DASHIELL POV's
Nasa bahay na kami ngayon, nasa kitchen kami kumakain ng snacks at kasama ko si louis tapos si bella naman ay kasama si noona doon sa k'warto n'ya, napabuntong hininga nalang ako kasi alam n'yo 'yong feeling na badtrip ka dahil nanjan ang ex mo! Sabi nga nila minsan badtrip magmahal, bigay ka ng bigay pero kulang pa. Magpakatanga ka, iiyak. Ikaw ang iiwas pero ikaw din ang masasaktan, hintay ka ng hintay pero 'kaw din ang iiwan. Argh!
"Alam mo dude! may tama ka" biglaang sabi ni louis kaya naman napatigil ako sa kakaisip ko, ano bang pinag sasabi nito?
"Anong may tama? Baka ikaw 'yon?"
"Tch, sabi ko may tama ka, i mean you have a point on what did you say"
"Teka ano bang sinabi ko?"
"'Yong hugot lines mo, tss hindi mo ba alam na nag sasalita ka na naman ng mag-isa tsk tsk dude! Sakit mo na 'yan"
"Huh? Talaga? Sinabi ko ba 'yong mga salita na nasa utak ko?" Then he nod at napa facepalm nalang ako.
"Dude! H'wag mo kasing masyadong dibdibin may harap ka hahaha"
"Siraulo!"
"Hey! Guys" biglaang sabi ni noona.
"Uy! Ate sophie!" Sabay lapit ni louis at yumakap na rin tsk tsansing rin to eh kaya naman umubo ako kunwari.
"Ahem!"
"Hehehe" tawang peke ni louis kaya naman sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Hey! Naruto!" Tawag ni bella sa 'kin.
"Ahem!" Tawag pansin ni louis at tsaka tumingin sa malayo at humugot "Alam n'yo ba ang malalandi ay parang pantal, kapag kinakamot ay mas lalong kUMAKATI! At tsaka alam n'yo ba na ang mga ahas? Hindi na sa gubat lang nakikita, minsan nakakausap at parati mo pang nakakasama" seryoso n'yang sabi ay sabay tumingin kay bella.
"Oh bakit ka sa akin nakatingin?" Taas kilay n'yang sabi.
BINABASA MO ANG
HATRED PROMISES
AzioneDo you hate people who promise to you?, But they didn't?, What will you do if someone did that to you?.. Are you going to hate it? Or are you going to give him/her a second chance. Isang babae ang umaasa na sana kapag nangangako ay tinutupad at gina...