CHAPTER 88

208 6 0
                                        

DASH POV's

Inis akong sumakay ng kotse ko--- hindi ko talaga maitindihan kung bakit lumipat pa ng school si titus. May sarili naman silang school.May kutob din ako na may binabalak s'yang masama---lalo na kay ivanna---at 'yun ang di ko hahayaang mangyari. Bago pa n'ya magawa 'yun ay uunahan ko na s'ya.

Mabilis akong nakarating sa mansyon. Pagkapasok ko ay nag taka naman agad ako dahil abala ang lahat sa mga gawain. Si mommy naman ay nakita kong nakaupo sa sofa at may kausap sa phone. Si daddy naman ay busy din---sa phone. 

Nakakapagtaka naman yata? May bisita ba kaming darating?. Wala namang sinabi sa akin si mommy at daddy ah. Kahit si noona rin ay abala sa pag aayos ng mga design sa bahay. Teka ano bang ganap?. Yung mga uncle and aunte ko naman ay nasa korea pa at saang sulok man ng bansa---wala naman silang sinabi na pupunta sila dito.Maybe their business partner? Baka nga. 

"Hi! Mom, hi dad, hi! Noona. Anong meron today? At lahat kayo ay abala?"

"Oh my dear" yakap sa akin ni mommy sabay halik sa pisngi. Kakatapos lang siguro nilang mag usap.

"So what's going on here?"

"Ah mabuti naman at umuwi ka ng maaga. Actually tatawagan sana kita para umuwi. May bisita tayong pupunta dito at kailangan mong mag ayos." Sabay tulak ni mommy sa akin. "Go, faster."

"Teka po mom sino po ba ang mga bisita?"

"The real owner of our school.."

"W-what?" Teka hindi ba kami ang may ari?.

"Actually, sa atin narin talaga 'yun---pero bago muna 'yon ay sa kanila talaga galing 'yon. Isang maliit na school 'yon dati at sila pa ang nag mamay-ari n'on. Sa kanila din ang lupang tinatayuan ng school natin ngayon---"

"Teka, kung gano'n mom...e bakit sa atin naka pangalan ang school?"

"Wait lang kasi, hindi pa ako tapos" i just nodded. "Nung mga araw na 'yon kasi ay mag kakilala ang lolo chairman mo at 'yung real owner--- bale they are both friends. Magaling din sila sa paggawa ng mga gamot--- i don't know what it is. Basta ang alam ko lang ay ibinigay sa lolo chairman mo ang school na 'yon at s'ya na ang namahala nito. Hindi narin bumalik ang real owner hindi ko alam ang story ng lolo mo dash, pero sa tingin ko nag karoon din sila ng misunderstanding dati at nag away. But that was in the past---siguro naman ay bati na sila ngayon."

"Oh" ang haba din pala ng story---ano naman kaya ang nangyari o pinag awayan nila dati ni lolo?. Na cu-curious tuloy ako.

"Sige na mag palit ka na. At ikaw naman sophie, tama na 'yan at magbihis na kayo ng kapatid mo"

"Yes mom"  sabay kaming umakyat ni noona sa taas para makapag palit na. Actually kinakabahan ako---hindi ko pa kasi nakikita 'yung totoong may ari ng school. Hindi ko alam kung mabait ba ito or strict din like lolo chairman. 

After a minutes...

Nasa dining table kami at abala ang mga katulong sa pag hahanda ng mga pagkain. Si mommy ay naka blue dress like noona. Si dad at ako ay naka formal attire.

*ring..ring...*

"Hello, yes po. Ah sige po." Sabay baba ni mommy sa phone. "Nasa labas na daw sila---tara salubungin natin. Sophie pakisabihan ang mga maid na mag si handa na para salubungin ang mga bisita."

HATRED PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon