DASH POV's
*Knock knock*
Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Bubuksan ko na sana ang pinto pero hindi ko magawa dahil sa hindi ako makatayo. Ang bigat..ang bigat ng pakiramdam ko at sabayan mo pa ng bigat ng nararamdaman.. dito.. dito sa puso. Masakit..Nanlulumo ako lalo at nanghihina ang mga tuhod ko. Pero pakiramdam ko ay may kakaibang lakas ako upang manakit ng tao sa oras na ito. Gusto kong sugurin!, sugurin ang lahat ng mga taong humadlang sa amin ni ivanna kanina, nakakainis! naiinis ako sa sarili ko. Feeling ko anytime bubuhos na naman ang mga luha ko. Napahilamos nalang ako ng mukha ko at sabay dahan dahan na tumayo para buksan ang pinto.
"Mom"
"Baby, bakit ang tagal mong e open ang pinto?. May nangyari ba?, tell me"
"Mom masakit lang po 'yung katawan ko" at lumapit sa akin si mom at sabay hinawakan ang noo ko at leeg.
"Oh my ghad. Bakit hindi mo sa akin sinabi! Tignan mo ang init init mo. Halika at humiga ka na, idadala ko nalang ang dinner mo at medecine para makapag pahinga ka na"
"Thanks mom"
Maya maya ay bumalik na s'ya na may dalang pagkain at gamot. After kong kumain at uminom ay nagpahinga na ako at natulog..
KINABUKASAN....
Nagising ako mula sa sikat ng araw na nanggagaling mula sa bintana. Parang ayaw ko pang pumasok, tinatamad ako at hindi ko pa kayang harapin si ivanna.
*KNOCK KNOCK*
"Baby, are you awake?"
"Yes mom come in"
"Orville hindi ka ba papasok?"
"No mom, masama parin po ang pakiramdam ko"
"Oh, gusto mo bang mag pa check up tayo?"
"No need mom. I just need to rest"
"O sige ipapaalam nalang kita kay lola mo na hindi ka muna makakapasok dahil may sakit ka"
"Sige mom. Pakisabi narin sa kanila louis na absent muna ako ng mga ilang araw"
"Mga ilang araw?, why?. Baby be honest nga, may problema ba kayo ni baby rissy?" Dahil sa tanong ni mom ay napaiwas na lang ako ng tingin. "Baby, napapansin kong lagi ka nalang umiiyak. Alam kong may problema ka dahil nararamdaman ko bilang isang ina mo. Galing ka sa akin, dito" sabay turo n'ya sa t'yan n'ya "kaya sabihin mo sa akin kung ano 'yon at handa akong makinig" Bumuntong hinga muna ako bago ko ikinuwento kay mom ang lahat ng nangyari kahapon. Pero habang ikinuk'wento ko 'yon ay hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko, kaya naman agad ko nalang ito pinunasan. Ayaw kong makita ako ni mommy na nag kakaginito, pero hindi ko talaga mapigilan e, sobrang masakit kasi.
"Baby tahanan na" habang hinahagod ang likod ko.
"Mommy masakit kasi e. Hindi ko naman talaga sinasadya na masktan s'ya"
BINABASA MO ANG
HATRED PROMISES
AçãoDo you hate people who promise to you?, But they didn't?, What will you do if someone did that to you?.. Are you going to hate it? Or are you going to give him/her a second chance. Isang babae ang umaasa na sana kapag nangangako ay tinutupad at gina...
