(5)DESTINY

12 2 0
                                    

DESTINY

"Where are we going?" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ivan. Malamang bagot ito, ay mali badtrip pala kasi imbes na siya ang nandito sa harap katabi ko ay hindi.

Graduated na si Jhen that's why I want to give her something.

Dinala ko sila sa bilihan ng kotse. "Don't tell me-" hindi niya na tinapos ang sasabihin dahil alam niya na ang sagot ko.

"Wow 'nung ako ang nag graduate walang pa ganyan" tinignan ko ito ng masama mula sa rear mirror. "Gago, hindi ka naka graduate. Wag kang feeling" napakamot naman ito sa ulo. "Oo nga pala" ang bobo talaga niya.

Pinagtawanan ko nalang ito.
"Hoy nakagraduate pala ako!"

Tama siya. Before kami nag meet.

"Thanks sa pagiging mabilis ng kamay ko at napapagaral ko ang sarili ko at ng highshool si Jhen that time" hindi ko na siya kinontra dahil baka umiyak. "We both know kuya na pag hindi natin nakilala si ate Heid ay malamang hindi ako makakapagtapos ng college.

Natahimik sandali. Okay awkward again. Ako nalang ang gagawa upang hindi mauwi ang usapan sa seryoso. "But trust me. Ang suck mo gumalaw noon" sinamaan ako ni Ivan ng tingin dahil sa sinabi ko.

Nagkakilala kami sa isang maliit na casino. Malamang maghahanap ako ng target pero siya ang napansin ko na pinupuntirya ang isang matandang mayaman.

Well not bad nakuha niya iyong wallet ng matanda tapos napatingin siya saakin kaya umiwas ako ng tingin.

That time alam ko na ako ang isusunod niyang target kaya naglakad ito papunta sa direksyon ko at kunyari nabangga ako ngunit naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya kaya inunahan ko na siya.

"Hey, you want this?" Tanong ko sabay taas ng kanang kamay ko na hawak ang clutch bag ko. Nanlaki naman ang mata nito kaya nginitian ko siya. "Or this?" Tinaas ko sa ang aking isang kamay na hawak iyong wallet ng matanda.

Agad niya namang kinapa ang bulsa niya ngunit wala siyang makapa dahil hawak ko na nga ito. "What the! Give that to me!" Hinila niya ako papunta sa gilid kung saan walang tao. Natawa naman ako dahil sa reaksyon niya.

"Kailangan ko 'yan!" At least hindi niya na sinabi na sa kaniya iyon.

"Why? Anong reason mo bakit mo ito ginagawa?" Tanong ko sa kaniya at hindi ko naman ine-expect na sasabihin niya talaga ang reason niya na iyon nga. Siya ang bumubuhay sa kanilang magkapatid.

Ibinigay ko sa kaniya noon iyong wallet at binigyan ko siya ng calling card. Sinabi ko na tawagan niya ako if kailangan niya ng mas malaking pera at handa na siyang gumawa ng mas malaking mission.

'Nung una ay tinawanan ako nito dahil pareho lang pala kami but naniwala ako na lalapit ito and paglipas ng ilang araw ay na hospital si Jhen kaya lumapit na ito. Pero syempre hindi kami agad nagtrabaho. Binigyan ko siya ng pera upang mailabas ang kapatid niya saka ko siya tinuruan ng mga galaw at kung paano magisip ng plano na hindi sasabit.

Hanggang sa pati si Jhen ay nasama na. Kaya ito kaming tatlo. Ito ang trabaho.

Well mga target namin ay mga corrupt na politician or mga mayayaman na naglulustay ng pera. Kaysa sa iba pamunta ang pera nila, kukunin ko nalang. May isang foundation akong tinutulungan at alam ko na mali dahil galing sa nakaw ang mga pinapakain ko sa mga batang pinagmalupitan ngunit ang pera na iyon ng mga corrupt ay galing lang din sa pera ng taong bayan kaya okay lang para saakin.

Dating Mr. DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon