(15) POISON

10 2 0
                                    

POISON

"What the hell happened here?!" Natatarantang tanong ni Ivan.

Lahat ay tumutulong na para dalhin ang lahat sa clinic o 'di kaya ay bigyan ng paunang lunas. Mabuti at malaki ang clinic ng hotel kayang ipasok lahat ng nalason. Ang iba naman ay sinasabihan na lahat na wala na munang kakainin ng kung ano.

"Heidi! Lets go!" Hinila ako ni Samuel palabas ng clinic.

"We need to go to the control room of the restaurant. I've talk to the management and told them don't let anyone get out of this island" mahaba niyang sabi habang tumatakbo kami.

"The poison is in the corn and good thing you didn't eat yours" tumango nalang ako dahil sa sinabi niya. Tama naman kasi.

"What if Arniel Abelino is behind all this?" Nakapasok na kami sa restaurant at pinayagan naman kaming makapasok sa control room dahil alam ng management na detective si Samuel.

"Yes, but why?" Tama siya e. Bakit. What if... "What if he knows that you are after him" napatingin siya saakin.

"Big possibility" sagot niya bago umupo sa habang ng computer.

Tinignan namin ang kuha ng cctv at nagsimula ito nang umupo ang lalaki.

Nauna siya kaysa saamin ngunit matapos ng ilang sigundo at pumasok na kami ni Samuel. Hagip sa cctv ang pagtingin ko sa kaniya kanina ngunit matapos nito ay hindi na namin siya pinansin.

Mula sa bag niya ay may inilabas niya ang phone niya at parang mayka-text. Pero mali, hindi gumagalaw ang mga daliri niya. Mukhang may tinitignan lang siya.

Maya maya ay may kinuha siya sa bag niya ngunit mabilis niya itong itinago sa bulsa niya. Kami naman ay kumakain lang.

Tumayo siya at lumapit sa may counter. Kinausap niya iyong isang lalaki at itinuro naman nung lalaki ang pinto ng cr ng panglalaki sa gilid.

Umalis na siya at pumasok sa cr ng lalaki ngunit lumabas din siya pero nakasuot na siya ng uniform ng mga stuff at sumabay sa isang lalaking waiter papasok sa loob ng kitchen.

Inulit ni Samuel ang video nang pumunta sa counter ang lalaki at pinabagal ito. Bakit parang na cut iyong video? Inulit niya pa at pinagtuunan ko ng pansin ang time. Tama naman ngunit mali e.

Tinignan namin iyong kasalukuyang kuha ng cctv at late ang time niya.

Mukhang na cut ang video at ini-adjust ang time para kunwaring walang nangyari. Pero anong ginawa niya?

"Isa pa nga" ibinalik ulit ni Samuel iyong video at nung una ay may mapapansin kang tela sa gilid ng counter ngunit pagalis nung lalaki ay wala na.

"Paano iyan? Paano natin mahahanap iyong nawawalang part ng video?" Nagkibit balikat si Samuel dahil sa tanong ko.

Alam ko na! "Si Jhen, kaya niya iyan" napailing siya na parang may iniisip.

"Yes but, she'll get involve" Napatigil ako sandali.

"Kailan ka pa nagalala sa mga taong madadamay?" Diretsyo kong tanong habang tinatawagan si Jhen na pumunta sa kinakalagyan namin.

Dating Mr. DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon