DEAL
Nakadapa ako saaking kama habang nakatingin sa labas ng bintana. Anong oras na pero madilim parin ang paligid dahil kagabi pa hindi humuhupa ang ulan.
Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto pero hindi ako gumalaw. Bumukas ito at sigurado ako na si Ivan ang pumasok at umupo sa gilid ng kama.
"You still not okay, huh?"
He just know me so well, alam niya na hindi ako tulog kaya tumango ako.
Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko habang hinahagod ito.
Kinagat ko ang ibabang lips ko para hindi lumabas ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"It's okay, just cry," I heard him hissed.
"Call my father and tell him everything, I have nothing else to hide." Nanatili kami sa ganong posisyon ng ilang minuto habang walang nagsasalita.
"We are now free, I should be happy, right?"
Inalis ni Ivan ang kamay niya sa likod ko kaya hinarap ko siya.
"Yes we are indeed," ngumiti siya ng mapait saakin.
"Please don't be sad," ito ang nasabi ko. I don't even know how did I manage to tell him that tapos nakikita niya akong malungkot.
Kinuha niya ang kamay ko, "You are too kind to be in this world," he smiled, genuine smile. "This world is too cruel to you. You don't deserve anything this bad."
Siguro sobrang sama ko na talagang tao para mapahirapan ng ganito.
"Everything is over and I lost. As I promised, when everything is over you can live the life that you want."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya, "I'll come back later. Let's talk when you feel better."
Hindi ko na siya tinignang umalis, humiga ako ulit at niyakap ang unan ko bago pumikit.
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa baba. Nanghihina man ay bumangon ako dala dala ang comforter na ibinalot ko sa nilalamig na katawan ko. Umuulan parin at sigurado ako na may ibang nangyayare sa baba dahil rinig ko ang ingay mula dito sa kwarto ko.
Kumuha ako ng baril mula sa walk-in closet ko bago lumabas ng kwarto.
Mabagal akong naglakad at salamat sa railing ng hagdan kaya madali akong nakababa. Pagpasok ko sa living room ay natigil ako, bakit ang daming tao dito sa bahay ko?
Si Ivan hawak hawak ang kwelyo ni Joshua at may dalawang lalaki na nakatutok sa kanila. Si Jhen naman ay nasa gilid at umiiyak.
Napunta sa isang tao ang tingin ko at kay Mr. Salazar ito na nakaupo sa sofa. Bakit nandito ang tatay ni Joshua?
Nagulat ako dahil sa nadatnan ko pero nagulat din sila na nakita ako. May tatlong lalaki ang lumapit saakin at tinutukan ako ang baril. Walang nagawa ang ginawa nila dahil hindi naman ako takot mabaril.
Naglakad ako papunta sa sofa at umupo, ngayon ay magkaharap kami ni Mr. Salazar.
Inilabas ko ang baril na hawak ko at inilapag ito sa center table.
"Ano bang nangyayare?" Tanong ko at isang ngisi ang natanggap ko mula kay Mr. Salazar.
"Nice too see you again Ms. Mortez. Pagkatapos mo akong nakawan ngayon naman gusto mong kunin ang anak ko?" Seryoso siya kaya tumango ako.
BINABASA MO ANG
Dating Mr. Detective
ActionA con (Heid Mortez) reunited with the man who broke her heart in the past which is now a detective (Sam Rose). Still in pain, Heid seek for revenge to get even with Sam but he dated her but still considered it and used it for her plan. After many ca...