(9)YES

11 2 0
                                    

YES

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi muna sumabak si Jhen sa mga plano upang makapagpahinga siya kahit na pilit niyang sinasabi na okay lang siya.

Malaking sakit sa ulo ang pagkakasama namin ni Samuel sa case na iyon dahil mas napalapit siya hindi lang saakin but kanila Ivan din.

Minsan ay hindi kami nakakapagtrabaho ng maayos dahil sa kaniya.

"Ate sige na! Ilang araw na akong kulong dito sa bahay! Just let me be the gal on the chair" tinignan ko ng seryoso si Jhen saka tinignan si Ivan. Tumango naman saakin si Ivan biglang hudyat na pwede na. Kung si Ivan kasi ang maguutos sa kaniya ay malamang sasawayin niya ito kaya idinadaan ito saakin ni Ivan.

"Okay fine! Yes!" Nakita ko ang pagkabuhay ng mukha niya.

Inilapag ko ang blue print ng isang building. "Ariel Revero owned this" paguumpisa ko. Sa pagbabasa ko 'nung notebook ng suspect ay natatandaan ko ang mga pangalan dito kaya naman sila nalang ang gagawin kong target.

"Pero hindi ba mapapahamak tayo diyan. Hawak ni Sam at mga polis ang notebook na iyon. Kung lahat ng tao doon ang gagawin nating suspect ay malamang magtataka sila dahil walang nakakaalam ng notebook na iyon maliban sa kanila, at sayo" may point si Ivan pero matalino ako at naisip ko na kahat ng pwedeng mangyari.

"Hindi tayo ang magiging prime suspect dahil maaring isipin nila na isa sa mga tao sa notebook na iyon ang gumawa ng krimen. Sigurado din ako na under investigation ang mga taong ito kaya mas magiging maganda ang laro na ito para saatin. Nanakawan natin ang mga masasama, paglalaruan natin ang mga mabubuti" nakangiti kong sabi.

"How about Sam Rose?" Napatingin ako kay Jhen at nginitian siya. "I know how he thinks. Malamang pagiisipan niya ako but hindi siya gagawa ng galaw hanggat wala siyang proof. The thing is, wala siyang makukuhang proof but we should be careful around him. He never forget anything, he can sense anything. He can read expression. We just need to play with him and if I got enough with him. Let him lose by himself" yes, I'm doing my perfect plan now.

"You seems really mad at him" nginitian ko si Ivan dahil sa sinabi niya. "Figure it out by yourself, why I must hate Samuel Rose" napatango tango naman ito at ganon din si Jhen.

"Okay I'm in" pagsangayon ni Jhen at ganon din si Ivan. "Let's do this!"

*Ding Dong* nagkatinginan kaming tatlo at mukhang pare pareho kaming walang bisitang inaasahan.

"Let me guess, it's Sam" hindi na ako nagtaka pa sa sinabi ni Ivan.

"You go open it!" Utos ko sa kaniya at agad niya naman itong sinunod.

Niligpit namin ang mga gamit at itinago sa secret lagayan ng gamit sa ilalim ng table.

Dumating si Ivan na may ngiti. Tch si Samuel nga.

Nasa likod niya si Samuel at agad silang lumapit saamin.

"What are you doing here?" Umpisa ko pagkaupo palang niya.

"I just want to thank you guys for cooperating. Specially you Heidi, the investigation go beyond the crime and find out a larger crime" tch, talaga lang ha.

"You know how to credit other now?" Nagtaka ang dalawang magkapatid dahil sinabi ko pero malinaw saaming dalawa ni Samuel kung anong ibig sabihin 'nun.

Hindi siya agad nakapagsalita kaya ako na ang nagsalita. "Anyways thank you din sa pagliligtas kay Jhen" kahit na kami naman talaga ang gumawa 'nun.

Kasi kung talagang ililigtas niya si Jhen ay dapat nauna niya itong pinakawalan at nilapitan. What I mean is mas mahalaga ang sasabihin ng suspect niya kaysa sa taong mapapahamak. Noon paman ay ganon na si Samuel.

"It's my job so that's normal" pinagmasdan ko siya. Paano niya iyon nasasabi?

Napailing nalang ako dahil sa mga naiisip. Ang Samuel noon ay hindi ganito. Maniniwala ba ako na nagbago na talaga siya o isa na naman itong palabas niya.

Ayoko ng tumaya. Hindi ko inakala na magagawa niya iyon sa unang pagkakataon sapagkat hindi ko alam na kaya niya palang gawin iyon. Ang ikalawa ang nagpatunay ng katangahan ko dahil sa naniwala ako ulit.

Ugr! Nakakainis.

"By the way, I'm also here to ask you" sabi nito saakin kaya kumunot ang nuo ko at naghintay sa sasabihin niya pa. "If you can help me to solve another case" okay that's weird. "Really?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

He loves solving case and it is okay with him to be helped by someone?

Tumango siya but still, hindi ako naniniwala. "Look Heidi. I've change" sabi niya na parang nabasa niya ang mga nasa utak ko.

"Naninigurado lang. And can you please stop calling me Heidi!" Kasi lagi nalang iyon ang tawag niya saakin.

"No, You're calling me Samuel, I'll call you Heidi" hindi na ako makipagpilitan dahil alam kong matigas ng bungo nito.

"So is that a Yes?" Wala na akong magagawa. Minsan sa buhay kailangan nalang mag yes ng yes. Nag enjoy din naman kasi ako sa pag solve ng case.

"Yes, oo na"

"Yes!" Sigaw naman ito at naging sobrang laki ng ngiti niya. Parang iyon lang.

"OA mo rin" suway ko dito saka tumayo.

"Ngayon na ba?" Tanong ko syempre para makapaghanda man lang ako. Tumango naman siya.

Tumayo din si Ivan at binulungan ako. "Paano iyong plano?" Sa tingin ko ang ibig niyang sabihin ay doon sa bagong target namin.

"Don't worry. For sure doon ako dadalhin ni Samuel. Makakagawa ako ng mas magandang plano dahil mapapasok ko ang building ng walang kahirap hirap!" Bulong ko dito saka siya itinulak at tumawa ako.

"Sira ulo, magpapabili lang ng pagkain may pabulong bulong pa. Wag ka ng mahiya dahil wala ka naman talagang hiya, si Samuel lang iyan!" Tumatawa kong sabi at natawa din sila bago ako umakyat. "Wait me here"

Naligo ako at naghanda.

Nagsuot ako ng black jean pants at white na t-shirt. I also put my black leather and black robber shoes.

Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko pati na rin ang bangs ko.

I put a light foundation and red lip tint.

I look cute dahil sa bangs ko. Haha hindi halata ang trabaho ko.

"Wow! You're going to solve a case not on a date" tinignan ko ng masama si Ivan. "This is my daily look, dumbass" I roll my eyes and face Samuel. "Let's go"

Sumakay ako sa car ko, alangan naman na sumakay ulit sa kotse niya e hindi naman ako tinatamad. Isa pa baka sabihin wala akong pang-gas kaya nakikisakay ako.

Dating Mr. DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon