TRUST
"Tangina Heid! Hindi ka ba naiirita na kanina pa tumutunog 'yang cell phone mo?!"
Padabog na tumayo si Ivan mula sa sofa at pumasok sa kwarto niya.
"Parang ano talaga 'yong kuya mo." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at ibinalik ang tingin sa tv.
Sa totoo lang ay naka vibrate lang ang phone ko pero kanina pa kasi tawag ng tawag si Samuel kaya nakakairita na rin.
Isang araw na akong wala sa ospital at walang nakakaalam kung saan kami. Hindi alam ni Samuel na merong penthouse si Ivan kaya hindi niya talaga ako mahahanap. Hindi ko ba alam. Ayaw ko lang talaga siya kausapin.
"Ate pilit tayong hinahanap ni Joshua, anong gagawin ko?" Tanong ni Jhen habang naka harap sa laptop niya.
Nalala ko tuloy na meron dapat siyang ibibigay saakin. Sa ngayon ay ayaw ko lang munang humarap kanino man. Mas humirap pa ang buhay ko dahil maraming nakakakilala saakin na bago kasi hindi naman ganito lagi.
"Papuntahin mo na dito pero sabihin mo na kapag may nakaalam na nandito tayo ay ilalayo ka namin mula sa kaniya."
Ugr! Sumandal ako at tumingin sa itaas bago pumikit. Wala naman akong ginagawa nitong mga nakaraang araw pero nanghihina ako at parang pagod na pagod.
"Pupunta na raw siya dito. Pasok muna ako ate sa kwarto." Tumayo siya at pumasok sa kwarto niya.
Ugr!
Napatingin ako sa cellphone ko na tumutunog parin hanggang ngayon. Dahil sa inis ay kinuha ko ito at pinatay, ngayon ay hindi na makakatawag si Samuel. Pinatay ko ang tv at lumipat ng upuan kung saan tanaw ko tanawin ng mga building sa labas. Paano kong gumawa ako ng eksena at kunyare namatay ako pero hindi pala, magpapalit nalang ako ng pangalan at magpapakalayo.
"Heid!" Lumabas si Ivan mula sa kaniyang kwarto habang hawak ang cellphone niya, "Tatay mo!"
Matapos kong kunin ang cellphone niya at agad din siyang bumalik sa kwarto niya.
"Hello?" Sagot ko sa cellphone at sandaling walang nagsalita bago ko marinig ang boses ng tatay ko.
"Are you okay? Do you want me to give you security?"
Binalewala ko ang sinabi niya at huminga ng malalim bago magsalita, "Pwede ba tayong magkita?"
"Of course."
"I'll text you where and when, bye."
Tumayo ako at tinawag ang magkapatid.
"Sure ka na kaya mo na?" Tanong ni Ivan bago kami magumpisa kaya tumango ako. "Hindi ko malalaman ang sagot sa mga tanong ko kung wala akong gagawin."
Napatingin kami sa pinto ng may kumatok. Tumayo si Jhen upang pagbuksan ng pinto si Joshua, sakto dahil kakailanganin namin siya.
"What's up guys?" Umupo siya at inilapag ang dala niyang pagkain.
"Come here" tawag ko at agad naman siyang lumipat sa tabi ko na naguguluhan.
Sinapak ko siya kaya napatayo siya dahil sa gulat. "What the fuck is that for?!" Hawak hawak niya ang pisngi niyang namumula na.
"Now you are officially part of the group." Mukhang hindi naman siya babaliktad kaya tatanggapin ko na siya.
"Really?!" Parang biglang nawala ang sakit ng sapak ko. Tinignan niya si Ivan at naghintay ng sasabihin niya kung talaga bang parte na siya ng grupo.
"Tangna oo!" Inis na sabi ni Ivan.
"Nasaan iyong pinagawa ko sayo?" Mahabang panahon na ang ibinigay ko kaya imposible na wala parin siyang impormasyon.
