CHAPTER 93

126 11 2
                                        

IVANNA POV'S:

"Saan ka nanggaling uris?" bungad na tanong sa akin ni liam.

"May ginawa lang." pumunta ako sa mga alakan at mabilis na kumuha doon. Ininom ko ng diretso 'yon.

"Woah! may problema ba uris? bakit mugto 'yang mga mata mo? umiyak ka ba?"

"Don't mind me." tatalikod na sana ako sa kan'ya nang bigla n'ya akong hinatak paharap ulit sa kan'ya.

"Anong don't mind me. Sinong nag pa iyak sa'yo at sabihin mo sa akin!" hindi ko alam pero nang makita ang pag aalala ni liam sa akin ay bigla nalang akong napaiyak. "shh.. nandito lang kami. Sinong tarantadong nag paiyak sa iyo?" nagtitimping tono na tanong n'ya sa akin sabay yakap. 

"Hayaan mo na---"

"Bullshit!" sigaw n'ya na s'yang naka agaw atensyon ng lahat. Si liam kasi ang medyo malapit sa akin. Kaya kapag nakita n'ya akong nasasaktan o umiiyak ay agad n'ya akong dinadaluhan kumbaga para na s'yang kuya ko.

"Anong nangyayari dito? bakit umiiyak si uris? liam."

"I don't know! Ayaw nga n'yang sabihin sa akin."

"Uris ano ba talagang nangyari?" tanong ni amira. Umiling-iling naman ako bilang pag sagot.

"Parang kilala ko na 'yan." si courtney. Babaeng 'to ang lakas ng radar kahit kailan.

"Sino courtney nang mapatay ko---"

"H'wag!" pigil ko. Hindi p'wedeng mabalewala o mawala ang lahat ng ginawa ko.

"At bakit?" sabay pameywang ni courtney. Tumingin muna ako sa buong paligid dahil alam kong may sumusubaybay sa bawat kilos namin. Nang mapansin na wala naman ay agad ko silang sinenyasan.

"Sumunod kayo sa akin."

Nagtungo kami sa likod ng hotel kung saan walang nakabantay na mga guard. Sinigurado ko rin na walang pupunta dito sapagkat madilim ang bahaging ito. 

"Anong gagawin natin dito?" tanong naman ni brent.

"At tsaka hindi mo pa sinasagot uris 'yung tanong ko." Sabi naman ni liam.

"Huwag kang mag alala at palabas lang ang lahat ng 'yon."

"What do you mean?" Sabay sabay nilang sabi.

"Look at this." Sabay pakita ko sa basong hawak ko.

"Oh baso, anong gagawin namin d'yan?"

"Dilaan mo brent." I sarcastic said.

"Pfft!"

"Yan kasi ang daldal mo. So anong meron d'yan uris."

"Hindi ko pa alam pero may kutob ako na isa ito sa dahilan kung bakit gano'n ang nangyari kay dash."

"Huh? Bakit ano bang nangyari kay dash?"

"Mahabang kuwento pero sa ngayon kailangan ko ng cooperation n---"

"Woy! Bakit hindi n'yo ako sinasali d'yan?" Nakasimangot na sabi ni harry.

"Paano mo nalaman na nandito kami?"

"Nakita ko kayong umalis at akala ko ay uuwi na kayo kaya sinundan ko kayo."

"Wala bang nakasunod o nakapansin sayo na pumunta dito?" Tanong ko.

"Wala. Halos lahat naman sila ay busy."

"Good. Nandito ka naman rin lang ay may ipapagawa ako sa'yo."

"Gusto ko 'yan. Ano ba ang gagawin ko?"

"Kailangan ko kaagad ng resulta ngayong gabi. Gusto kong malaman kung anong nilagay na inumin sa basong ito." Sabay bigay sa kan'ya. Nang mahawakan na n'ya ito ay agad n'ya itong inamoy.

HATRED PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon