(27) TRUTH

6 2 0
                                    

TRUTH


"I am mad at myself for not able to save her."

"Don't blame yourself man, walang gusto ng nangyare. She'll wake up soon."

"I need to go, call me when she wake up."

Narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya umupo ako.

"Heid! Dalawang araw ka ng gising pero ayaw mo parin ipaalam sa iba!" Reklamo ni Ivan na napaupo sa sofa dito sa hospital room.

Kaaalis lang ni Samuel at gaya kahapon ay nagpapanggap akong tulog tuwing dadalaw siya o kaya may ibang tao na dadalaw.

Maliban sa mga doktor na kinausap ko na ay si Ivan at Jhen lang ang nakakaalam na gising na ako. Hindi naman talaga ako hinimatay o nawalan ng malay, natulog lang ako at naisip na magkunwaring hindi pa nagigising upang hindi sila makausap.

"Forget everything and run away with me. Sinabi niya iyon saakin." Kwento ko kay Ivan saka ngumiti.

"Tanga! Dapat naging makasarili ka at pumayag sa alok niya. Daan mo na 'yun palabas sa lahat ng ito. Bakit ka hindi pumayag?"

Sabi ko na nga ba magiging ganito ang reaksyon niya. "Natakot ako." Naging mahina ako at hindi ko alam ang gagawin.

Bumukas ang pinto at pumasok si Jhen na may dalang pagkain at newspaper kaya natigil ang usapan namin ni Ivan.

"Ate, alam na ng lahat kung sino ka. I mean nagkagulo nga pero, naglabas sila ng statement at sinabi na dapat ay ipapakilala ka kaya alam na ng lahat."

"Ngayon 'di ka na talaga makakaalis." Saad ni Ivan pero hindi ako kumibo.

"Huh? Saan ka pupunta ate?" Tanong ni Jhen dahil wala siyang alam sa usapan namin kanina ni Ivan.

"Gusto ko mag Europe tour kaso baka magulo lang ito dahil sa nangyare." Hindi naman importante na malaman iyon ni Jhen sa ngayon.

"Hay naku!" Umupo si Jhen sa tabi ng kuya niya "Nakakapagod din pala ng ginagawa natin." Dagdag niya.

"Tumigil na kaya tayo?" Tanong ko sa dalawa at hinintay ang mga reaksyon nila.

"Hindi ka pa naman tapos sa plano mo kay Sam, paano ka titigil?" Tanong ni Ivan.
"Hindi ka rin naman namin kayang pabayaan magisa." Dagdag ni Jhen.

Pagod na pagod na ako. Gusto ko nalang mawala. Kaso paano?

"Hey guys!"

Hindi kami nakagalaw dahil sa pagbukas ng pinto at pagpasok ni Joshua.

Fuck!

"Ate? Gising ka na? Sabi ni Sam hindi ka parin gising."

Bwesit talaga sa buhay si Joshua. Fuck him!

Hinila siya ni Jhen papunta sa gilid at malamang wala na kaming choice kung 'di sabihin sa kaniya na hindi naman talaga ako mawalan ng malay.

"Iligpit nalang kaya natin si Joshua?" Seryoso si Ivan at sangayon ako. Gusto ko ngang mawala na si Joshua sa mundo.

"Makakahanap pa naman siguro si Jhen ng mas matinong lalaki." Dagdag ko at tumango tango. Kailangan ko nalang gumawa ng plano paano mawawala sa mundo si Joshua.

"Oh no no no! Hindi niyo ako pwedeng iligpit, you need me!" Saad ni Joshua na narinig pala ang usapan namin ni Ivan.

"Bakit ka naman namin kailangan?" Sa totoo lang ay masyado siyang maraming alam. Mahirap man siya iligpit ay magagawan ko ito ng paraan.

"Kaya kong alamin ano ang connection ni Sam at Dominico, pati na rin ang tatay mo."

Maganda nga iyong sinabi niya kaso lang, "Kaya ko namang gawin iyan, bakit ko kailangan ng tulong mo?" Pinanliitan ko siya ng mata at naghintay ng sasabihin niya. Ngayon ay hindi siya mapakali dahil wala siyang masabi.

"Um... Mas mabilis kong malalaman anong intensyon ni Sam. Ako rin ang bahala sa kaniya, kung gusto mo siyang iligpit, gagawin ko. Kung ayaw mo parin itatanan ko si Jhen at lalayo mula sa inyo!"

"Aba gago ka, barilin kaya kita!"

Tumakbo si Joshua papunta sa likod ni Jhen para makalayo mula kay Ivan na handang saktan siya dahil sa huli niyang sinabi.

"No you can't hurt Samuel, he's more than you expect him to be." But one thing is for sure, kaya ko si Samuel dahil hindi na ako iyong dating Heidi na kilala niya.

"So, am I in?" Tanong ni Joshua kaya tinignan ko siya.

"Figure out kung nasaan si Dominico at alamin mo kung ano ang ginagawa niya."

Mukhang wala namang masamang balak si Joshua at magagamit ko siya, pero dapat ay hindi parin ako buong magtiwala.

"Okay!" Excited niyang sigaw bago yakapin si Jhen.

"One more thing, bukas ay dapat alam mo na lahat ng iyan."

Nagulat siya at alam ko na hindi ganon kadali mag hanap ng impormasyon kaya imposible ang pinapagawa ko.

"Hindi mo kaya?" Tanong ko pero umiling siya.

"I can." Nagaalanganin niyang sagot.

"May gagawin pa pala ako kaya aalis na ako. Bye Jhen." Yinakap niya muna si Jhen bago tuluyang umalis.

"I don't really like that man. Ituloy na natin ang plano, iligpit natin siya!"

Napasandal ako sa headboard ng kama.

"Walang planong masama si Joshua, sigurado ako doon. Gagawin niya lahat para mapasama saatin." Saad ni Jhen.

"Sinabi mo ba kay Joshua lahat?" tanong ko sa kaniya.

Hindi siya agad nakasagot pero sa huli ay tumango siya. "Pero hindi lahat lahat, alam niya lang na may kinalaman din ako sa mga ginagawa natin pero hindi niya parin alam na mas magaling pa ako sa harap ng computer kaysa sa kaniya. Hindi ko man siya ganon ka kilala, sigurado ako na hindi siya kalaban."

Tumango nalang ako, "Okay."

Bumuntong hininga si Ivan kaya napunta sa kaniya ang atensyon namin. "Pero isa parin siyang Salazar at ang ibig kong sabihin ay imposible na makuha natin ang tatay niya. Kaya niya kayang talikuran ang tatay niya? Kaya niya kayang talikuran ang sarili niyang pamilya para sayo."

Hindi nakasagot si Jhen.

May punto doon si Ivan. Alam ko na gusto rin ni Jhen si Joshua at malamang kaya gustong sumama ni Joshua saamin ay dahil kay Jhen.

"Huwag na muna natin pag usapan ito ngayon. Kumain na muna tayo at mamaya ay uuwi na tayo, bagot na ako dito."

Inayos ni Jhen ang pagkain habang si Ivan ay nanatiling nakaupo sa sofa. Tumayo naman ako upang makapag stretching bago ulit umupo sa kama.

"Paano pala si Samuel? Magtataka iyon, lalo pa't gabi na. Ano iyon kagigising mo palang uuwi ka na agad?" Ani Ivan.

"Ako ng bahala doon, sa ngayon ay huwag muna natin isipin ang bagay na iyan. Kumain nalang tayo."

Dating Mr. DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon