(20) INVITATION

9 2 0
                                    

INVITATION

Masakit ang katawan ko kaya hapon na ako nagising. Mukhang gising at magaling na rin si Ivan dahil naririnig ko na ang malakas niyang boses mula sa baba.

Bumaba na rin ako upang makakain ngunit agad nila akong sinalubong.

"May nagpadala ng mga damit." Saad ni Ivan at ipinakita naman ni Jhen ang mga kahon.

Umupo kami sa sofa at sinuri ang mga kahon. Bago ko pa mahawakan ang isa ay napatingin ako sa cctv dito sa living room.

"Don't worry ate, tinanggal ko na ang connection ni Joshua." Ani Jhen. Mabuti naman kung ganon.

Binuksan na ng magkapatid ang mga para sa kanila at kay Jhen ay isang itim na dress na makinang at maganda. Kay Ivan naman ay isang itim na tuxido at kapansin pansin ang pin na may mamahaling bato at ang necktie na ibang klase ang design.

Kinuha ko muna ang card upang malaman kung saan ito galing bago buksan ang kahon na may nakasulat na pangalan ko.

"You are invited to the grand ball." Basa ng malakas ni Ivan sa hawak kong card, "Ano ba iyan, tapos address lang?" Dagdag niya.

Tch kilala ko na kung saan galing ang mga ito.

Binuksan ko ang kahon sa harap ko at isa din itong dress na kulay pula at napaka-ganda ng design at makinang.

"Woah! Alam ko na itong brand na ito. Dati, iyong classmate ko ganito ang logo sa box ng dress niya sa debut niya. It's from Europe at ang sabi niya, walang kapareho ang mga dress doon dahil personalize and design by that designer na hindi ko alam ang pangalan. Super expensive and unique." Kwento ni Jhen.

"I'm pretty sure it's from your father," Sambit ni Ivan at sangayon ako. "It's nothing. Ano?" Dagdag niya ngunit hindi ako kumibo.

"Sige na!" At nagsimula ang pangungulit nilang dalawa saakin. Here we go again, me against this siblings.

"Actually we can both go because we have an invitation each."

Tinignan ko ng masama si Ivan.

"Don't you fucking dare!" Iiwan talaga nila ako? Isa pa bakit naman sila pupunta doon? Anak ba sila?!

"Ito nalang ang isipin mo ate. Lumiliit ang mundo mo at ni kuya Sam. Kailangan mong makapasok sa company ng tatay mo para maging safe ka." Sangayon naman ako sa sinabi ni Jhen pero hindi sa ngayon. Isa pa kapag pumunta ako sa ball na iyon ay gagawin niya lahat para hindi na ako makaalis sa puder niya. Ipapakilala niya ako bilang anak niya sa buong mundo. At may mga mayayamang tao sa mundo nila na ninakawan ko na. Paano kung mahuli ako? Mahuli kami?

Tumunog ang cellphone ko at may isang text na galing sa pamilyar na numero.

"Hindi ba't kay Joshua Salazar iyan?" Tanong ni Ivan kaya ngumiti ako. "At kilan pa kayo naging close?" Piss na naman siya at gustong gusto ko pag nangyayare ito dahil pikon siya.

"Since kahapon." Binuksan ko ang minsahe at para ito kay Jhen kaya ibinigay ko kay Jhen upang siya ang magbasa. Hindi niya pwedeng i-text si Jhen ng basta basta, dapat ay magpapaalam muna siya saakin. Diba, hawak ko sa leeg ang Joshua Salazar na iyon.

"He's inviting me as his date on the ball. Imbitado rin pala siya." Ani Jhen.

"So pupunta pala talaga ako sa ball. Either kasama kayo or kasama si Joshua."

Dating Mr. DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon