EXTRA
It's been 3 months at nasa Baguio parin kaming apat. Na enjoy namin ang manirahan dito kaya nandito parin kami hanggang ngayon.
Bumili ako ng bahay at dito na nagpagaling kasama silang tatlo. Si Ivan naman dito na rin nagpatayo ng cafe at sa loob ng isa't kalahating buwan ay maganda naman ang takbo ng negosyo niya.
Si Jhen at Joshua naman ay laging nagpupunta sa Ilocos na hindi naman masiyadong malayo mula dito dahil naghahanap sila ng lupa na mabibili at gagawing farm.
Upang hindi ako maubusan ng pera ay nag invest ako sa company ng aking tatay at sa iba pa. Lagi din silang bumibisita dito at wala talaga akong choice dahil soon ay ako din ang hahawak sa mga business niya.
Sa totoo lang ay masaya ako dito, masaya ako ngayon. Ang ganda rin kasi ng panahon. Maganda din ang location ng nabili kong bahay kaya tahimik.
"Heidi, tara na!" Tawag saakin ni Ivan dahil sasamahan ko siyang mag pick-up ng stock niya sa cafe.
Dalawa lang ang tauhan ni Ivan sa cafe. Nagtra- trabaho din naman kasi siya doon at pati ako ay tumutulong sa kaniya. Walang bayad dahil nakakarami naman ako sa iced latte na benta nila. Sabi ng doctor ko ay maganda raw iyon na exercise kaya ginagawa ko na rin.
"Kumuha ka na kasi ng isa mo pang tauhan. Ang dami dami mong pera pero ang kuripot mo. Kahit na extra lang!"
Sasamahan ko na nga kasi siya, ako pa ang mag dra drive, tapos magbubuhat pa ako mamaya. Buti sana kung mabilis lang, ang traffic kaya. Tapos kailangang maaga dahil mamaya, uulan na.
Diba, all around niya akong tauhan tapos hindi man lang ako binabayaran. Palayasin ko nalang kaya siya sa bahay ko, pero siya pala ang taga luto namin kaya huwag na lang.
"Huwag kang magalala dahil may nakuha na ako. Dapat matagal na siya dito kaso may inasikaso muna siya pero mamaya darating na siya."
Hmm, ang laki ng kinikita ng cafe niya, gusto ko tuloy sumahod.
"Oy dapat ikaw ang magbayad para sa grocery natin mamaya. Tutal marami ka namang pera, okay?" Nasa sasakyan na kami pero hindi kami aalis hanggang sa hindi siya pumapayag.
"Oo na!"
Napangiti nalang ako bago itinuon ang atensyon sa daan.
Pagkatapos naming kumuha ng stock ay hinatid ko si Ivan sa cafe dahil kailangan kong bumili ng pagkain at stock namin sa bahay.
Kasama ko si Jhen at magkikita nalang kami sa SM. Wala si Joshua dahil may inasikaso siya sa Manila pero mamaya ay uuwi din siya. Nagmadali ako dahil magre-reklamo na naman si Jhen.
Nakakapagod ang bawat araw dito pero okay lang kasi masaya ako. Hindi ko inakala na magiging masaya ako sa isang lugar at nahanap ko ang saya na 'to dito. Nami-miss ko man minsan ang buhay ko Manila pero sa ngayon wala akong balak na manirahan doon. Ang ganda kaya dito.
Pagdating ko ay nakita ko agad si Jhen na naghihintay saakin. Mabilis akong pumunta sa kaniya upang maaga kaming matapos sa pamimili.
"Ate, bili muna tayo ng milk tea!" Bungad niya kaya tumango ako.
May binibilhan kami dito na sobrang sarap, ewan ko ba bakit sobrang sarap ng tinda nila doon.
Sa pinto ng shop ay may mga tao na papalabas kaya hinintay muna namin sila bago pumasok pero agad akong napatigil ng makasalubong ko ang isang lalaki.
BINABASA MO ANG
Dating Mr. Detective
ActionA con (Heid Mortez) reunited with the man who broke her heart in the past which is now a detective (Sam Rose). Still in pain, Heid seek for revenge to get even with Sam but he dated her but still considered it and used it for her plan. After many ca...