"Si Dominico ay nasa South Korea, lumipad siya sa mismong araw ng ball. Hindi ko pa alam kung ano talagang koneksyon niya kay Sam pero bago lumipad si Dominico ay nagkita sila ni Sam."
Kailangan ko talagang malaman ano ang plano ni Samuel.
"Pagkatapos ng ball ay hindi pa nagkikita ang tatay mo at si Sam. Here," may ipinakita siya mula sa cellphone niya. "This restaurant is the meeting place of Dominico and Sam." Inilipat niya ang screen ng phone, "Sa tabi ng restaurant na iyan ay merong Italian restuarant kung saan naman ang meeting place ng tatay mo at si Sam."
Sumandal ako sa sofa upang magisip. Tangina ka Samuel, once na nalaman ko talaga ang plano niya patay siya saakin.
"Get on the server of those restaurants." Sabi ko at tumango naman si Jhen at kinuha ang laptop niya. Ngayon ay kailangan ko lang ng magandang plano.
"I can do that." Inilabas ni Joshua ang isang laptop mula sa backpack niya kaya nagkatinginan kaming tatlo.
"O-okay." Saad ni Jhen.
Pumunta kami sa likod upang makita kung ano ang ginagawa niya.
Napailing si Jhen ngunit hindi siya nagsalita. Hinayaan namin si Joshua na gawin kung ano mang gusto niyang gawin pero lumipas na ang ilang minuto at wala paring nangyayare.
"For pete's sake!" Umupo si Jhen sa tabi ni Joshua at nagsimulang pindutin ang keyboard ng laptop niya.
"You just need to do this, tapos dito..."
Natigil si Joshua at pinanuod naming tatlo si Jhen.
"Okay na ito at ito" inilapag niya ang laptop sa tabi niya, "Kailangan nalang nating maghintay ng mga 2 minutes para ma access natin ang server ng dalawang restaurant, kasama na rin dito ang mga kalapit na cctv sa lugar. Hindi mahahalata na na-hack sila kaya we're good to go."
"What the fuck dude?" Hindi makapaniwala si Joshua na nagawa iyon ni Jhen ng mabilis lang.
"Fine nagsinungaling ako. I am way better at this things than you. Hindi ka rin nakapasok sa server sa bahay, I let you in."
Natahimik kaming lahat pagkatapos umamin ni Jhen.
Awkward!
"Bakit ngayon mo lang ito sinabi? We could have done things together!"
Wow, hindi galit ang tono ng boses ni Joshua, masaya pa siya.
"Hindi ka galit?" Tanong ni Jhen at nanatili kaming tahimik ni Ivan.
"Why would I? My girl is on the same track as mine. I'm not mad, I am happy."
Na-realized ko na ibang iba si Joshua mula sa mga taong kilala ko. Ngayon ay alam ko na magiging masaya si Jhen sa piling niya.
"Hoy Joshua, pumapayag na ako sa relasyon niyo ni Jhen kaya dapat mo siyang alagaan."
Nabigla kami dahil sa sinabi ni Ivan. I did not expect that.
"Talaga kuya?" Ulit ni Jhen kaya tumango si Ivan. "Huwag mo ng ulit ulitin baka magbago isip ko."
Napatayo dahil sa saya si Joshua, "Salamat po." Yumuko siya sa harap ni Ivan na kinabigla ko.
Napansin niya kaya na naguluhan kami kaya ngumiti siya, "I'm half Korean, My name is Joshua Min-Salazar."
Kaya pala singkit siya.
"May properties kayo sa Korea?" Tanong ko at hindi niya alam kung sasagutin niya ba ito.
"Nevermind!" Siguro akala niya nanakawan ko siya, tch hindi no.
"Tapos na pala" tinutukoy ni Jhen iyong ginagawa niya sa laptop niya.
"Okay listen carefully lalo ka na Joshua, this is the plan."
BINABASA MO ANG
Dating Mr. Detective
ActionA con (Heid Mortez) reunited with the man who broke her heart in the past which is now a detective (Sam Rose). Still in pain, Heid seek for revenge to get even with Sam but he dated her but still considered it and used it for her plan. After many ca...