(33) END OF THE DAY

11 2 0
                                    

END OF THE DAY

Hindi nagtagal ay may dumating na doktor. Marami akong natamong sugat dahil sa aksidente at kabilang na ang paa ko.

Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi ko parin nakakausap sina Ivan at wala akong alam kung ano bang nangyayare. Sabi ni Dominico hindi pa ako pwedeng umalis sa bahay niya dahil inaayos niya muna ang negosyo ng pamilya niya. Gusto ko mang umalis na pero hindi ko magawa dahil hindi ako makatayo. Sa tatlong araw na lumipas ay nakahiga lang ako, hindi nagpumilit na lumabas o 'di kaya ay gumalaw galaw dahil mas gusto kong lumakas na ako kaagad.

Bumukas ang pinto kaya nabaling ang atensyon ko dito.

Lumapit si Dominico at saglit na ngumiti saakin. "How are you?" Tanong niya.

Isang araw ko na rin kasi siyang hindi nakikita. "Salamat talaga Dominico, pero hindi ko ba pwedeng malaman man lang kung nasaan sila Samuel?"

Alam ko sabi niya dadalhin niya sila sa safe house niya, pero si Jhen at Joshua hindi ko alam kung nasaan sila at malamang nagaalala na sila.

Umupo siya sa gilid ng kamang hinihigaan ko. "Sam and Ivan are safe, nasa safe house ko na sila. Ivan is freaking out at hindi siya mapakalma kaya they locked him up on a room. Hindi pa gising si Samuel kaya kahit na anong pagpapaliwanag ang gawin ko ay hindi siya naniniwala. As for Jhen and Joshua, I'm trying to trace them but I can't. Akala nila ay may ginawa na akong masama sa inyo."

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin, malamang hinahanap na ako ni Dad at sigurado ako na nagpatulong na si Joshua at Jhen kay Mr. Salazar. Ang gulo!

"Don't worry, let me fix things up and after that, matatapos na lahat," sabi niya habang tumatango-tango. "Magpalakas ka agad." Tinapik niya ang braso ko bago tuluyang umalis.

Sa pagsara ng pinto ay itinuon ko ang atensyon sa paa ko. May cement brace ang kaliwang paa ko pero medyo okay naman na ako. Sabi ng doktor ay matatagalan bago ako ulit makalakad, imbes na malungkot ako ay mayasa ako dahil alam ko na makakalakad pa ulit ako. Ang mga sugat naman sa katawan ko ay unti unti ng naghihilom.

Ibinaba ko ang dalawang paa ko sa tulong ng kamay ko upang subukang tumayo ngunit hindi ko pa man nagagawang bumitaw sa hawak ko sa kama ay napaupo na agad ako.

Fuck!

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae, sa tingin ko siya ang kapatid ni Dominico.

Sandali niya akong pinagmasdan hanggang sa umalis din siya. Napailing nalang ako at sunubukang tumayo ulit pero nabigo parin ako.

Napatigil ako dahil bumalik iyong babae at may tulak tulak siyang wheelchair. Walang nagsasalita saamin hanggang sa tulongan niya akong umupo sa wheelchair.

Ayaw ko sana gumamit ng wheelchair pero wala naman akong choice kaya okay na rin 'to.

"Don't worry, hindi naman ibig sabihin na naka wheelchair ka ay hindi ka na makakalakad ulit. Hindi naman porket humingi ka ng tulong ay mahina ka na, minsan napagod ka lang."

Ngumiti siya at binuksan ng malaki ang pinto bago pumunta sa likod ko upang maitulak ang inuupuan ko.

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero pinili kong hindi na magtanong.

"Ako nga pala si Heidi," pakilala ko sa sarili. "Anong pangalan mo?" Tanong ko habang nililibot niya ako sa buong mansion.

"Tina."

Dating Mr. DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon