"CHAPTER 59"

225 28 0
                                    

DASH POV's



Nasa ibaba na kami ni ivanna ngayon, ng bigla akong huminto. Tinitigan ko muna s'ya sa mga mata n'ya.


"Oh?" Sabi n'ya.

Matapos ng mga ginawa ko sa kanya ay sinuklian parin ako ng kabaitan n'ya. Bakit ba ang bait bait mo sa akin?. Sana ikaw nalang pala ang minahal ko. Sana ikaw ang una kong nakilalang babae. E 'di sana hindi ako nasaktan ng ganito. Bigla ko s'yang yinakap ng mahigpit.



"Salamat talaga ivanna. Kung hindi dahil sayo baka wala na ako" bulong ko sa kanya.


"Tss, ang drama mo. Umalis ka nga ang bigat mo" sabi n'ya sa akin, kaya naman ay umalis ako sa pagkakayakap sabay ngumiti sa kanya at ginulo ang buhok.


"Ang cute mo talaga"


"Tss, ano ba!. H'wag mo ngang guluhin ang buhok ko!, kundi masasapak kita." Pananakot n'ya sa 'kin.



"Ito naman.."


"Tara na nga at ihahatid na kita sa hospital, tatawagan ko pa si louis para ibalita ang nangyari sayo"


dO__Ob!


"Ops!, teka lang"

"Oh?"

"P'wede bang sa atin lang ito?. Kay louis mo nalang sabihin ang lahat tapos pakisabi din na ilihim n'ya muna ito sa pamilya ko. Ayaw ko silang mag alala"


"Mag alala?, eh nag alala na nga sila sayo ngayon eh, tsaka mo palang naisip 'yan?, kanina ka pa kaya pinag hahanap"



"Basta p'wede sa atin lang ito please.. pakisabi kay louis na gumawa nalang s'ya ng alibi sa kanila mommy" pa puppy eyes kong sabi.


"tss, hindi 'yan sa akin 'yang pa cute mo"


"Hmm.. cute ako talaga?"


"Huh? May sinabi ba ako?"


"Oo sabi mo hindi 'yun uubra sayo itong pa cute ko"


"Eh?"


"Tss, aminin mo na. Nacucute 'tan ka noh?"


"Hindi kaya" sabay iwas n'yang tingin.


HATRED PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon