CHAPTER 95: ILY GOODBYE AND SEE YOU AGAIN

184 11 6
                                    



IVANNA POV's



After kong pumunta sa kanila titus ay napag pasyahan kong bumili ng prutas para kay dash. Tsk nakakahiya naman sa kanila, 'di joke lang. Nang makarating na sa hospital ay agad kong pinark ang motor ko sa gilid. Pag pasok ko ay agad na bumungad sa akin ang napakaraming pasyente. Lumapit ako sa isang nurse at tinanong kung ano ang nangyari.


"Food poison po ma'am. Pangalawa na po 'tong nangyari. No'ng nakaraan mga bata po at ngayon naman mga matatanda. Ang sabi nila ay dahil daw doon sa ibinigay na libreng pakain ng isang mayamang tao. Hindi po nila kilala kaya gano'n nalang ang pag kabahala nila dahil wala silang masisihan."


"Hindi ba nila nahuli 'yon?. Tsaka pangalawang beses na? Hindi ba sila aware doon? Bakit sila tumanggap."


"Hindi naman po kasi maiiwasan 'yon lalo na kung taghirap po. Sa kabilang bayan po kasi mga nakatira ito at sa bayan na 'yon ang mga puro iskwater."

"Eh hindi ba sila nabibigyan ng sapat na tulong doon?"


"Hindi po sila gaanong nabibigyan. Ewan ko po ba oh sige po at mag du-duty pa po ako."

"Salamat." Napabuntong hinga na lamang ako dahil sa inis. Ewan ko ba kung bakit o dahil siguro sa mga narinig ko, tss.

Bago pumasok sa elevator ay nakita ko ang doctor ni dash. Dali dali naman akong lumapit sa kan'ya.


"Hi, doc."


"Oh ikaw diba yung girlfriend ng pasyente ko?"

"Opo." Oo nalang kahit hindi.

"Anong maitutulong ko? May nangyari ba sa pasyente ko?"

"Wala naman doc. Ipag papaalam ko lang sana si dash na ilabas pero sa taas lang naman kami at hindi kami mag tatagal."


"Hmm.. o sige mukhang may gagawin kayo eh." Sabay ngisi n'ya.


(----____----)


Nang makita n'ya na wala man lang akong ka react react sa sinabi n'ya ay agad nawala ang ngisi n'ya at napalitan lamang 'yon ng buntong hinga.


"Sige pumapayag ako basta bilisan niyo lang. Bawal s'yang mag tagal dahil kailangan n'ya pang mag pahinga."


"Yes doc, thanks." Sabay talikod sa kan'ya.


"Whoah! Ngayon lang ako naka incounter ng isang babae na iisa lamang ang emosyon." Pahabol pa n'yang sabi.


(----____----)


*Kring..kring..*


"Hello rissy.."


"Paakyat na po." Pinatay ko na ang cellphone ko at agad na dumiretso sa elevator. Habang nasa elevator ay napag pasyahan kong tawagan sila amira. At sinabi ang tungkol sa nalaman ko at ang plano ko.


"Napakabait naman ni inday.." pang aasar na tono n'yang sabi.


"H'wag mo kong inday-in at baka gawin kita ale." Aling Amira


"Sus ito naman hindi mabiro. Sige sige at sasabihin ko rin sa kanila lolo ang tungkol d'yan. Kaloka naman ang bansang 'to."


"Sige na bye." Sinabi ko sa kan'ya na tulungan ang bayang 'yon. Kumbaga mag karoon ng feeding program bago kami umalis sa bansang ito, atleast may naitulong kami kahit papaano. Gusto ko rin alamin ang sanhi ng sakunang ito o kung sino ang nag pakana nito.


HATRED PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon