IVANNA POV's
Pagkababa ko ng motor ay agad akong napataas ng kilay. Mukhang may ibubuga din pala itong kaibigan ni liam.
Sabay kaming pumasok nila amira sa isang malaking bahay na abandonado na pero bago 'yun ay biglang huminto si liam.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ahem!. Ah bago kayo pumasok bibigyan ko kayo ng isang history tungkol sa baha na ito hehehe"
"Magsasayang ka lang ng laway!"
"No. Kailangan n'yo muna malaman ang tungkol dito sa bahay bago pumasok"
"Okay, bilis" may mga inilabas s'yang mga litrato tungkol sa bahay.. hmm parang bago lang ah.
"So ito, may mga litrato ako ng isang ‘di alam na abandonadong bahay na kumalat sa urban explorer community."
"So do you mean, walang nakakaalam ng bahay na ito?"
"Yes. Kaya nga dito nag punta ang kaibigan ko para magtago"
"Magtago? Hindi naman s'ya kriminal diba?"
"Ano ka ba hindi, what i mean is dito s'ya nag tatago dahil dito lang s'ya nakakabenta ng mga armas. Marami kasing nanghuhuli ngayon sa kung sino man ang nag bebenta ng mga pinag babawal na armas. Kaya this is so private"
"Teka paao mo naman s'ya naging kaibigan?"
"Since high school"
"Owwwkie"
"Ito nga pala ang mga litrato na naging sikat dahil, ‘di kagaya ng ibang mga inabandonang bahay na lahat ay magulo at puno ng mga sirang gamit, ang bahay na ito ay maayos pa ang lahat na parang iniwan lang ito kahapon ng may-ari. Ang photo series na ito ay tinawag na “The Abandoned Time Capsule House.”
"Oh, akala ko ba private to, e bakit naging sikat?"
"Oo naging sikat s'ya pero pansamantala lang dahil karamihan ay natatakot at hindi makapaniwala na may ganitong bahay pa pala ang nag eexist hahaha"
"Tapos?"
" 'Yun nga kakasabi ko palang na pumukaw ito ng maraming interes sa komunidad, pero ang lokasyon ng lugar ay pinanatiling sikreto. Kaya naman, ang Freaktography ay napilitang hanapin ang lokasyon ng bahay. Dahil sa masuring imbestigasyon, ang camera man ng Freaktography at ang kanyang kaibigan na naging kaibigan ko rin ay nahanap ang abandonadong residence at ang mga litratong nakuha nila ay nakakapangilabot pero ito ay nakakaagaw pansin. Ngunit, ang estorya ay may surprising twist."
BINABASA MO ANG
HATRED PROMISES
ActionDo you hate people who promise to you?, But they didn't?, What will you do if someone did that to you?.. Are you going to hate it? Or are you going to give him/her a second chance. Isang babae ang umaasa na sana kapag nangangako ay tinutupad at gina...
