(7)HANGING LADY

16 2 0
                                    

HANGING LADY

"What do you think? Suicide or murder?" Tanong nito saakin habang naglalakad kami papunta sa room kung saan nangyari ang krimen.

By looking at the pictures. Ang isa ay picture ng babae na nakatali ang leeg at naka-hang, nagbigti. Ang isa naman ay nakababa na ang katawan at ang picture ay naka- focus sa mukha nito at nakikita hanggang sa tiyan niya. Mukhang suicide but isang murder case.

"Murder. Halata sa leeg niya na may mga kalmot sa taas ng kinalagyan ng lubid" naging kulay ube kasi iyong leeg niya dahil sa lubid pero may mga kalmot sa taas nito sa bandang batok niya na mas nakikita sa ibang picture.

Maaring sinakal siya ng suspect.

"You're right" sabi niya saakin at nakapasok na kami sa room.

Wow. Buo pa ang room at ayos na ayos ang lahat. I mean may mga bandang magulo tulad ng sa kama dahil malamang ng makita ang bangkay ay inalis lang ito pero hindi ginalaw ang kwarto.

Inikot ko ang paningin ko at kapansin pansin ang malaking picture sa wall nung mag-jowa.

"Parang may naiba" hindi ko pinansin ang sinabi sapagkat ngayon lang naman ako nakapunta dito paano ko malalaman kung may naiba.

"Anong reason? Jealous?" Pagbibigay ko ng aking opinyon at tumango ito. "Base sa nakita kong mga proof. Nagkaroon ng away ang dalawa before the killing was happened. Makikita na may dalawang tao dito before the crime because of the two glass of juice" nakita ko naman ang isang picture na dalawang baso at ang isa may laman pa samantala ang isa ay halos maubos.

"Mukhang pinatulog siya ng suspect" kasi makikita sa picture na parang may someting natira sa baso na halos maubos ang laman at hindi ito masasabing naiwan lang na powder ng juice sapagkat ang isang basong may laman ay walang makikitang kung anong powder.

"Right again" sabi nito kaya nginitian ko siya.

"Bakit mo pa kailangan ng proof e mayroon ka naman na?" Bakit hindi niya nalang hulihin. "I want the suspect to confess. And when we met at the car store. I saw how the suspect look at Jhen. I think she'll be the next target" sa haba ng sinabi niya ay naintindihan ko naman.

"So gagamitin mo si Jhen?" Seryoso kong tanong. "Kind of?" Aba patanong talaga.

Sa hindi ko alam na dahilan ay nainis ako.

"Oh!" Ibinigay ko sa kaniya pabalik iyong mga pictures.

Mangagamit lang pala ng tao. Tch. Hindi ko talaga alam kung bakit ako nagagalit.

"What do you think? What if there's more reason for him that's why he did this?" Bakit magtatanong saakin ito e siya ang detective. "Ewan ko"

Nagikot ako sa kwarto at pinagmasdan ang mga gamit sa may cabinet.

Binuksan ko and pinto ng cabinet at agad naman akong sinaway ni Samuel. "Don't! This case is not yet close. Don't touch anything without gloves!" Napansin ko ang mataas nitong tono kaya naginit ang ulo ko.

"Parang binuksan lang!" Sigaw ko pabalik at iniwan siya papuntang kabilang gilid ng silid. Arte arte binuksan ko lang naman e.

Napansin ko na madilim ang kwarto kaya binuksan ko ang ilaw. Napatingin saakin si Samuel kaya tinignan ko na ito ng masama bago pa makapagtalak. Nginitian niya naman ako. Tch pangiti ngiti pa ang pangit naman.

Dating Mr. DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon