"CHAPTER 70: UNEXPECTED"

238 33 1
                                        


IVANNA POV's

Nasa likod ako ngayon ng school at nakikinig lang ng music. Gusto ko kasing mapag isa muna dahil anytime sasabog na itong utak ko sa kakaisip. Ano bang gagawin ko sayo natsu!, bakit ba ang hirap hirap mong hindi patawarin?. Sa tuwing nag mamakaawa ka sa akin ay bigla nalang akong lumalambot. ARGH! Hindi naman ako ganito e. 

*RING.. RING..*

Amira calling...

"Ye?"

"Uris, pumunta ka ngayon mismo sa resto bar mo nandito kami ni liam at brent. May sasabihin kami sayo at importanteng importante ito"

"Tungkol saan?"

"Sa mga Espiritu"

"Espiritu?. Sino 'yun"

"Tsaka na namin sasabihin kapag nandito ka na"

"Ok, papunta na ako"

*toot toot toot*

Tumakbo na ako patungo sa motor ko at mabilis na sumakay papunta sa resto bar.

RESTOBAR....

"Biglaan naman yata ang pagtawag n'yo sa akin?, at sinong Espiritu?" Agad na tanong ko bago tuluyang maupo sa harapan nila. Binigyan nila ako ng juice at agad kong sinunggaban iyon. Hindi ko kasi alam pero kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Pero may kutob akong kilala ko na kung sino ang tinutukoy nila, pero mahirap ding manbintang kung wala namang ebidensya. 

"Ahem!" Amira clear her throat first at sabay ipinatong ang kanang siko sa lamesa at saka tinuon doon ang kanyang noo na para bang anytime ay sasabog na ang utak n'ya sa kakaisip o dahil sa sobrang bigat ng problema. Bumuntong hinga muna s'ya  bago tumitig sa akin na animong hindi malaman kung saan mag uumpisa.

"What is it amira?, tell me, now."  Hindi na ako makapag antay sa sasabihin n'ya, gusto ko na talagang malaman ang lahat para hindi na ako mahirapan pa, pero sa hindi malaman na kadahilanan ay mas lalong tumindi ang kaba ko sa dibdib ko dahil sa reaksyon na pinapakita nilang dalawa.

"Espiritu"

"So who the hell is that?!" inis na sabi ko dahil kanina pa ako naiirita.

"Ang pamilyang seong..." bumuntong hinga s'ya matapos bitinin ang sasabihin.

"Seong? Diba sila carie 'yon?" Then she nod. Aha! I knew it!. "Pero what do you mean?, Espiritu?"

"Espiritu ang tunay nilang apelyido. Ang kanilang ama ay si Don Pablo Francisco Rodriguez Espiritu . Ang kanyang esposa ay si Doña Martina Fernandez- Espiritu. Mga nakatira sila sa spain pero may dugong pinoy . Ang pamilya nila ay isa sa mga mayaman o kilala sa bansa, subalit nang mag daang araw ay nagkaroon ng isang malaking issue na s'yang ikinamatay ng esposa nito"

"So do you mean is.. his wife is dead?"

"Yes" 

HATRED PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon