihin ni Samuel. I know him, hindi siya aalis dahil lang sa sinabi ni Ivan.
"I know she's listening, Heidi I know you are listening! I'm sorry, please talk to me!" Rinig na rinig ko ang bawat salita ni Samuel at punong puno ng emosyon ang mga ito.
"Lasing ka ba?" Dahil sa tanong ni Ivan ay sinilip ko si Samuel na nasa pinto. Hindi siya sumagot pero nakayuko lang. Siguro ay lasing nga siya. Napakunot ang nuo ko ng mapansin ang suot niyang basang-basa, ito iyong suot niya 'nong nagkita kami sa restaurant. Naginom ba siya mula 'non?
Huminga ako ng malalim at maglalakad na sana papunta sa hagdan pero hindi ako nakagalaw ng makita ko na nawalan ng malay si Samuel.
Agad akong pumunta sa pinto upang lapitan siya. Nawalan talaga siya ng malay, kahit na anong gawin ni Ivan upang gisingin siya ay wala itong gana.
"Ipasok niyo siya," agad naman na nagtulungan si Ivan at Joshua upang maipasok ang walang malay na si Samuel.
"Kami ng bahala." Dinala nila si Samuel sa isang guess room na nandito sa baba.
Pinagmamasdan ko si Samuel na ngayon ay nakahiga na sa kama, inalis nila ang suot niya at tanging ang boxer ang natira sa katawan niya. Si Jhen ay pinakuha ko ang mainit na tubig at pamunas. Si Joshua naman ay kumuha ng damit pamalit kay Samuel.
Nakatayo lang ako sa may pinto habang pinagmamasdan kung paano punasan ni Ivan ang walang malay na si Samuel. Napansin ko ang mga sugat niya sa kamay kaya napasinghap ako.
"Jhen kunin mo iyong first-aid kit." Agad naman na sumunod si Jhen at tumango bago umalis.
May dala dalang damit si Joshua na bumalik, tinignan ako ni Ivan at nakuha ko ang gusto niyang sabihin. Lumabas ako ng kwarto saka tumalikod.
Lumipas ang ilang minuto na nasa labas lang kami ni Jhen habang pinapalitan nila Ivan si Samuel.
"Okay na," sabi ni Ivan.
Pumasok kami ni Jhen ngunit nanatili ako sa may pinto at hindi na lumapit pa sa kanila.
Nagsimula si Jhen na gamotin ang mga sugat ni Samuel samantalang si Ivan ay inaayos ang suot niya. Lumipas ang ilang minuto na walang umiimik.
"He'll be fine," sambit ni Joshua saakin ng mapansin na nakatingin lang ako sa walang malay na mukha ni Samuel.
Tumango lang ako. Alam ko, pero hindi ko mapigilang mabigla dahil ngayon lang ito nangyare. Hindi ko alam paano pero nakakaramdam ako ng awa sa kaniya. Maybe because of the fact that I like him, kaya naaawa ako.
BINABASA MO ANG
Dating Mr. Detective
ActionA con (Heid Mortez) reunited with the man who broke her heart in the past which is now a detective (Sam Rose). Still in pain, Heid seek for revenge to get even with Sam but he dated her but still considered it and used it for her plan. After many ca...