Kabanata 2

23 6 4
                                    

Kabanata 2

"Gio, babye na for now." nakakalungkot magpaalam lalo na sa kaibigan mong matagal mo ng nakasama.

"Ganyan talaga ang buhay Clio,sometimes you have to make sacrifices in order to continue." Makabagbag damdaming pahayag nya.

Tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"We can still communicate naman,video call and chat.Magdamag pa kung gusto mo hahahahaha" pagbibiro nya, sinapak ko para manahimik.

"Aray!Nagjo-joke lang ako,eto naman sobrang brutal" reklamo nya at hinamas ang ulo nyang pinalo ko kani-kanina lang.

"Ihhhh mami-miss kita ng sobra!Ayaw kong umalis buddy!huhuhu" it's breaking my heart to say goodbye to him.

Sabihin mo ng OA pero sadyang napalapit na talaga sa kanya ang loob ko.Since grade  9 kasi ako sya na yung bestfriend ko.

Flashback

First day of school, i'm a grade 9 student now.New school,new environment and most of all new faces.

Medyo kinakabahan pa ako,kakalipat lang kasi namin dito.Nanggaling pa kaming Cebu, kaya natatakot ako na baka ibully ako ng mga taga Maynila.

I was seating alone sa pinakadulong row, halos lahat ng classmates ko ay magkakilala na since yung iba matagal ng magka-kaklase.Ako lang yata ang transferee dito.

Nakinig nalang ako ng music sa phone ko. At habang nakikinig ako ay may pumunta sa harapan ko at marahas na hinila ang earphones mula sa aking tainga.

"Hey transferee!Bakit ang tahimik mo?" Anang isang lalaking moreno.

He looked very handsome for his age, his chestnut colored hair is tossed messily. Dark brown eyes that takes your breath away and his thin lips that is now curved into a smile.

"Uyyyyy,pipi ka ba?"usisa nya at sinuot ang earphones sa kanyang tainga. Ipinikit nya ang kanyang mga mata na tila nagugustuhan ang musikang pinakikinggan.

"5 seconds of summer?" Tanong nya.

I nodded, hindi makapagsalita because I'm still mesmerized and at the same time wondering kung bakit nya ako kinakausap.

"You have great taste on music" he commented as he looked deeply into my eyes.

"T-thanks" nauutal kong pahayag as i looked down into my palms at pinaglaruan ang aking mga daliri. A habit of mine na diko mapigilan gawin tuwing kinakabahan ako.

"Wow you can totally speak? Akala ko talaga pipi ka hahaha" aniya at natatawang tinanggal ang earphone mula sa kanyang tainga.

" I'm Gioseph Marcus Fernando, Gio for short, ikaw? What's your name?" Pagpapakilala nya sa kanyang sarili at inilahad ang kanyang kamay.

"Clio Aphra David" maikling tugon ko at nag-alinlangang tinanggap ang kamay nyang nakalahad sa aking harapan.

" Uy brooo!!!ano yan ha?" Maingay na sigaw ng isang lalaki.

"Oo nga pre!First day of school palang nagha-hunting ka na ng chicks?" Dagdag ng isa pang lalaki.

Napakunot ang noo ko, sino sila at anong ibig nilang sabihin?

"Hoy ano ba kayo? Tumahimik nga kayo dyan,tignan nyo tuloy nangyari" suway ni Gio at nag-aalalang tinignan ako.

"Huwag mo silang intindihin,sadyang mga baliw lang yang dalawang yan" aniya at tinignan ng masama ang dalawang lalaking sa tingin ko ay mga kaibigan nya.

Courting Hal (Belle Fille Series #1)Where stories live. Discover now