(29) MEETING

5 2 0
                                    

MEETING

"So ganon lang?" Tanong ni Joshua habang naghahanda kami kaya tumango ako.

"Pero I am strong, I can do a field work too!" Reklamo niya.

"Pwede ba, stick to the plan and we will be good." Sagot ni Ivan.

"Isa pa ngayon lang naman ito, kuya Sam is very smart kaya ito lang ang paraan para hindi siya makahalata." Ani Jhen habang inaayos ang gagamitin kong maliit na ear pod na kinakabit niya sa hikaw ko.

"Pero hindi ba siya magtataka? Bakit bigla nalang nawala si ate Heid sa hospital?"

Ugr nakakairita ang mga tanong no Joshua, "Ako ng bahala doon kaya umpisahan na natin 'to."

Una kong kinuha ang aking cellphone upang tawagan si Samuel.

"Hello?" Nagaalanganin kong sabi pagkatapos niyang sagutin ang tawag ko.

"What the fuck Heidi? Where the hell are you? I am fucking worried!"

Dahil naka- loudspeaker ay rinig na rinig nila Ivan ang mga sinasabi ni Samuel.

"Okay lang ako. Pwede ba tayong magkita?"

Saglit siyang natahimik sa kabilang linya.

"Tell me where you are, pupuntahan kita. Be careful."

Natapos ang paguusap namin kaya agad kong ibinigay kay Jhen ang aking cellphone dahil siya na ang bahala habang naghahanda ako.

Tahimik kaming lahat at mukhang hindi lang ako ang kinakabahan.
"Is this normal or sadyang kinakabahan lang ako? Hindi naman ako bago sa ginagawa natin but... I think I'm scared" basag ni Joshua sa katahimikan.

Tinapik ko ang balikat niya at nginitian sila para naman kahit papaano ay mawala ang kaba nila.

"After this one..." Naghintay sila na ituloy ko ang sasabihin ko at kitang kita ko ang mga mata nila na mas lalong nagbigay ng kaba saakin, "Taposin na natin lahat." ngumiti akong muli at ganon din sila.

"Sige aalis na ako, sandali lang ito." Tuluyang umalis si Ivan dahil kailangan niyang gawin ang part niya sa plano.

"Ate Heid," tawag saakin ni Joshua kaya nilingon ko siya. "What?"

"After natin malaman anong kinalaman ni Sam sa tatay mo at kay Dominico, ano nang gagawin natin?"

Napatigil ako, sa totoo lang ay hindi ko alam. Hindi ko din alam anong mararamdaman kapag nalaman ko na ang mga gusto ko. Hindi ko alam.

"Ewan, let's just focus on this one."

Matagal tagal din kaming naghintay kay Ivan bago siya nakabalik. Ayos na lahat kaya ako naman ang umalis dahil oras na para magkita kami ni Samuel.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kotse, nasa parking lot na ako ng restaurant at nasa loob na si Samuel, hinihintay ako.

Umiling iling ako upang matanggal ang mga iniisip bago buksan ang pinto ng restaurant. Tumingin ako sa paligid upang hanapin si Samuel at hindi ako nahirapan dahil itinaas niya ang kamay niya.

Napalunok ako habang naglalakad papunta sa kaniya, damn that look. Umupo ako sa harap niya at ngayon mas kita ko ang pagaalala sa mukha niya. Hindi ko na alam kung totoo ba ang mga pinapakita ni Samuel saakin mula 'nong una pero ngayon naniniwala ako na totoo ang pagaalala sa kaniyang mukha.

Dating Mr. DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon