DASH POV's
Hindi talaga ako makapaniwala na gagawin ni ivanna 'yung bagay na 'yon.
Whuaaaa hinalikan n'ya akoooo!!!
♡_____♡
d-_____-b
Pero sa hindi inaasahan, may mga unggoy na naman ang susulpot sa harapan ko. Mabuti nalang nanjan si babe para tulungan ako, aish! Kailangan ko na talagang mag aral ng martial arts. After n'ya akong tulungan ay lumapit ako sa kanya at niyakap ko s'ya.
"Sorry na babe" sabi ko at inamoy ko ang buhok n'ya hmm ang bango talaga ng bebe ko. Nakita ko s'yang namula hahaha ang cute cute n'ya talaga, kaya ang sarap n'yang asarin eh.
"Pag pasensyahan mo muna ang boyfriend mo kung lampayatot. Hayaan mo mag aaral na talaga ako ng taekwando para ako naman ang mag proprotekta sayo" sabay amoy ko naman sa leeg n'ya. Grrr! Ang sarap n'yang halikan!. Nakakaadik naman ang amoy nito.
"Whuaaa! Bitawan mo nga ako!. Manyak!" Sabay takbo n'ya papalayo sa akin.
"Hahaha ang cute mo talaga babe kapag namumula ka hahaha. Babe! Antayin mo naman ako!" Habol ko sa kan'ya at napansin kong binagalan n'ya ang pagtakbo. Babe talaga nag papakipot pa eh.
"Tse!" Sigaw n'ya sa akin. Hahaha napansin n'ya siguro na may mga nakatingin sa amin, pero wala akong paki basta ang mahalaga ay kasama ko ang pina ka cute na nilalang hahaha at hindi lang 'yun hot and sexy pa whitwew!, o asan ka pa hahaha. Nice ass babe!. Nang maabutan ko na s'ya ay bigla ko s'yang inakbayan.
"Babe!" At bigla nalang s'ya na pa facepalm hahaha nahihiya siguro s'ya "babe! Masanay kana kasi na may boyfriend kang napaka sweet" pag mamayabang ko.
"Wow! Ang lakas yata ng hangin dito. sweet in your face!"
"Babe naman ang brutal mo talaga sa akin kahit kailan" sabay nag pout ako.
"Yak!, h'wag ka ngang ngumuso! Sabi ko sayo nag mumukhang ass ng baboy eh!"
"Grabeh ka naman sa akin babe!, sa g'wapo kong ito? Ay tinatawag mong ass ng baboy?. Tss ang g'wapo ko kaya masyado para tawagin akong ganyan"
"Wow, nag salita ang mahangin. Teka nga! Tanggalin mo nga 'yang kamay mo ang daming nakatingin oh!. Baka mamaya pag fiestahan pa ako ng mga tao dito.E tignan mo kasi o halos kung makatingin sa akin ay parang kakainin ako ng buhay"
"Hahaha hayaan mo sila, at tsaka subukan ka lang nila galawin ay malilintikan sila sa akin at ako ang makakalaban nila"
"Tch, whoa may pinag mamayabang karin pala"
"S'yempre ako pa hahaha"
"Ewan ko sayo!. Jan ka na nga! At pumasok ka na sa classroom mo"
"Hatid na kita"
"Hindi na, ako nalang pala ang mag hahatid sayo"

BINABASA MO ANG
HATRED PROMISES
AksiyonDo you hate people who promise to you?, But they didn't?, What will you do if someone did that to you?.. Are you going to hate it? Or are you going to give him/her a second chance. Isang babae ang umaasa na sana kapag nangangako ay tinutupad at gina...