IVANNA POV's
Pag kadating namin dito sa pinas ay agad na dumiretso ako sa bahay namin at inilagay ang mga gamit sa k'warto, wala sila mom nasa hospital parin pero ang sabi naman ay sa susunod daw ay p'wede na silang lumabas.
Dahil mag isa lang ako sa bahay ay lumabas muna ako at naisipang pumunta sa bahay nila natsu. Nag drive ako ng motorcycle kong Ducati Hypermotard na color black with red, kaya ito ang nirequest ko kay lolo kaysa sasakyan ay dahil mas mabilis at mas nakakasingit pa ako sa traffic.
Pagkarating ko doon ay sa bakod ako dumaan, binigay kasi sa akin ni jack ang blueprint ng bahay nila natsu kaya alam ko na ang pasikot sikot dito, kaya umakyat ako sa bakuran nila kung saan walang nag babantay na guard, mabuti nalang talaga na train ko ang sarili ko na maging magaan lang kapag tatalon o aakyat ng walang nakakaalam.
Nakapasok na ako sa loob at dahan dahang hinanap ang k'warto ni natsu, nang makita ko na iyon ay nagtago ako sa gilid kung saan hindi n'ya ako makikita, maya maya ay narinig ko ang pagkanta n'ya ng history ng One D. Tss, akala mo naman singer!, nag tataka kayo siguro kung paano ko s'ya naririnig? Dahil sa tinirain din ako nila lolo sa pakiramdaman kaya ayun nasanay na ako.
"ARAY!!" Biglaang sigaw ko kaya naman agad kong tinakpan ang bibig ko. Grabeh naman sino naman ang nag bato n'on! Masasakal ko talaga kung sino 'yon! Ang bastos! Mabuti nalang sanay na ako sa mga sakitan, kaya parang kagat lang ng langgam para sa akin 'yon tss.
Nakita kong lumabas na sila ng bahay kaya naman sinundan ko sila, umakyat ulit ako ng mabilis sa bakod at agad na tumalon sakto sa motor ko kasabay n'on ang pag andar ko ng mabilis para makasunod sa sasakyan nila natsu.
Habang nakasunod ako sa kanila ay napansin kong may mga itim na van ang sumusunod sa kanila, kaya naman ay pinagmasdan ko muna kung ano ang gagawin nila, nasa likod ako ng mga sasakyang itim na ito at natitiyak kong hindi nila ako makikita mula sa mga side mirror nila.
Napansin ko na malapit na kami sa school pero wala parin silang ginagawa maliban sa pagsunod, nang makarating na sa school kung saan gaganapin ang graduation ay agad kong pinarada ang ducati kong motor sa tabi ng sasakyan nila natsu.
Nakita ko sila na papasok na sa loob kasama si jacko dahil maguumpisa na ang program, nakatayo lang ako sa pinto malapit sa mga magulang para hindi nila ako mapansin o kaya para hindi nila ako makita, napansin ko na nasa harapan si natsu siguro dahil s'ya 'yong valedictorian ng school tch mangaagaw!
Nakita ko na lumapit ang mga kaibigan n'ya at pati narin si bella, teka ok na kaya sila?
O___o?
Hinalikan ni bella si natsu? Ewww! 'No ba 'yan! Sa harapan pa talaga ng mga tao tss.
A FEW HOURS LATER... (Spongebob lang ampeg!)
BINABASA MO ANG
HATRED PROMISES
AcciónDo you hate people who promise to you?, But they didn't?, What will you do if someone did that to you?.. Are you going to hate it? Or are you going to give him/her a second chance. Isang babae ang umaasa na sana kapag nangangako ay tinutupad at gina...
