IVANNA POV's
Nasa hospital kami ngayon dahil o-operahan daw si dad, tinamaan kasi siya ng bala malapit sa puso niya ... jusko po god huwag niyo po pababayaan si daddy, gusto ko pa po siyang makasama please...
Nakaupo lang ako dito sa labas ng operating room at umiiyak kanina pa, kasama ko ang mga pinsan kong hindi ko na kilala, ewan ko ba simula n'ong mangyari kanina ay hindi parin maiprocess ng brain ko ang scene, i'm still unbelievable and shocking at the moment kaya nga dahil doon ay hindi ko parin sila kinakausap.
Si mommy naman ay nasa private room na dahil hindi naman masyadong malalim ang sugat na tinamo niya but! she's comatose now! dahil nauntog daw kasi si mommy sa lamesa kasabay ng pagkabagsak niya sa sahig.God help me please.. i can't handle this anymore. After one hour ay lumabas narin ang doctor kaya biglang kaming napatayo.
"Ah family member?" Doctor said.
"Ako po, anak po ako ng pasyente, daddy ko po siya" oo na! I'm just clearing it..
"Ah ok po, naging success naman ang operasyon ng daddy mo" hayss mabuti naman kung gano'n... nakahinga narin ako ng maluwag "mabuti nalang ay naisugod niyo agad siya sa hospital dahil maraming dugo ang nawala sa kaniya ----- but we still not sure if he is okay, hindi natin alam kung magkakaroon ng reaction ang katawan niya after the operation -------- so we need to check it again later if there's something wrong in the operation, dahil nahirapan din kaming tanggalin ang bala malapit sa puso niya at mabuti nalang malakas ang puso ng dad mo kaya nakayanan niyang labanan ang operasyon." What!! Akala ko kay na? Ang gulo ni doc. Ah nakakainis naman huhuhu sana maging okay na si dad "but today ililipat na namin siya sa private room at doon namin siya iche-check, if you may excuse"
"Salamat doc." Sabi ko pero tulalers parin ako.
"Don't say that, ginagawa lang namin kung ano ang trabaho namin, o sige p'wede mo nang puntahan ang dad mo" sabay tapik niya sa balikat ko at ngumiti at saka umalis.
"Ughhh!" Sigaw ko kaya naman nagulat ang mga pinsan ko "what the hell is really happening!" Sabay turo ko sa kanila "at kayo! sabihin niyo nga sa akin ang totoo! Kasi gulong gulo na ako" sabay napaupo ako at niyakap ang mga tuhod ko habang umiiyak "hindi ko na alam ang gagawin ko!"
"Uris" sabay lapit ni liam at umupo sa harapan ko para mag pantay ang paningin namin "nandito lang kami ng mga pinsan mo hindi ka namin pababayaan"
"No" bulong ko "No! Ano ba kasing nangyari eh sabihin niyo nga! sino ba talaga kayo? Mga pinsan ko pa ba kayo!" medyo kalamado kong sabi.
"Oo kami parin naman to uris" sabi ni amira "huwag kang mag-alala pag babayaran din nila ito sa ginawa nila kay tita at tito at hindi ko rin sila mapapatawad!"
"Teka nga kasi! kanina ko pa kayo tinatanong kung ano ba talaga ang nangyari! can someone care to explain? "hindi parin sila sumasagot "please guys, kasi hindi ko na alam talaga masyado akong taga bundok para maitindihan ang mga language niyo, sige nga! sabihin niyo dali! bago pa mag init ang ulo ko"
"Uris, ah kasi ang totoo n'yan ano... ah.." si courtney.
"Ano! Eh ano! Yun nalang ba ang alam mong salita!"
BINABASA MO ANG
HATRED PROMISES
ActionDo you hate people who promise to you?, But they didn't?, What will you do if someone did that to you?.. Are you going to hate it? Or are you going to give him/her a second chance. Isang babae ang umaasa na sana kapag nangangako ay tinutupad at gina...