IVANNA POV'sNakakainis at nakakahiya!. Punyeta namang buhay oh!. Parang mga sirang ulo 'yung mga babae kanina UGH!!! Kung p'wede lang pumatay ng tao kanina ay ginawa ko na, subalit bawal!.
Tumakbo ako papalayo sa canteen at nag tungo sa likod ng school kung saan tahimik at payapa. Pumunta ako sa malaking puno at umakyat kung saan may bahay ako. Yes tama kayo may tree house ako dito na tinago ko. Sakto lang naman ang laki nito mabuti nalang masyadong madahon ang puno kaya hindi ito mapapansin ng kahit sino man. Ginawa ko ito para sa pagtataguan ko at pag papahingaan. Agad akong pumasok sa loob at nag palit ng damit.
Mga impaktang 'yon! Ang lakas ng tama. Hayss at isa pa itong si natsu!. Naku!. Ang sarap hampasin ng upuan!. Gigil mo si ako eh. Paano ba naman kasi mas inuna pa n'ya ang paglalandi bago ako. Hmp! Nangako s'yang proprotektahan ako at aalagaan tapos anong nangyari?. O diba ang ganda?, as in WOW!. Kabanas!. Arggghhh!. Kapag nakita ko talaga s'ya? Titirisin ko ang pag mumukha n'ya hanggang sa mag mukha s'yang alien.
d-____-b
Anong oras na kaya?. Aish! Next class ko na pala!. Hayst hayaan mo na nga babawi nalang siguro ako, kailangan ko munang mag palamig ng ulo dahil anytime sasabog na ang mayon volcano at magbubuga na ng apoy ang dragon. Matapos kong magpalit ay nag pahinga muna ako saglit. Humiga ako sa kama ko at iidlip sana ng biglang narinig ko ang pangalan ko.
"Ivanna!. Babe! Asan ka!" Si natsu e sino pa ba. Bahala s'ya sa buhay n'ya, mamaos s'ya jan sa kakasigaw at hinding hindi ako lalabas.
"Babe! Please kauspin mo naman ako!" gumagaralgal na boses na sabi n'ya. Pustahan tayo mamaya ay iiyak na 'to. Tss parang bata. Kinuha ko naman ang telescope ko at tinignan kung saan s'ya banda. Nang makita ko ay nakaupo s'ya lupa at umiiyak.
"Babe! I'm sorry.. hindi kita *sniff* na protektahan *sniff* pero pinarusahan ko na sila sa ginawa nila *sniff*" paanong pinarusahan?, siraulo talagang unggoy na to, ano na naman kayang pinaggagawa nito?.
"Babe! Please mag pakita ka naman oh, hindi ko kayang mawala ka sa akin!" Pero hindi parin ako sumasagot. Manigas ka jan!. Ang ayaw ko sa lahat ang nangangako ng hindi naman tinutupad!. Salita ng salita pero hindi ginagawa!. Alam n'yo kasi kapag nag bitiw ka ng pangako, siguraduhin matupad ito. Dahil kapag ang pangako ay napako, h'wag ka ng umasa pang may magtitiwala pa sayo. Kaya ayaw ko sa mga taong nag propromise dahil puro salita nalang sila. Hindi ba nila alam na dahil sa ginagawa o pinagsasabi nila ay maraming tao ang umaasa at nasasaktan?. At isa na ako doon...

BINABASA MO ANG
HATRED PROMISES
ActionDo you hate people who promise to you?, But they didn't?, What will you do if someone did that to you?.. Are you going to hate it? Or are you going to give him/her a second chance. Isang babae ang umaasa na sana kapag nangangako ay tinutupad at gina...