CHAPTER 96: WE MEET AGAIN

108 8 2
                                    

DASH POV's



Agad akong nagising ng biglang may narinig akong isang putok ng baril.

"Dash! Tumakbo ka na!" Sabi ni Ivanna. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Bakit?! At tsaka ano ba ang nangyayari? Bakit may narinig akong putok ng baril--- Damn!" Muntikan na ako doon ah! Wew!.


"Aish! Sabi ng umalis ka na eh! Gusto ka nilang patayin!" Sigaw niya pabalik sa akin habang may binabaril s'ya. Nandito pa pala kami sa kuwarto ko sa hospital. Nakita ko naman si mommy na umiiyak sa ilalim ng lamesa kaya agad ko siyang pinuntahan. Lalapit na sana ako sa kaniya ng biglang...

*BANG!*


*BANG!*


*BANG!*



"Shiii--- BABE!" Sigaw ko at agad siyang niyakap. "Shit! Babe! Please wake up!  Don't leave me please.... Babe! Oh come on! Wake up! D-don't close your eyes please..." Naiiyak kong sabi. No! Hindi siya p'wedeng mamatay! Bubuo pa kami ng isang pamilya! Papakasalan ko pa siya at siya ang magiging mommy ng mga anak ko at wala ng iba!



"What's happening here?!" Sigaw ni Harry ng makita kami. Mukhang wala ng mga kalaban kasi wala na akong narinig na mga putukan sa labas.



"Si red nasaan--- RED!" Sigaw naman nila Amira at Courtney.



"B-babe..." Rinig kong sabi ni Ivanna.


"Babe! Please don't leave me okay? Parating na ang mga doktor kaya huwag kang pipikit..." Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko matapos kong marinig mula sa kaniya ang salitang iyon.. "Babe"


"Hindi na yata ako aabot b-babe.. nanghihina na a-ako.."



"No b-babe! Hindi mo ko iiwanan! H-hindi ko kakayanin..." Umiiyak na sabi ko. Nagulat ako ng bigla niyang haplusin ang aking mukha.


"K-kakayanin mo... Ipangako mo sa a-akin d-dash.. na kahit wala na ako.. ay makakaya mong maka move o-on.. makakahanap ka rin ng taong magpapasaya sayo... Taong kayang higitan pa ang pagmamahal ko s-sayo..."



"Hindi.. huwag kang mag sabi ng gan'yan. Sana kasi hindi mo nalang sinalo ang bala na para dapat sa a-akin!... K-kasalanan ko 'to eh.. dapat ako 'yong natamaan! Ako naman ang pakay nila kaya dapat ako nalang ang n-n-namatay.."


"Baby oh my g-god!" Iyak na sabi ni mommy at niyakap ako.



"It's okay dash... I already forgive you.. kahit na ilang beses mo na a-akong sinaktan ay pinapatawad parin k-kita.. kasi gano'n kita kamahal.." nanghihingalong sabi nito habang umiiyak.



"Mahal din kita babe.. please huwag mo kong iwan okay? Papakasal pa tayo.." Tanging ngiti lamang ang kaniyang sinagot sa akin at naramdaman ko nalamang na unting-unti bumitaw sa pagkakahawak sa aking mukha si ivanna at doon na ako napahagulhol ng malakas.



"No! Please! Ivanna wake up!"



"URIS!" At nag silapitan naman ang mga pinsan ni ivanna sa akin samantalang si Liam naman ay agad na tumawag ng doctor.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HATRED PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon