"CHAPTER 77: THE MEMORIES"

229 24 0
                                    

"CHAPTER 77"


IVANNA POV's



"Sweetie?, come here" tawag sa 'kin ni mom.


"Bakit po mom?, may problema po ba?" Lapit ko sa kanya. Nasa isang dagat kami at si mom naman ay nakaupo sa bench, samantalang ako naman ay nag lalaro sa buhangin s'yempre trip ko talagang gumawa ng sand castle kahit mismo no'ng bata pa ako. 



"Sweetie, h'wag mong pababayaan ang daddy mo ha, kahit na anong mangyari ay dapat tulungan mo si daddy mo sa lahat para hindi s'ya mahirapan"


"Huh? Bakit si daddy lang po? Dapat ikaw rin hehehe, kayo talaga mom kung anong pinag sasabi n'yo" then i sat beside her and hug. She smile at me then tears fell down to her cheeks "mom?, bakit po kayo umiiyak?"


"Napuwing lang sweetie, basta baby please promise to me that you will protect our family ha, and please forgive to those people who hurt and lie to you okay?, kahit na ano pang kasalanan ng isang tao sayo ay dapat marunong ka parin mag patawad dahil masama ang mag tatanim ng galit d'yan" sabay turo n'ya sa puso ko "alam kong mahirap sa una pero darating din ang panahon na matatanggap o mapapatawad mo rin ito. Ang pagpapatawad kasi baby ay mahirap ibigay ng taong nagawan mo ng kasalanan, depende pa yan kung gaano kabigat ang kasalanan mo o niya.Mahalaga ang pagpapatawad sa isang taong nagkasala sa atin dahil natatakot tayo na baka maulit uli ito, ngunit kailangan nating magpatawad dahil ito ang magpapagaan ng kalooban natin."



"Gano'n po ba?"


"Yes sweetie"


"Pero mom mahirap talaga gawin 'yun e, lalo na kung sobrang bigat sa kalooban ko ang ginawa n'ya"



"Sweetie ang pagkakamali ay parte lamang sa buhay ng tao, kung 'di ka magkakamali hindi ka matututo, kung hindi ka matututo hindi ka magbabago, kung hindi ka magbabago walang saysay ang buhay mo, at kung walang saysay ang buhay mo wala kang kwentang tao. Sa mundong ating ginagalawan ay walang hindi nakagagawa ng pagkakamali at walang hindi nagkakasala, nangangahulugan lamang ito na walang taong perpekto. Maraming tao ang hindi kayang magpatawad ng kanilang kapwa sa pagkakasala, dahil para sa kanila ay mahirap itong gawin, dahil ang akala ng iba ay kapag pinatawad nila ang nagkasala ay babalik na sa dati ang lahat. Ang pagpapatawad ay hindi mahirap gawin, ngunit ang tiwala ay mahirap nang ibalik. Matuto tayong maging mapagpatawad kahit sa mga taong sobrang naging masama, dahil mas pinagpapala ng panginoon ang marunong magpatawad at marunong umunawa. Mahirap mabuhay sweetie na mayroong kinikimkim, kaya't maging mapagpatawad, dahil hindi tayo magiging masaya at mapapanatag kung mayroon tayong hindi pinapatawad. Ang pagpapatawad ay isa sa pinakamagandang bagay na magagawa natin sa ating kapwa. Ang pagpapakumbaba ay hindi nagpapakita ng iyong pagkatalo, nagpapatunay lamang ito na isa kang mabuting tao."


"Mommy parang nabasa ko na 'yang sinabi mo"


"Hahaha ikaw talaga sweetie ang lakas talaga ng memory mo"


"Hehehe s'yempre naman mom, mana mana lang 'yan hihi, kaya nga top one ako diba mom?"

HATRED PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon